Pinapasok si Carly sa isa pang silid ni Gabriel. Naroroon ang lahat ng gown at mga make up artist. "Hey guys.. Pwedeng humingi ng favor?" tanong ni Gabriel sa mga taong naroroon. "Yes naman Gab, anytime kahit ano pa man 'yan," tugon ng isang bakla na naroroon. "Pwede ninyo bang pagandahin, at bihisin itong si Carly? Asap ha, kasama siya sa program eh," saad ni Gabriel. "No problem, so girlfriend mo siya?" Tumaas naman ang kilay ng isa pang naroroon. "No, pinsan ko siya. So, simulan nyo na." Bahagya pang tinulak ni Gabriel si Carly. "Huwag na ok na ako nito," pagtanggi ni Carly. "No, babalikan kita dito ok? Ahmm 30 minutes," saad ni Gabriel at agad itong lumabas ng silid. Napabuntong hininga na lang si Carly, dahil gusto man niyang tumanggi pero pinalibutan na siya ng mga

