Chapter 3

2134 Words
Tristan "Kuya Tristan bilisan mo naman, lalabas na." ♬♫♪♩♫♭ Ako si Mr. Suave Oh, grabe Habulin ng babae Araw man o gabe Oo, ako si Mr. Suave Oh, grabe Hanep kung dumiskarte Wala silang masabi "Aww, ang g'wapo mo talaga Tristan, isa kang alamat ng kagandahang lalakI, at ngayong araw na ito'y siguradong mapapaluhod mo sa iyong harapan si Ma'am Keanna Delos Santos," kausap ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin sa loob ng banyo. Mag-iisang oras na akong narito sa loob upang maghilud ng maigi at nang mabighani ko ang aking Prinsesa. "Kuya, aray, lalabas na talaga," dinig ko pang sigaw ng kapatid kong si Terrence. Siya ang sumunod kay Tricia, labing walong taong gulang siya at isa ding habulin ng babae dahil sa mala Korean looks nito na minana pa sa kanyang amang Koreano. "Haist, ito na lalabas na ako." Kinuha ko ang tuwalya at ipinulupot sa aking baywang at lumabas. "Kuya, bakit ba ang tagal mo?" reklamo pa nito sa akin saka nagmamadaling pumasok at pabagsak sinara ang pinto. "Kuya naman kasi, himala at ngayon ka lang nagtagal sa banyo? Aba! dinaig mo pa ako ahh. First time 'yan ahh," Komento naman ni Tricia na nakabihis na at handa nang pumasok sa school. "First day din kasi ng Kuya ninyo sa trabaho." pagmamalaki ko pang sabi sa kanila nang marating ko ang kusina upang mag-almusal na muna bago magbihis. Sanay na naman ang mga kapatid ko sa akin. "What's new? Palagi naman sa first day of work ka lang excited, at kapag katapusan na'y ayaw mo na," panabay pa nilang sabi, kasama ng mga kapatid naming bunso. Si Toni na sampung taon, Tonnet na walong taon at Tinay na pitong taon. Masyadong masipag si Tatay Delfin at Nanay kaya nakatatlo kaagad sila. "Hayaan n'yo ang Kuya ninyo at baka sa pagkakataong ito'y magtatagal na siya sa trabaho niya. Aba! ngayon lamang siya naging sobrang excited sa pagpasok," sabi naman nitong si Inay habang naglalapag ng pagkain sa mesa. "Tama po kayo Nay, sa palagay ko po ay dito ako magtatagal at baka magka-asawa na rin po," paninigurado ko pang sabi. "Paano kasi Nay, type niya si P03 Delo Santos, naku! Kuya hindi ka oobra do'n. Eh, mas malakas pa yatang manuntok sa 'yo," sagot naman ni Tricia kay Inay na napapailing lang. Masayahin si Inay at napakaganda. Pero nito lang, parang nanghihina na siya. Kaya pag-nagkapera ako'y ipapa general checkup ko siya, palagi kasing maputla. "Maganda ba anak?" tanong pa nito sa akin. Kaya hindi ako nagpahalata na medyo nalulungkot ako. Siguro panahon na para magseryoso ako sa trabaho lalo pa at may inspirasyon ako. "Ubod ng ganda Nay, kaya bagay na bagay siya sa pamilya natin," sagot ko din at inumpisahang kumain. "Papasa ka kaya? Naku! Kuya, makaalis na nga," sabi pa nitong si Tricia. Nag-mano ito kay Inay at kumaway sa amin. "Good luck Kuya, pustahan 'di o-obra ang hitsura mo kay Ma'am." Aba'y talaga naman at humabol pa. "Huwag mo nang pansinin ang kapatid mo at bilisan mo na lang kumain, para hindi ka mahuli. Pero anak pansin kong iba ang saya mo ngayon kaysa noong una. Sana manatili ka na riyan. Nga pala ano bang trabaho ang inalok sa iyo?" tanong pa ni Inay. Inubos ko muna ang kape at pagkain ko saka ito sinagot. "Hindi ko pa po alam Inay," ani ko lang at tumayo. Pumunta ng lababo upang mag sepilyo, saka ako umakyat sa kwarto ko at namili ng susuotin