Chapter 2

1354 Words
Tristan "Ma'am, Ma'am Delo Santos, yuhoo!" Para akong asong tumatahol habang nakalabas ang dalawa kong mga kamay sa rehas na bakal kung saan ako nakakulong ngayon. "Badtrip, tabi nga d'yan, mainit ang ulo ko," ani ko sa aking katabi na kanina pa nakaupo habang nakaharap ang mukha sa aking gitna. "Eh, Papa Tristan bakit mainit ang ulo mo? Bitin ka ba kanina? Gusto mo tuloy ko?" Tiningnan ko siya ng masama at. "Gusto mo sapak?" "Nagbibiro lang ako, ikaw naman. Bakit ba ang init ng ulo mo? Dahil ba sa babaeng pulis kanina? Mukha namang lalaki 'yon, mas maganda pa … sinabi ko nga, tatahimik na ako," sabi pa nito at tuluyan akong nilubayan. "Nagtanong ka pa? nang dahil sa 'yo, kaya ako nakakulong dito? Kung bakit ba naman pati menor-de-edad tinatanggap n'yo," inis kong bulyaw rito. Badtrip naman. Ang buong akala ko'y makikita ko ang magandang pulis na iyon pagnaipasok ako rito sa presinto. Pero nawala sa isip ko na nasa loob pala ako ng rehas at hindi sa loob ng k'warto niya. Kung alam ko lang talaga. Mababawasan patuloy ang ipon ko pang p'yansa sa akin. Ang walang hiyang Brandy na 'yon, malamang ginamit ang katawan kaya napalabas kaagad ito matapos siyang tawagin ng Chief. Makita ko lang talaga siya, kahit kahit patitirikin pa niya ang mata ko'y hinding-hindi ko na ipatitikim sa kanya ang katawan ko. Masyadong mapagsamantala, porke nakuha na ang gusto. Kung binulong sana niya na isama ako sa paglaya, baka natuwa pa ako sa kanya. Kaming dalawa na lang ang natitira nitong bading na ito na gusto pa ako pagnasaan. Kahit naman ganito ako'y hindi ako napatol sa may lawit din na gaya ko. Kahit alukin pa ako ng malaking halaga. Aba! may prinsipyo din naman ako at dignidad. "Tristan Agbayani, laya ka na." Binuksan ng pulis patpating pulis ang kandado. Masyado siyang matagal kaya inip na inip ako. "Bilisan mo nga sir payatot este Payatas." Magkatunog kasi ang salitang iyon na bumagay sa kanya. "May problema ka ba sa apelyido ko?" pagalit nitong tanong sa akin. Kaya naman humarap muna ako sa kanya at inayos ang kwelyo ng uniporme nito. "Hindi ka na mabiro, Sir Payatas, katunayan kahanga-hanga ang apelyido mo, kung wala ang apelyido mo'y baka marami ng basurahan sa Metro Manila kaya isa kang bayani, kagaya ko na Agbayani ang apelyido," pambobola kong sabi sa kanya. Ngumiti naman ito’t binulungan ako. "Akong bahala sa 'yo kay Ma'am Delo Santos, ilalakad kita, single pa 'yon at walang boyfriend. Ako yata ang patrner niya at laging kasama, PO1 Romualdo Payatas at your service," pagmamalaki pa nito. Ayos mabuti naman at napakinabangan ko ang skill ko sa pambobola. Hay, Tristan isa ka talagang alamat. Natigil kami sa pag-uusap ni Sir Payatas nang dumating ang kapatid ko. "Kuya laya ka na, naubos na 'yong ipon mo, kakap'yansa ko sa 'yo," salubong na sabi sa akin ng kapatid kong si Tricia, siya ang sumunod sa akin pero malayo ang agwat namin. Bente anyos pa lang siya at nasa third year college na. Magkaiba kami ng tatay dahil hapon ang tatay niya. Anim kaming magkakapatid at tatlo kaming iba-iba ang tatay, p'wera na lang sa mga bunso namin na purong pinoy ang tatay nila, si Tatay Delfin na namatay sa sakit na TB. Hindi siguro nakayanan ang pagtatrabaho at nagkasakit. Kaya simula noon ako na ang umako ng responsibilidad dahil ako ang panganay. Ang kaso nga wala akong matinong trabaho. Unang-una hindi ako nakapagtapos at pangalawa gusto ko malaki agad ang sahod. Sa gandang lalaki ko ba naman ay madali naman ako matanggap. Ang kaso nga mabilis din magsawa, lalo na kung katawan ko lang ang habol nila. Ang hirap din pala talaga maging sobrang g'wapo. "Hayaan mo na, makakadiskarte naman ako." Hindi lang kasi ito ang unang piyansa sa akin ng kapatid ko. Makailang sabak na rin kasi ako sa ilang mga illegal na gawain. Oy may limitasyon naman. Dahil ayaw ko naman pasukin ang pagtutulak ng droga kahit malaki ang kikitain ko. Iniisip ko pa rin ang mga kapatid ko. Paano kung sila