"Hays.... Ano bang susuotin ko? Pupunta pa ba ako doon? Huwag na lang kaya," bulong ni Carly sa kanyang sarili habang umiikot ikot sa harap ng salamin at hindi alam kung anong gawin. "Bahala na. Sasabihin ko na lang kay Amarah na hindi na lang ako sasali sa program, at magiging bisita na lang at manonood sa mangyayari. Itong simple dress na lang ang gagamitin ko," dagdag ni Carly. Agad niyang nilagay sa kanyang bag ang dress kasama ang gamit ng kanyang anak, mas nakapriority kasi ang gamit ng kanyang anak. ********* "Hi ma'am Carly, ako po ang personal driver ni Sir Salvador, pinapasundo na po kayo sa akin." Pinakita naman ang driver license at working I'd ng lalaki kaya naniwala siya dito. Pinakausap din ng driver sa kanyang cellphone si Carly sa daddy ni Zandro kaya nagtiwala si Ca

