Habang kumakain si Carly at Zandro ay naiilang ng bahagya si Carly dahil sa mga tingin at titig ni Zandro sa kanya. "Anong tingin iyan Zandro? Hindi ba masarap ang luto ko?" tanong ni Carly kay Zandro. "Masarap nga eh. Kaya ito mapapadami ako ngayon ng kain ulit. Actually, dapat naman talaga kumain ako ng marami para magkaroon ng maraming energy," tugon ni Zandro at ngumiti pa ito kay Carly. "Energy ka diyan na pinagsasabi mo. Nakakailang na iyang mga titig mo ha. Para mo akong kakainin ng buhay at may binabalak na masama eh," saad muli ni Carly, at hindi niya naiintindihan ang ibig sabihin ni Zandro. "Kakainin talaga kita mamaya kaya humanda ka." Napangisi si Zandro. "Ano!?" Napakunot ang noo ni Carly dahil hindi niya pa rin maintindihan ang sinasabi ni Zandro. "Wala, sabi ko

