Kinabukasan, minabuti ni Carly na gumising ng maagap upang maghanda ng almusal. Nakaawang pa rin ang pinto ng kwarto ni Zandro, dahil sa kuryusidad ay sinilip niya kung anong ginagawa ng taong nasa loob nito. May kunting sayang naramdaman si Carly, nang makita niyang si Zandro na lang ang nakahiga sa kama at wala na roon ang babae. Si Zandro, na lang ang masarap ang tulog na nakahiga sa kama. Pero, hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari noong Gabi. "Hi, good morning. Pinagluto nga pala kita ng suman, sabi nga ni Collen gusto mo rin daw ito. Anong gusto mong kapares dito sa suman? Black coffee rin ba?" nakangiting tanong ni Carly kay Zandro. Nang lumabas na ito sa kanyang kwarto at umupo sa upuan sa mesa. Pinipilit na ipakita ni Carly na hindi siya naapektuhan at nasasaktan s

