Chapter 2- Be my partner

2474 Words
Chapter 2- Be my partner Airin's POV "Hi! Airin!" kahit hindi ko kita ,alam kong si Jess yung bumati sa'kin,nakadown head kasi ako sa lamesa at tamang lunch time pero bad vibes ako kaya ayoko kumain. Bakit ako bad vibes? Isang dahilan lang naman! Dahil dyan sa alien na kasama ko sa bahay, kaninang umaga kasi ako dapat yung una maliligo pero ganito yung nangyare. Dahil 7:30 na ko nagising at sa taya ko din ay parehas kaming nagising ng late dahil lumabas sya ng kwarto nya ,sa sala kasi ako natutulog,pag tinamaan nga naman ng pagkagentleman yang alien na yan eh iisa lang kasi ang kwarto ng dorm nya at iisa rin ang CR. At ang ikinaiinis ko pa ang hilig nya magsuot ng boxer short! Di man lang mahiya na may babae sa bahay nya! Boxer short lang suot nya mga ate at kuya! Nasa pinto na ko ng CR ng bigla syang lumabas ng kwarto nya at agad syang tumingin sakin at lumapit,nung una akala ko kakausapin lang ako (pero sinisikap kong wag tumingin at hangang ulo lang ako tumingin sa kanya DAHIL ANG SAGWA!) pero laking gulat ko nung bigla syang tumakbo papasok sa CR! "Hoy alien! Ako nauna sayo lumabas ka dyan!"kinakatok ko yung pinto at hindi ko yon titigilan hangat hindi sya lumalabas! "Hoy! ALIEN!!"wala pa rin akong tigil sa kakatok. Mga 5 minutes na rin ako nambubulabog sa kanya ng laking gulat ko na nagbukas yung pinto at nakatingin sya sa'kin na basa na nga yung buhok nya at mukhang seryoso. Nakahubad na rin ata sya? Aba ewan ko baka may makita ko mavirginize pa yung mata ko! "Halika."sabi nya na seryoso parin yung boses,hinawakan nya bigla yung wrist ko at---PINASOK SA CR! Agad nyang sinara yung pinto ng CR at nilock! At oo kaming lang dalwa ni Gene sa CR! Anong balak nito?! Nasa tapat kami ng shower nababasa na rin ako pinipilit kong humiwalay sa kanya pero ang lakas eh di ko matanggal yung pagkakahawak nya! "Anong balak mong alien ka!?" "Sabay maligo." "Ano?!" "Conserve water." "Ano?!" "Bingi ka ba?" "Ang adik mo!"sabi ko ng aalis na sana ako at papunta na ng pinto ng hinawakan nya yung dalwa kong shoulder na kinagulat ko. "Naalala mo ba yung sinabi ko sa bahay ni mommy?"nakahalf smile sya sa pagkasabi ng bagay na yon,nagtanong pa ang bruho malamang tandang tanda ko yon no! Yun ata ang most epic line sa buhay ko! 'Baka mabuntis ko yan.'arghhh sumasagi pa lang sa utak ko hindi ko na mapigilan masuka! "Oh a-ano naman?" anong nangyayare sakin bakit nauutal ako?! "Kinakabahan ka na?" "Ha-huh?! Ba-bat na-naman ako kakabahan!" Ngumiti lang sya nang nakakaloko bigla nya kinuha yung sabon malapit sa kanya "Bakit ka nakatingin? Gusto mong ikaw mag sabon sa kin?" ASDFGHJKL sumusobra na tong alien na 'to ha! Gusto nya ng laro ha? Pagbigyan natin,patibayan tayong dalwa ng kalokohan Mr.Genesis Valdez. "Yup,pero saglit ha?" nagsmile din ako sa kanya pero yung sweet at seducing,tignan lang natin kung sino ang aayaw sa gagawin kong to HAHAHA. Hinawakan ko yung polo ng panjama ko at tumingin sa kanya ng nakangiti,tinanggal ko yung unang butones ng polo ko nakita ko naman na medyo nanlaki yung mata nya. Sinunod ko naman yung pangalawang butones,that time napaiwas sya ng tingin,sinunod ko na yung pangatlo butones tumingin ako uli sa kanya at for the win,napalunok sya. HAHAHA "Umalis ka na nga!"nanalo nga ako pero makatulak wagas! Pero hindi yon ang kinaiinis ko kasi eksaktong 7:30 na hindi pa sya lumalabas! Anong klaseng ligo yon lahat siguro ng singit nya kinuskos na nyang mabuti! "Alien!!! BILISAN MO KAKAUNIN KA NA NG SPACESHIP NYO!"takte oh, wala na kong nagawa kaya kahit hindi pa ko naliligo nagbihis na ko ng uniform,yup nakakadiri talaga ako! Kesa naman ma-late! Pagkabihis ko sakto naman na nakita ko na nakabihis na rin sya ng uniform,hinayupak talaga oh,na una syang lumabas ng dorm sunod naman ako hangang sa sumakay na sya ng motor. "What are you doing?"napa 'Ah?' reaction naman ako,di naman obvious na makikiangkas ako. "Makikiangkas,late na ko oh!" "Asa ka naman iaangkas kita dito saka bagong ligo ako didikitan lang ng engkantong hindi pa nakakaligo."sabi nya na sabay lagay ng helmet,aba't sino bang dahilan kung bakit hindi ako nakaligo! "Hoy parang ikaw ang dahilan nang--" okay I better keep shut up,pinaandar na nya yung motor,sama ng ugali ng ALIEN NA YAN!! itinataya ko sa bato hinding hindi ko tatawagin sa pangalan yang alien na yan! Bumangon na ko sa pagkakadown heads ko at kukuhain na sana yung baon ko na may dumating na sirena. "BEBE AIRIN!!!"sigaw ni bakla na may headband na ribbon sa ulo nya. "Makasigaw ka parang wala ng bukas."sabi ko na walang gana. "Ay mukhang BV si ate? Bakit aber?" "Nakita kasi kita." "Hahaha wag nga kayong ganyan,magmahalan kayo!"singit naman ni Jess na nilapit yung kanyang lamesa sakin para sabay ata kami kumain. "Airin."napalingon naman kaming dalwa ni Jess kay Jerome yung boses kasi nya pang lalaki eh hindi pang bakla. Napanga nga lang ako dahil bigla syang lumuhod sakin yung parang sa prince na parang mapropropose sa princess. "Will you be my girlfriend?" Konting dilim ng katahimikan para sa amin hindi ko kasi ma absurd yung sinabi ni Jerome eh,pero isa lang ang alam ko,NAKAKADIRI! "HAHAHAHA!! Shabu pa Jerome!"bigla naman hirit ng tawa ni Jess,ako naman hinawakan ko yung buhok nito ni Jerome at sinabutan at may kasama pang sakal "Ikaw bakla ka!"sabi ko sa kanya habang sinasakal at sinasabutan. Si Jess naman taga tawa lang. Napatigil lang ako nang pagsakal kay Jerome nang sabay kaming napa nga-nga kasi lumapit sa min si alien ay mali pala kay Jess lang sya lumapit. "Ba-bakit?"sabi ni Jess,mukha naman na kinabahan bigla 'tong si Jess. Hindi nagsalita si alien pero may ipinatong sya sa desk ni Jess at saka umalis na rin bigla at sumama dun sa mga kapwa nya alien. "Girl ano 'yan?!"sino pa nagsabi nyan kung hindi tong baklang Jerome na 'to. Binuksan na ni Jess yung sobre at tinignan yung nakasulat sabay naman kami ni Jerome na sumilip sa sulat. "Be my partner."pagkakabasa ko sa sulat. Bigla naman nagseryoso yung mukha ni Jess. "Hey Jessel Adarbe for the 2nd time hindi mo ulit sya pagbibigyan?"biglang sabi ni bakla,ako naman hindi maka relate. "Jerome,you know my situation,right?"mukhang ayaw ni Jess,pero mukhang gusto din nya, ay ewan! "Ay teh! kung ayaw mo akin na lang!" "Tse! Pagiisipan ko! Akin na!" Nakatingin na lang ako sa kanila at mukhang nakaramdam naman sila "Hahaha kasi last year Acquitance party yon niyaya sya ni Gene maging partner,alam mong ginawa ng bruhang 'to?" "Ano?"sagot ko naman. "Di nya sinipot,kawawa tuloy si Gene."sambit naman ni Jerome. "Alam mo naman na ako si Hazel Ann, kaya pag nakita kami magkasama sa Chireo High baka malaman nilang ako si Hazel Ann."sabi naman ni Jess, actually di ko sila magets. "Tao ba yang Hazel Ann na yan?" singit ko na pumalambaba na sa desk. "Aurin Bru, screen name ni Jess 'yon." "Maka bru ka dyan eh kung sakalin kaya kita dyan! Ah so artista ka kaya ka nagdidisguise bilang panget."-ako "I'm a model."-Jess "Famous model in the Philippines."-Jerome "Ah I see."-me "Chot ka! Yan lang react mo!"nanlaki yung mata ng bakla. "Shunga ka talagang bakla ka,hindi nya talaga ako kilala kasi laking Paris yan!"sigaw naman ni Jess na kinatingin ng mga kaklase namin. Wala sila Alien dito eh ang balita ko lagi ang tambay nila ay sa may Music Room na hindi ko naman alam kung saan dahil itong classroom ko lang ang tangi ko pa lang napupuntahan. "Hmm girls may plano ako!"bigla naman singit ni bakla. "Ano?"-Jess Lumapit si Jerome kay Jess at may binulong. "HA!?"laking gulat naman ni Jess ano naman kayang binulong ng baklang to kay Jess at ganyan makapagreact? *** Genesis POV Nagbigay ako ng sulat kay Jessel para sa nalalapit na Acquitance Party ng Chireo sa darating na Sabado pero mukhang alam ko na naman ang sagot nya. "Pre ano nga ba ulit yung strumming ng Kiss You?"tanong sakin ni Neil habang hawak yung bass guitar.Nagpapractice kasi kami ngayon dito sa music room para sa performance namin sa sabado. Pero hindi ko sya sinagot malalim ang iniisip ko at bad mood din dahil may pakiramdam na naman ako na hindi na naman sya sisipot like last year. "Oy Neil wag mo na lang nga muna kausapin yang si Gene,nag eemote na naman dahil kay kapatid."sabi naman ni Ivan na hawak yung rythm guitar. "You shouldn't ask her about it,Gene."isa pa tong Calvin na 'to dapat supportive pinapadown pa ko,nyemay naman oh. "Tss,teka may magiging partner na ba kayo?"nagchange topic na ko. "Syempre ako pa!"proud na sabi ni Ivan. "Ako din HAHAHA!Gwapo kong 'to!"-Neil Tumingin ako doon sa dalwa,tsk buti naman tong dalwang to daling makadamoves sa mga chicks. "How 'bout you,Calvs?" Biglang tumigil si Calvs sa pag-aayos ng drum set nya at inaayos din yung salamin sa mata nya. "HAHAHA si Jerome niyaya nyan!"singit ni Ivan,bigla naman nagtawanan yung dalwa si Ivan at Neil pero isang nanlilisik na mata ang pinahatid ni Calvs kaya natameme yung dalwa,loko kasi eh. "I wanted to invite ...."pabitin ni Calvs at mukhang nahihiya ang loko ,namumula eh. "Who?" "I wanted to invite Airin to be my partner."paluwa na yung mata ko nung sinabi nya yon pero napigilan dahil biglang may kumalabog sa pinto at nakita doon sila.... Airin! Babaeng yan anong ginagawa dito! May kasama pa syang bakla! Ay teka si Jess pa yung pinaka nasa ilalim nakadagan silang tatlo tsk ano ba kasing ginagawa nila sa pinto. Agad akong tumayo palapit sa kanila at inalis si Airin at yung Jerome,pagtapos tinulungan kong tumayo si Jess. "AYIEHHH!!!"hirit nila Ivan at Neil. "Are you okay?" tanong ko sa kanya,inayos ko pa yung naiwang buhok sa mukha nya at inayos ayos ang damit. "Hehe ayos lang ako." "Now tell me,bakit kayo nasa pinto?"nakahawak ako sa dalwa nyang balikat. Nang bigla may bumatok sa ulo ko,nyemas sino yon! Tumingin ako sa likod ko at sabi ko na nga ba,yung engkanto sa bahay ko. "Bat mo ginawa yon!?"-galit kong sabi. "Kaasar ka kasi! Alis!"tinulak nya ko palayo kay Jess,problema nitong engkantong to! "Halika na bili!"hinawakan nya yung kamay ni Jess na kinainis ko. "Hoy!Wag mo syang hahawakan hindi ka pa naliligo!"sigaw ko at katangahan ko alam ko may mali ako nasabi. "What?"-Calvs "Ha? Hindi naligo?"-Ivan "Sabihin na natin hindi naligo 'yan pero pano mo naman nalaman na hindi sya naligo?"-Neil "Ano-"-shet speechless ako. "Kasi amoy ko,di nyo ba amoy?"sabi ko na nagtakip pa ko ng ilong,ayoko kasi ipaalam na pinsan ko ang babaeng 'to. Bakit? Ayoko lang talaga,ayaw ko kasing maging pinsan 'tong engkantong to.AT HINDI KO MATAGANGAP! Habang nakatakip yung ilong ko parang isang iglap eh binabato na ko ng suntok ng dwendeng 'to "Anong mabaho! Epal kang alien ka!"sabi nya na patuloy na parin sa kin sa pagbugbug sa 'kin! "Tumigil-Aww--tama- na aww!"-ako "GUYS PIGILAN NYO SI AIRIN BAKA MAKAPATAY YAN!"sigaw ng bakla at ayon nga hinawakan nila sa dalwang balikat yang engkantong yan,kundi lang talaga ako lalaki ARGHH! *** Ang eksena namin ngayon ay nakaupo kami sa bawat gilid(katabi ko si Jess),naalala ko nga pala kanina na gusto maging partner ni Calvs si dwende wag nyong sabihin may gusto sya sa engkantong yan? "Pre,di ba sabi mo gusto mo maging partner si Airin?"bigla naman sambit ni Ivan kay Calvs na ngayon ay busy sa pag babasa ng libro. Napatingin naman ang lahat sa kanya. "Oo nga papa Calvs! Pag ayaw ni Airin aketch na lang!"landi nung bakla na Jerome ata yung pangalan. Bigla rin naman na tumingin si Airin kay Calvs at si Calvs din ay napatingin sa kanya pero napaiwas din ang dalwa dahil siguro dahil na awkward ata? "Ang nyorot nyo naman dalwa halika ka nga Airin tabi ka kay Papa Calvs ako dyan sa kinauupuan mo."sabi ni Jerome na hinila si Airin at nilapit nga kay Calvs tapos si Jerome naman ay umupo sa tabi ni Ivan. Tumingin ako kay Calvs at Airin,takte biglang namula si Pare may gusto nga kay engkanto kapag minalas nga naman oh! Pero hindi ko na sila tinignan, I have a business too with this girl I have to marry in the future. "Jess."tawag ko dahil mukhang kinikilig sya doon kila Calvs. "Huh?" "Pupunta ka ba?" "Huh?" "Are you going to leave me again?" "Huh?" "Jess. bat puro 'huh' ka?" "Ano kasi..." "Because you can't?" "Ano..." "O c'mon,I don't want to wait again for nothing." "Genesis, I have a photoshoot that day and It's kinda an important events for us models,I'm sorry Gene I really wanted to go too but--" "But your modeling is important than me.Right?" "Gene,don't talk like that--" "It's okay with me after all I was your 'Mystery Boyfriend' ---"hindi na natuloy yung pagdrama ko kasi biglang may bumukas ng pinto ng music room. Tumingin kaming lahat kung sino yung pumasok at napatayo kaming lahat,ibig kong sabihin kaming apat na magbabarkada. "PAREKOY!"-Ivan "TUTAKBEBONG!"-Neil "Glad your back,Luhan."-Calvs "Yow!"sabi ni Luhan na nagwave ng isang kamay. Lumapit ako banda sa kanya at ginalaw ang buhok "You pathethic bastard,I'm glad your back."sabi ko sa kanya pinsan ko rin sya. Hinawakan naman nya yung kamay ko "Kuya naman di na ko bata,saka nakakahiya sa mga bebot nyo dito oh."tumingin sya kila dwende,Jess at Jerome "At may kumembot din pala HAHAHA!"tinukoy nyang kumembot si Jerome. Lumapit sila Ivan at Neil at nagsusuntukan pero yung biro lang nakasanayan na nila yan kaya di na bago para sakin. Muli ay napatingin ako kay Jess na kanina pa rin pala nakatingin sa'kin, ngumiti na lang ako para ibatid na ayos lang sakin kahit malaking hindi. Alam ng lahat na may boyfriend si Hazel Ann (si Jess) pero hindi nila alam kung sino,at alam din ng lahat dito sa Chireo High na may gf ako pero hindi rin alam kung sino. Mahal ko si Jess pero tingin ko mas mahal nya ang profession nya,naiintindihan ko sya understanding boyfriend ako eh -_- "KYAHHHHHHHH!" nawala ako sa pagmumuni ng biglang sumigaw ng malakas si Jerome ang sakit nya sa tenga at --- SH*T! Si Luhan! Hinahalikan nya ngayon si DWENDE! Sinasabi ko na nga ba,napa face palm na lang ako sa mga nangyayare.Luhan is back,the bastardat ang sinasabi din ng lahat ng mga babae na the goodkisser kung alam lang nya na pinsan nya rin yang hinahalikan nya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD