Pagkatapos nilang pumasyal sa coffee shop at kumain sa labas ay agad din umuwi sila sa condo upang makapagpahinga. Halos maghapon din kasi silang namasyal at namili ng mga gamit at damit. ******** "Wear this tonight," saad ni Zandro kay Carly at inabot nito ang isang paper bag. "Ok, ahm.. Zandro, thank you nga pala ha. Thank you kasi, ito binili mo ako ng mga gamit at lalo na mga damit. Thank you rin kasi binilhan mo ng mga bagong damit at gamit si baby Prince," saad naman ni Carly. "It's ok. Wala ka naman dapat ipagpasalamat dahil obligasyon ko iyon bilang kasama mo dito sa bahay at lalo na bilang ama ni baby Prince," tugon ni Zandro at hinaplos ang pisngi ni Carly. "Ta.. Tanggap mo na si Prince Zandro na anak? Hindi ka na nagdududa sa kanya?" Hindi makapaniwala si Carly sa sinabi

