Tahimik lang na pinagmamasdan ni Carly si Zandro na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi at kapwa pa rin sila walang saplot na kahit ano at tanging kumot lang ang tumatakip sa kanilang hubad na katawan. Nang tatayo na si Carly upang damputin ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig agad naman siyang kinabig sa bewang kaya napahiga ulit siya ng niyakap ni Zandro. "Saan ka pupunta? Dito ka lang," bulong ni Zandro. "Akala ko natutulog ka na? Gising ka pa pala," saad ni Carly. "No, gusto ko lang magpahinga dahil may second round pa," muling bulong ni Zandro. "Ewan ko sa iyo." Napangiti na lang si Carly sa hirit ni Zandro. "Bakit ayaw mo na ba?" Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Zandro kay Carly. "Matulog ka na nga, baka mamaya niyan mas malakas pa ang hilik mo sa akin nakak

