"Bro, anong problema? Bakit parang ang lalim lalim ng iniisip mo?" tanong ni Ian kay Zandro nang pumasok ito sa opisina ni Zandro. "Wala, may naalala lang ako," tugon ni Zandro. "Sino? Iyong mag inang naiwan mo ba sa condo mo?" Ngumisi si Ian. "Tskkk... Bakit ko naman iisipin ang babaeng iyon." Napahawak si Zandro sa kanyang ulo. "Talaga lang ha." Lalong ngumisi si Ian. "Ewan ko sa iyo. Eh ikaw? Bakit parang napapadalas ang pagpunta mo dito sa Manila? May babae ka na naman sigurong gustong biktimahin ano?" seryusong tanong ni Zandro kay Ian. "Uy.. Hindi ah. May binibisita lang ako dito. Saka, namimis ko lagi ang parents ko, maging ikaw. Ano shots?" saad ni Ian. "Next time na lang, alam mo naman na busy ako ngayon eh," tugon ni Zandro. "Weeh? Saan ka busy? Sa pagiging ama?

