Chapter 1

1244 Words
Tristan's POV “Ganyan nga, ang galing mo babe ahh," pikit-mata kong sabi sa babaeng ito sa aking harapan habang nakaluhod sa akin at bini-BJ ako. Sa lahat ng babaeng nagmamakaawa matikman lamang ako'y sa kanya pa lang ako na-satisfied ng ganito. Nakahihibang at nakawawala ng katinuan sa kung paanong hagurin ng malaki niyang bibig ang 10 inches kong hinaharap. Proud na proud ako at ipinagmamalaki ko kung sino ako. Hindi man makapal ang aking bulsa'y hindi ito hadlang sa akin upang habulin ako ng mga kababaihan, matrona man o sosyal. Dumaan lamang ako'y paniguradong mapapa-w3t ko na kaagad sila sa isang kindat lang. Ganyan ako ka believe sa sarili kong kagwapuhan. Sa edad kong 28-years old ay wala pa rin akong matinong trabaho. Kaya basta may raket at pagkakakitaan ay game kaagad ako riyan. Sa taas kong 6-feet ay walang kasuotan na hindi babagay sa akin. Mestiso din ako na nakuha ko sa tatay kong Italiano ayon kay Inay. Kaya naman kapag nabihisan na ako ng damit pang mayaman at pumunta sa mga bar ay sinong mag-aakala na wala akong milyones o kahit isang libo man lang sa wallet ko. "Ganyan nga, Margaux ang galing mo talaga," nahihibang ko pang sabi. Mas lalo pa siyang diniin sa akin nang hawakan ko ang mahaba niyang buhok upang tulungan siya sa kanyang ginagawa. At dahil wala na ako sa katinuan sa makamundong nararamdaman ay hindi ko na namamalayan na hindi na pala makahinga ang babaeng ito na nakaluhod sa akin. Kung hindi lamang ako nito tinapik ay baka paglamayan na siya bukas at baka makulong na rin ako. "Tris … tan, hindi ako si Margaux. Ako si Brandy," reklamo nitong sabi sa akin habang naghahabol ng kanyang hininga. "Kailan ka pa nagpalit ng pangalan? Sorry, pero mas bagay sa 'yo ang pangalan na Margaux, ikaw kasi ang pinakamaganda na nakilala ko," pambobola kong sabi. Galit na kasi ang kanyang mukha at tinigilan ang ginagawa. Kaya bitin na bitin pa ako at hindi pa nakakar@os, kailangan ko siyang mapaamo. "Talaga?! ako ang pinakamaganda sa lahat ng naging girlfriend mo?" tanong nito. Ayos mukhang effective. "Oo naman, at ikaw ang pinakamagaling. Kaya sige na, sasakit ang puson ko nito pag hindi mo tinuloy." "Sige na nga, pero bakit ang tagal mo labas@n? masakit na kaya sa panga," reklamo pa nitong sabi. Saka ipinasok muli ang alaga kong kanina pa naglalaway. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon at lalabasan na sana ako nang may kalabog at sigawan kaming narinig sa labas. Mumurahing bar lang itong lugar na ito at dito ko lang nakilala sa ibaba itong si Brandy noon. Mura lang dito at may libre pang trenta minutos sa maliit na kwarto sa itaas kung saan kami narito ngayon. Natigil sa ginagawa si Brandy at lumambot din bigla ang alaga ko sa narinig. "Sige na, Margaux mag kanya-kanya na muna tayo," sabi ko saka itinaas ang suot na pantalon at tinungo ang pinto. "Tristan kailan natin ito itutuloy?” tanong pa niya. "Basta kailangan makatakas muna tayo rito,” sabi ko lang sa kanya saka tuluyang lumabas. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas. Alam ko naman na may illegal na ginagawa ang bar na ito sa ibaba. Pugad kasi ito ng prostitusyon at ngayon ko lang napatunayan na totoo pala ang bali-balita ukol dito. Mabuti na lang at nasa dulong bahagi ang pinili ko kung saan wala gaanong nakapapansin dahil aakalain mong stock room lang. Binuksan ko ang bintana ng fire exit na saktong katabi lang din ng kwartong ito. Pababa na sana ako ng maabutan ako ni Brandy. "Tristan, iiwan mo ba ako rito? Sama mo ako," reklamong sabi nito sa akin. Ngunit hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy ako pababa. Hindi na rin nakasunod sa akin si Brandy dahil may pulis na humuli sa kanya. Binilisan ko pa ang pagbaba ng hagdan at nang isang metro na lang ang layo ko'y tinalon ko na ang ibaba at kakaripas na sana ng takbo nang bigla akong nakakita ng mga bituin sa lakas ng sipa na natamo ko sa aking mukha. Sa sobrang lakas nito'y kinaya niya akong patumbahin na naging dahilan ng aking pagkakahiga sa kalsada. "Tatakas ka pa ah,” boses babae nitong sabi. Nakasuot siya ng sumbrero kaya hindi ko nakikita ang mukha nito at aaminin kong namanhid ang aking mukha sa lakas ng sipa ng babaeng ito. Sa tangkad kong ito ay hindi ko aakalain na tatamaan ako ng sapul sa mukha. "Ma'am, nagkakamali po kayo, wala akong kinalaman diyan sa itaas, costumer lang ako at ..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ng busalan nito ng panyo ang aking bibig, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang kanyang mukha. Speechless ako at hinayaan na lamang siya sa nais na gawin. Para akong nakuryente nang hawakan nito ang aking kamay upang ilagay sa akin ang posas. Salubong ang kilay niya pero hindi ito hadlang upang masilayan ko ang perpekto nitong pilikmata, matangos na ilong, natural na pula ng kanyang labi at higit sa lahat taglay nitong bango na ngayon ko lamang naamoy sa tanang buhay ko. "Ma'am Delo Santos, nahuli na po silang lahat.” Biglang sulpot ng isang patpating pulis. Kaya tumayo tuloy ang magandang pulis na ito. Sayang mas maamoy ko pa sana siya kung hindi lang dumating ang istorbong payatot na 'yon. Ang ganda na nga ng posisyon naming dalawa. Ini-imagine ko pa lang ang katawan niyang iyon ang nasa ibabaw ko'y tinitig@san na kaagad ako. "Sige, dalhin n'yo na sila sa police mobile,” sagot niya kay payatot. At ang boses niya, kaakit-akit. Kaya nakaisip ako ng paraan para lapitan pa ako nito at alalayan. Pilit kong inalis ang panyo sa aking bibig at nang mapagtagumpayan ko ito'y saka na lamang ako umarte. "Ma'am, paano naman ako? hindi ako makakilos, ang sakit ng ilong ko at may gasgas din ako sa likuran. Masyado n'yo naman ginalingan, hindi naman ako tatakbo lalo na kung ikaw ang huhuli sa akin," sabi ko pa sa kanya. Tumawa naman ito ng pagak saka ako tinulungan na itayo. At dahil gusto kong magda-moves sa kanya, kaya nagkunyari akong natumba upang bumagsak ito sa aking dibdib. At tagumpay nga, naramdaman ko pa ang katawan nito at naamoy ko pa ang buhok niya nang tuluyang maalis ang sumbrero dahil sa kanyang pagkakasubsob sa akin. Gaya ng inaasahan ko, mas maganda nga siya sa malapitan nang magkasalubong ang aming mga mata. "Bakla ka ba at ganoon na lang ang panghihina mo?” insulto nitong sabi sa akin. Pero imbes na magalit ako'y mas natuwa pa ako sa sinabi niya. At least may pag-uusapan kami. Nagpatangay na rin naman ako sa kanya hanggang mapatayo kami ng maayos. Palagay ko'y nasa 5'5 ang taas nito, hanggang kili-kili ko lamang siya. "Salamat Ma'am, sige na ikulong mo na ako, basta ba palagi kitang makikita'y ayos na ayos na ako," pabulong kong sabi na hindi nakaligtas sa kanya. "Ano’ng sabi mo?" salubong na kilay nitong tanong. Ngunit wala roon ang atensyon ko. Kundi nasa nameplate nito na ang nakalagay ay. PO3 Delo Santos, Keanna Z. "Wala Ma'am, ako nga pala si Tristan ... "Hindi ako interesado! mamaya may tamang proseso para riyan," supalpal nitong sabi sa akin. Sapul ako sa sinabi niya. Palagay ko'y mahihirapan ako paamuin ang babaeng ito. Pero dahil ako si Tristan ay walang imposible sa akin lalo na pagdating sa babae, sana lang ay wala siyang asawa, dahil kung magkataon, kabit siguro ang labas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD