Chapter 3- The Surprise
Kasalukuyang kami namimili ng susuotin para sa Aquantance Party na gaganapin bukas kasama ko sila Jerome at Jess ngayon wala naman talaga akong balak pumunta para kasi sa akin ang mga ganon pang kalandian lang pero pinilit ako ni Jerome
Eh eto naman si Jerome pinipilit ako wala naman syang partner. Ako? Meron si Calvs pero nakakatakot kasi sumama don parang ang perfectionist masyado nya! Napilit lang ako gawa ni Jerome.OO PURO JEROME! BUKANG BIBIG KO NA JEROME!
"Hitey Jess! TUBE na pa heart!"sabi nya kay Jess na nakapangdisguise pa rin ang peg. Tinignan ko yung damit na tinuro nya balak pa atang gawing SPG si Jess.
"HOY BAKLA!"sigaw ko sa kanya mukha naman nagulat sya. Kinuha ko yung damit at binalik sa sampayan.
"BAT MO BINALIK!"aba! Magaling sinisagawan na rin nya ako ha! Ume FC!
"PARTY! PARTY JEROME! HINDI TAYO PUPUNTA SA BEER HOUSE!"
"HINDI NAMAN PANG p****k YUN AH!"
"HINDI? ANG IGSI KAYA HANGANG PWETAN LANG TAPOS KUNG SUSUUOTIN KITA NA CLEAVAGE! IKAW MAGSUOT KUNG GUSTO MO!"
Nakita ko naman na papaiyak na sya "Lahat na lang na ginawa ko mali! Wala na kong ginawang tama! Ginawagawa ko lang naman ito para mapasaya ko kayo!"dinuduro pa nya sarili nya, Nora Aunor is that you? "...tapos ginanito nyo ko! Binaboy nyo ko! MY BROTHER IS NOT A PIG!"
Pagkakasabi nya non,sinampal ko sya tutal naman akala nya nasa telenobela kami kaya naman sinampal ko sya feel na feel ko nga eh.
Nakita ko naman na tinatakpan na ni Jess yung mukha nya gamit ang kamay at hinawakan kami sa braso at kinalakad palabas nung branch.
"Bakit Jess?"tanong ko.
"Nagtanong pa!"halata sa mukha ni Jess ang kahihiyan ,oo alam ko naman nakakahiya yung ginawa namin si Jerome kasi eh.
"Girl,baka may makadiscover sakin na director don at gawin akong artista!"nagflips pa ng hair si Jerome kunwari as if naman may buhok syang mahaba.
"Mas kinakabahan pa nga ako na baka may doctor don at dalhin kayong parehas sa mental!"may iritang sabi nya.
"Si Jerome lang hindi ako."sagot ko naman na sabay tingin sa mga kuko ko.
"Bakit ako lang!?"
"Mukhang ka kasing shunga...hehehe joke lang."-ako
"Gusto mong ma Vice Ganda?" sabi nya naman.
"Tama na asaran guys wala pa nga tayong nabibili."singit ni Jess pero she's right wala pa nga kaming bitbit eh si Jerome kasi puro kalokohan ang alam.
Papalakad na sana kami ng may humila sa braso ko,akala ko kung sino at bigla bigla na lang sya nanghihila at hinawakan ako sa bewang at magkatapat ngayon ang mukha namin at konti na lang magkakalapit na ang labi namin WAHHH!
"TSUPI!"tinulak ko sya palayo sa akin,hirap na noh baka masampal ko ulit ang kumag na 'to.
"Aba,bat ganyan ka? Hindi mo ba nagustuhan ang kiss ko?"aba nagtanong pa!
"Malamang hindi! Bad breath ka!"sagot ko naman,feelingero 'to ha! Nakakatitig lang naman ako non sa kanya sabay kapit sa bewang ko at haplos sa buhok at hinalikan na ng mariin! ABA MALANDI!
Napangiti naman sya,may nakakangiti ba sa sinabi ko?
"Psst manners nga nasa mall tayo."bulong sa kin ni Jess. Napalingon naman kami sa likuran ni Luhan andun din pala silang apat. At mga may dalang instrument.
"Jess what are you doing here?"tanong ni Gene na nakasuot yung gitara sa likod, nga pala yung living under the same roof namin ayus lang naman madalas lang talaga kami nagtatalo sa CR lalo na at taeng tae na ko eto naman syang ang tagal sa CR. May ginagawa pa atang kababalaghan -_-
"Naghahanap ng boys!"singit ni Jerome,nakita ko naman siniko sya ni Jess.
Hindi naman sya pinansin ni Gene,hahaha buti nga! Tinignan ko si Jerome at binelatan. Samantala naman si Gene lumapit kay Jess at may binulong para naman kinilig si Jess,AYSUS! wala lang nakakairita lang yung PDA sa harapan -__-
"Tama na nga yan guys! Tara kain tayo sa labas!"yaya ni Neil sa amin.
"Sus makapangyaya to may pera ka ba!?"tanong naman ni Ivan na nilagay ang dalawang kamay sa batok "..ay ate nagtext nga pala si Papa we need to go home."pagpapatuloy nya.
Nakakapagtaka lang magkapatid sila Ivan at Jess pero hindi magkaparehas ng epilyido? Matanong nga kapag may time.
"Ganun? Hmm sige Gene kailangan ko na palang umalis."sabi ni Jess kay Gene at saka umalis na nga sila. Pero paano ang pamimili namin? Hmmp model naman yan maraming damit.
"HALA GIRL SI FAFA NAGTEXT DIN SA 'KIN."hirit sakin ni Jerome na hawak nga yung 3210 nyang phone.
"O'pake ko."sagot ko naman.
"Hmmp you so bad talaga to me, anyway sabi nya pauwi na daw si mama and I need to make our hapunan!"
"O sige pumunta ka na."wala naman akong magagawa kaya uuwi na rin ako siguro hindi na lang ako pupunta.Wala naman ako kasama eh.
"Ay papa Calvs pakitulungan naman si Airin oh, she make hanap kasi dress para bukas sige papa Calvs salamat! Ba-bye my dear friend kita kits bukas mwah!"at HANEP TALAGA YUNG BAKLANG YON! AT SINABI PA!
WAHHH Nakitingin tuloy sakin yung apat si Luhan,Neil at Calvs. Si Gene? Di ko alam kung saan nag punta. Paki ko baga don -_-
"Ako na lang. Sasama sayo pati sa fitting room."pocha talaga tong si Luhan ang p*****t kahit kailan sarap sipain eh!
"No. Thanks baka ipa r**e pa kita sa bakla."sabi ko,tapos naglakad na ko palayo hindi naman na sya sumunod.
Huminga ako ng malalim uuwi na talaga ako tutal wala ngang kasama, pababa na ko ng scalator ng napansin ko yung Musical Instrument na tindahan kaya lumapit ako sa may salamin at nakadisplay doon ang isang Keyboard.
"Kailan kaya ako uli makakatugtog."sabi ko sa sarili ko.
Mga ilang segundo din umalis na ko sa harapan ng Musical Instrument. Siguro kapag gumaling na ang mga kamay ko makakatugtog na uli ako.
"OMG!" napalingon ako sa sumigaw na yon. Tatlong babae sila nakatingin sa akin.
"Problema nyo?" sabi ko with matching taas kilay.
"Well magnanakaw ka!"sigaw nung girl 2 sa akin. May kaigsian ang buhok na ang kapal ng kilay.Sa lakas ng sabi nya napatingin tuloy ang mga tao. Shet,napagtritripan ako ng mga 'to ah.
Ngumiti ako at nag cross arms."Hampaslupa." mag ala Donya Santibanez tayo.
"Lady Mae did you hear that?"-girl 3 sabi nya dun sa girl 1.
"Tanga! Bingi ba ko para hindi marinig?"sigaw nya doon sa girl 3. Aba makatanga naman to wagas napahiya tuloy si girl 3.
Lumapit yung Mae ata yung pangalan sa akin "Tampalasan ka ha, hindi mo ba ako kilala?"
"No."ngumiti ako ng mapang asar. Feeling sikat to ah.
"Well let me introduce myself. I'm Lady Marie Mae Cuevas. Daughter of the most powerful business man in the Philipines. So ano kilala mo na?"
"And so?"
"And so you need to respect me."
"And why should I?"
"Kakasabi ko lang di 'ba?"
Hays makikipag away ba ko? Wag na nga di ako napatol sa hayop eh. "Hayss sige na you win, ayoko makipag away eh sige ano ba yung ninakaw ko ng matapos na 'to"
"Sige ayus na yung ninakaw mo,halikan mo na lang ang paa ko para mapatawad kita."ABA ABA iba na 'to hahalikan ko paa nya? MUKHa NYA!
"Alam mo ba ang alamat ng kuto?" sabi ko. Nakita ko naman sa mukha nya ang pagtataka.
"And so anong connect?"
"Wala lang naman mukha ka lang kasing kuto."
"ANO!?"
"Hindi pala lisa na lang pala para cute ka pa rin naman kahit paano."
"Great. Girls come here."lumapit ang dalwang babae sa kanya."alam nyo na gagawin girls."ngumiti silang tatlo sa akin.
Lumapit sila at hinawakan ang dalwa kong braso! Lumapit sa kin yung Mae at sinampal ako ng malakas sinuntok din ako sa tyan kaya na pa aray ako.
"Now you know sweetie."sinampal nya uli ako. "mukha ka ng punching bag ngayon."sinampal nya uli ako naririnig ko ang mga tao na naawa sa 'kin. Okay kunwari hindi ko kailangan ng tulong -_-.
"At eto ang mega sampal ko na tanging piling tao lang ang nakakatikim kaya dapat maging honored ka."bumebelo na sya ng sampal.
Aping api ang peg ko noh? Wag ka! Ngayon pa lang magsisimula ang gulo! Pabwelo na sana ako ng may sumigaw eh panira ngg momentum oh!
"Stop it!"
Tinignan ko kung sino yung nag 'stop it' at sya pala na cool na cool na inalis ako sa dalwang babaeng nakakapit sa akin.
"Ano bang ginawa nya sayo, Miss?"tanong nya doon sa Mae.
Tinignan ko yung Mae at namumula yung mukha nya siguro nagwagwapuhan sya kay Gene,and yes si Gene sya ang nagligtas sa akin.OMG!
Yung pinsan ko.
"Si-sino ka ba para mangi alam!"
"I'm her cousin.At ako lang ang may karapatan manakit sa kanya"sabi ni Gene, ano daw!? Ayos na eh hero na ang dating eh naging villian pa -_-
"Halika na."hinawakan ni Gene yung braso ko at hinila palayo sa mga panget na yon hangang sa nakarating na kami sa parking lot.
"Kaasar."sabi ko.Tinignan ko si Gene na sumakay na sa motor nya at sinusuot yung helmet nya,may dala syang isang plastic bag ano kaya laman nun?
"Sasakay ka ba o hindi?" tanong nya with his almost deadly stare.
"Opo. Sasakay na."
Hayyss kahit naman pala masungit at parang walang paki alam tong alien na to eh masaya pa rin ako dahil niligtas nya ko kahit kaya ko naman ang sarili ko.
***
Kinaumagahan busy ako sa pagbabasa ng Hunger Games at nagtitili ako dahil kinikilig ako kay Katniss at Peeta! Sana magkatuluyan sila sa ending! WHOO!
"Eto oh."naisara ko tuloy yung libro ng may binato sa kin si Gene,bastos talaga eh pwede naman iabot ng ayos!
Kinuha ko naman yung hinagis nya sa akin ito yung plastic bag kagabi @_@
"Ano 'to?"tanong ko sa kanya habang nasa small kitchen namin at nagtitimpla ng kape.
"Tignan mo ng malaman mo."hmmmp taray talaga nitong Gene na 'to nagtatanong ng ayos eh matignan na nga lang yung loob.
Kinuha ko at tendederen! Isang dress,tube sya na kulay black na may stripe na red sa gilid nito na hangang tuhod ang haba infairness maganda.
"Sinong magsusuot nito?"tanong ko sa kanya bigla naman sya humarap sa akin.
"Tingin mo ako?" sabi nya. Tukmol talaga eh!
"Aba malay mo bakla ka at gusto mo na magladlad mamaya,wag ka ng mahiya tignan mo si Charice o di ba free na daw sya ngayon."pang aasar ko nauna kasi sya eh.
"Tsk. Pinabibigay yan ni Jess para sayo ayaw ko nga sana eh kung hindi ko lang sya mahal hindi ko sya pagbibigyan."sabi nya na umupo sa harapan ko kaya makatapat kami ngayon.
"Ah ganun ba. Ayus ah ganda ng damit."tinignan ko yung damit hangang nakita ko si Gene na may kinuhang box sa bulsa nya (infairness nakahalata ata at hindi na sya naka boxer ngayon at nakapanjama na.)
"Ano yan."
"Wala ka na dun."
"Di wala!"
Tapos binuksan nya yung box at nakita ko ang nagnining na kwintas! Na may pendant na J letter tas napapaligiran ng diamonds.
"Wow!"
"Wag ka nga sumigaw matalsikan ng laway mo 'to."aba ang arte! namangha lang naman ako sa ganda!
"Kanino mo ibibigay yan?"
"Kay Jess."
"Bakit?"
"Ipapakilala ko na sya na ang girlfriend ko." sabi nya.
Nga pala pumayag na si Jess na pupunta na sya sa Party mamayang alas otso ng gabi,ay teka isusurprise nya si Jess? Wow ang sweet naman ng pinsan kong 'to.
"Ipakilala? As Jess at hindi bilang Hazel Ann?"
"Yeah."
"Wow,good luck."
"Wag ka nga mag good luck."
"At bakit naman?! Nag goodluck lang eh =3="
"Dahil pag goodluck daw naasa lang daw sa swerte kaya dapat gambate ang sasabihin mo."
"Arte naman nito, osya gambatte!" daming ek ek nito ni Gene pero sana nga maging maayos ang pagladlad nya este pagbrobroadcast ng relationship nila ni Jess.
***
Nasa school na ko at nakaayos na rin at nakaupo na rin naiinip na nga ako eh nagsasayaw narin yung ibang studyante,oy di ako bangko lang ha may nag aalok sa akin na mag sayaw pero ayoko.
Magkakasama nga pala ang Good Kisser at dates nila sa iisang table at syempre katabi ko si Calvs na hangang ngayon ay hindi umiimik sa akin hayss nakakailang sila kasama ,si Luhan naman hindi ko pa sya nakikita eh si Neil at Ivan naman may kasayaw kaya kami lang ni Calvs ang natira.
Si Genesis naman mag CR lang daw. Hindi ko pa nga rin nakikita si Jess hindi ko rin alam kung pupunta ba sya hindi ko naman macontact si Jerome naman wala akong paki -_-
Biglang narinig ko yung phone ni Calvs may natawag ata.
"Hello..."
"Luhan you got think of this much better....No.... Luhan don't do that!"bigla naman sya napatingin sa akin bigla kasi sya napasigaw sa phone anong problema nya?
"Sorry."sabi nya sa akin na tinangal na ang tawag.
"Hindi ayos lang."
"Want to dance?" hayss salamat nagyaya rin sya.
"Sure--"naputol yung sasabihin ko ng biglang huminto yung music at may Emcee na lumapit sa stage "Students of Chireo High I have to stop the cottelion because I have to announce something big!"sabi nung emcee nagsimula naman na ang bulungan ng mga studyante.
"Shit."hala bat nag s**t si Calvs? Naiinis ba sya dahi hindi natuloy yung sayaw namin?
"We have a very surprise guest! Please welcome Ms. Hazel Ann!"
HUWAT SI JESS!
Galing sya sa may b****a ng gym at saka naglakad sa may red carpet naghihiyawan naman yung mga studyante at sinisigaw yung pangalan nya. Oh well ganda nya ngayon di mo aakalain na sya si Jessel Adarbe.
Nakaakyat na sya sa stage at inabot yung mike "Hello students of Chireo High. I'm glad to have you guys this evening."simula nya.
"HAZEL ANN!"sigaw ng mga studyante
"And guys bukod sa pag guest ko may ia-announce ako."huwat ano yon aber Jess? Kaya pala hindi ka nakapunta ng maaga may pasabog ka!
"This is not happening."napatingin ako kay Calvs at mukhang galit na galit problema nito?
"Excited na ba kayo malaman kung sino ang mystery boyfriend ko?" hala aamin na pala sya na si Gene ang boyfriend nya! Ayos yan para happy na silang dalwa.
"HALA SINO PO!" sabi ng isang studyante. Murmuring start now.
"Walang iba kung hindi si........"pabitin effect ni Jess.
"My mystery boyfriend is no other than Luhan Cuevas."o ayan nasabi na nya na si Luhan ang boy-- ANO DAW?!
Nagsimula na maghiyawan ang mga babae,lalaki,bakla,tomboy,butiki at baboy ng biglang may lumabas sa likod ng stage at lumabas si Luhan.
Kinuha nya yung mike mula kay Jess na humawak sya ngayon sa bewang nito "I love you Hazel Ann."sambit nito "I love you more Luhan Cuevas." OH SHEMAY PDA PDA! SPG! de joke lang over react lang ako bakit ganito ang nangyayare?
Napatingin ako sa may gilid ko ....nakita ko don si Gene nakatayo at nakatulala at naka nga nga malamang nga nga talaga yan hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayare.
Mukhang si Gene ang nasurprise at hindi si Jess. Naawa tuloy ako sa kanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko para lapitan si Gene pero nagulat ako ng may naghiyawan ng malakas kaya napatingin ako kung san sila naghihiyawan.
And guess what. Naghahalikan lang naman po si Jess at Luhan sa stage gilagid to gilagid ang peg. Jess pano mo 'to nagawa kay Gene?Mahal na mahal ka nya.
***