ang mabiktima ng sarili kong kagagawan? "Mr. Agbayani, ipakilala mo naman ako sa kapatid mong hapon," bulong ni payatot sa aking tabi habang nakatingin sa kapatid kong wala nang mata lalo pa't nakasimangot ito. "Ikaw na at nang masapak ka niyan, nag-aaral ng taekwondo pa naman 'yan," bulong ko din sa kanya. "Ang hina ko naman sa 'yo huwag na nga... "Excuse me po, Mr. PO1 Payatas, huwag ka ngang dikit nang dikit sa Kuya Tristan ko, baka magkapalit kayo ng mukha," pagtataray ng kapatid ko. Yari, nalintikan na, mukhang mapupurnada pa ang palakad sa akin ng payatot na ‘to sa partner niya. "Tricia, hinding-hindi mangyayari 'yon at ...ang ganda!" Para akong timang at awang labi nang masilayan kong muli si P03 Delo Santos. Nakapusod ng maayos ang maganda niyang buhok habang nababagay sa katawan nito ang uniporme niyang kahit hindi masikip ay halata pa rin ang hubog ng katawan nito. Iniwan ko ang dalawa at inayos muna ang sarili bago lumapit sa kanya habang kausap ang frontdesk officers. "Magandang gabi Ma'am, pauwi na po ba kayo? hatid na po kita?" patanong kong ani sa kanya. Tumingin naman itong nakangiti ngunit nang makita ako'y biglang naglaho ang ngiti nito at tumitig sa akin mula ulo hanggang paa. Para akong na-conscious bigla sa klase ng tingin niya sa akin. Napalunok ako at biglang nauhaw. Kaya naging sunod-sunod ang paglunok ko ng aking laway at pinagpawisan bigla. Nakaka-bakla pero parang tumayo hindi lang ng alaga kong nasa pagitan ng dalawa kong binti, kundi pati na rin ng balahibo ko sa katawan at sa lahat ng parte nito. "Putch* Tristan magsalita ka. Akala ko ba matinik ka sa mga babae." Mas lalong tumindi ang nararamdaman ko nang masilayan ko ang ngiti nito sabay tapik sa balikat ko't. "Sa susunod Mr. Agbayani, huwag ka ng pumasok sa ganoong klaseng lugar, mabuti na lang at may kapatid kang handa kang piyansahan," anito sa akin. Bigla kong nailayo ang sarili sa kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Patay kang bata ka Tristan, mukhang hindi lang ako tinamaan ng lintik niyang bango at ganda kundi tinamaan din pati ng puso ko. "Ma'am, hup, hup, pahingi ng tubig," mahinang sabi ko kaya dalian naman niyang ini-abot sa akin ang hawak nitong mineral water na halatang nabawasan na niya. Mabilis ko itong nilagok hanggang sa naging maayos ako. Nagtataka naman niya akong tiningnan bago dumating ang tubig na dala ni P01 Payatas. "Ito na ang tubig... "Salamat tapos na, nainom ko na ang tirang tubig ni Ma'am." Hahawakan pa sana ako nito nang kusa akong lumayo. "Ayos ka na ba?" "Ayos na ayos na Ma'am," sabi ko pa habang hinayang na hinayang sa dampi ng kanyang kamay sa akin. Ayaw ko naman kasing mapahiya ang kapogian ko lalo pa't mukha na akong hindi mabango dahil sa laway ni Brandy na kumapit sa aking leeg kanina. "Mabuti naman, at ayaw na kitang makitang muli dito. I mean ayaw ko nang makita kang nakakulong sa loob ng rehas na 'yan. Kawawa ang mga kapatid mo ikaw lang daw ang inaasahan," sabi pa nito, kaya nalingon ko ang kapatid kong si Tricia na hindi makatingin sa akin ng deretso. "Oo nga po Ma'am, walang makuhang matinong trabaho," papapakamot kung sagot sa kanya. Sh*t bakit ba kabadong-kabado ako at ingat na ingat sa isasagot ko sa kanya. Hindi naman ako ganito. "Patay kang Tristan ka, mukhang tinamaan ka na ng lintik na pag-ibig na 'yan, na siyang ekspresyon lagi ni Inay," kausap ko sa aking sarili. "Kuya ..." tapik sa akin ni Tricia kaya bumalik ako sa wisyo. "Huh? "Tinatanong ka ni Ma'am kung gusto mo raw ba mag-trabaho dito?" "Oo, gustong-gusto k-kong m-magtrabaho rito." Sa wakas natapos ko rin. Bakit ba ako nabubulol pa sa harap niya. "Okay, good, kung ganoon pumunta ka rito bukas at bibigyan kita ng trabaho, dala ang resume mo, ayos ba?" "Y-yes Ma'am, ayos na ayos." Sa wakas makikita ko rin araw-araw ang gandang taglay niya. Kahit pa hindi ko pa alam kung ano bang klase ng trabaho ang ibibigay nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD