"Hey... Bakit parang may iniisip kang iba? Ayaw mo ba ng place?" tanong ni Zandro kay Carly, dahil hindi ito nagsasalita. "Ha.. Hindi ah, ang ganda. Ang ganda ng lugar na ito para pag umpisa ng pamilya," tanging saad ni Carly. Hindi kasi mawala wala sa kanyang isip ang dating kasintahan ni Zandro na si Vivian. "Kaya perfect place ito para sa ating pag uumpisa diba? Pero gusto ko sanang makasal muna tayo bago tayo mag umpisang magpatayo ng bahay dito," saad ni Zandro. "Kasal?" mahinang tanong ni Carly kay Zandro. Tila nabingi kasi siya ng marinig iyon galing kay Zandro. "Yes, kasal. Alam ko naman na lahat ng kababaehan eh kasal ang pangarap diba? At dapat lang ibigay ko sa iyo iyon ang kasal na nararapat sa iyo diba?" tugon ni Zandro. "Salamat. Hindi mo alam kung paano mo ako na