ko. Napili ko ang pinakamaganda kong kasuotan na binigay pa sa akin ng matronang nakilala ko noon. Inayos ko ang aking buhok at nilagyan ng kunting pampadulas. Naglagay din ako ng cream sa mukha na akma para sa lalaki. Mabango ito kaya kahit halikan ako ni Ma'am ay hindi ako mapapahiya. Nag-wisik din ako ng mouth spray sa bibig para kahit maghalikan kami'y lagi akong handa. Bago ako bumaba'y sinilip ko na muna ang lagayan ko ng pera. Tatlong-libo na lang ang natitira. Kinuha ko ito at inipit sa aking bulsa ang isang libo na siyang gagamitin kong panggastos at ang natitirang dalawang libo ay ibibigay ko kay Inay upang may panggastos kami sa linggong ito at pangbaon na rin ng mga kapatid ko. "Aba, ang anak ko, umaalingasaw ang bango," komento ni Inay nang maabutan ako nitong pababa. "S'yempre naman po, palagay ninyo Inay, magugustuhan ba ako ni Ma'am?" tanong ko at naglakad na parang modelo sa harap niya. "Anak, sinong babae ang hindi magkakagusto sa 'yo? Bukod sa hitsura'y napakabuti mong anak at responsableng kapatid. Kaya panigurado na kapag makilala ng babaeng tinutukoy mo ang totoong ikaw ay siya na mismo ang magtatanong sa iyo para pakasalan ka," pagbibiro pa nito. Niyakap ko si Inay at ginawaran ng halik sa pisngi. Oo at mahirap lamang kami. Kinakapus palagi sa pera pero hinding-hindi ko ipagpapalit kung anong meron ako ngayon. Hindi ko man kilala ang totoong tatay ko'y nagampanan naman ito ni Tatay Delfin n'ong nabubuhay pa siya. "Salamat po Inay, ito po ang panggastos natin ngayong linggo," at inabot ko ng dalawang libo sa kanya. Ibinalik ni Inay ito sa akin. "Anak, sa 'yo na mo na iyan, may kaunti pa naman sa binigay mo noong nakaraan. Tatanggapin ko na lang ang labada ni Mrs-" "Nay, ilang beses ko pong sinabi sa inyo na tumigil na kayo sa paglalabada, tingnan n'yo nga po ang sarili ninyo? Hindi n'yo na tuloy kamukha si Gloria Romero dahil sa pamumutla ninyo. Kaya. sige na po pakiusap, huwag na kayo tumanggap pa ng labada. At pangako po, pagkasahod ko. Ibibili ko na kayo ng automatic washing machine para hindi na ho kayo mahihirapang mag-anlaw ng mga damit natin." "Napakabuti mo anak, hayaan mo't sasabihin kong hindi na ko maglalaba sa kanya, sige na anak mag-a-alas-nuebe na, baka mahuli ka pa." Hinalikan ko si Inay at ang bunso naming si Tinay na siyang laging naka-abang sa akin sa labas upang ibigay sa akin ang sapatos na susuotin ko. "Kuya ito na sapatos n'yo po," bigay nito sa kulay itim na sapatos na siyang lagi niyang nakikitang suot ko. "Bunso, 'yong puting sneakers ang ibigay mo, iyon ang gagamitin ni Kuya." Ibinalik naman nito ang sapatos na itim at ibinigay sa akin ang puting gagamitin ko. Isinuot ko ito at pagkatapos ay dumukot ng bente pesos sa aking bulsa. "Psst, itago mo baka magselos si Kuya Toni at ate Tonnet mo," bulong ko kunyari sa kanya. Kahit naman ang totoo'y pantay-pantay ang ibinibigay ko sa kanila. Tumango-tango naman ang kapatid ko at ginawaran ako ng halik sa pisngi saka kumaway ito sa akin Saka lumabas sa maliit naming tahanan na siyang naipundar ni Tatay Delfin. Sarili na namin ito ngunit rights lang ang sa amin. Squater area kasi itong lugar kaya walang titulo. Ang totoo dito na ako lumaki sa lugar na ito, kasama ang dalawa ko pang kapatid na si Tricia at Terrence bago nagpakasal sila Nanay at Tatay Delfin. Binata pa si tatay noon at si inay ay anak na niya kaming tatlo. Magkababata raw sila noon ngunit torpe raw itong si Tatay Delfin kaya naglakas loob na lang inamin ang nararamdaman ng magka-anak na ng tatlo si inay nang wala pang asawa. Syempre hindi mawawala ang kumpulan at usapan lalo na ang tungkol sa aming tatlo, dahil iba-iba daw kami ng tatay. Pero hindi nagpatinag noon si Tatay Delfin at ipinaglaban pa rin kami. Kaya simula noon kahit kapus kami palagi'y hindi nawawala ang pagmamahalan namin na siyang itinuro sa amin ni Tatay Delfin. "Pre, shot muna, ang pogi natin ahh," tawag sa akin ng mga kaibigan ko na gaya ko'y wala din silang permanenting trabaho at palamunin pa rin ng mga magulang. Hindi nga lang gaya ko na bread winner, sila kasi'y buo pa ang pamilya. "Pass muna ako mga pare, first day ko ngayon sa trabaho at this time, seseryusohin ko na, kaya kayo din, magbago na kayo gaya ko." "Wow! mga pare, si Tristan ba ang nagsalita? Mukhang tinamaan na yata ng pana ni kupido ang kaibigan natin, at dahil diyan cheers tayo, para sa kaibigan nating si Tristan." Napapa-iling ako at tinalikuran na sila. Kahit naman ganyan kaaga mag-inuman ang mga kaibigan ko'y mababait ang mga 'yan at maasahan basta mayroon sila. Hindi naman gaano kalayuan ang police station ni Ma'am, kaya trenta minutos lang ay nakarating na ako. Nag-taxi kasi ako. 150 pesos ang nabayaran ko. Puwede naman jeep pero baka mangamoy usok ako at ma-turn off pa si Ma'am sa akin. Bago ako bumaba'y nagwisik muna ako ng mouth spray at inamoy ang sarili kong bibig saka lumabas at pagkabayad ko. Nangingibabaw ang kag'wapuhan ko nang maglakad ako mula sa Tirik na araw na hindi pa masakit sa balat. "Hmm, good morning Ma'am, si P03 Delo Santos po, nariyan na po ba?" Halata ang pagkasungit sa mukha ng napagtanungan kong pulis, nang maagaw ko ang atensyon nito. "Ikaw ba 'yong kahapon na nahuli at dinala dito?" salubong kilay nitong tanong. "Opo, isa ako sa nahuli, hindi po ba maraming dinadala dito araw-araw?" Lalo tuloy siyang napasimangot dahil sa aking sinabi. Mali kasi ang pagkakatanong niya. "Alam ko, ang ibig kong sabihin 'yong kausap ni P03 Delo Santos?" "Ako nga po 'yon, naku! Sorry Madam, nakakalutang kasi ang ganda po ninyo," pambobola ko pa. Ayaw kong may kaaway dito't baka mapurnada pa ang balak kong pangliligaw kay Ma'am. Pansin ko ang pagpipigil nito ng ngiti na tila ba paniwalang-paniwala sa sinabi ko. "Ikaw naman, nagbibiro rin ako, nasa taas si Ma'am Delo Santos, baka gising na rin iyon, halika't samahan kita." Lumabas ito mula sa kinauupuan niya at na unang umakyat. Naka sunod lamang ako at nag-iisip sa sinabi nitong baka gising na. Ibig sabihin ba dito siya natulog kagabi? Bumalik ako sa wisyo nang madinig kung kumatok ang kasama ko sa pintuan kong saan naka paskil sa dingding ang pangalan nito. Sa bagay medyo mataas na rin ang ranggo niya kaya may sarili na rin siyang opisina. Inayos ko ang sarili at tumayo ng tuwid ng madinig ko ang malamyos nitong tinig. "Pasok," "Ma'am, narito na po 'yong aplikante po ninyo." Naka talikod siya nang makapasok kami at nang humarap ito'y siya namang lalong nagpatulala sa akin. "Salamat po, Ma'am Reyes, sige po iwan n'yo na kami." Tumango naman si Mrs. Reyes kaya naiwan kaming dalawa lang. "So, Mr. Agbayani, wow I'm empress, upo ka." Nanginig bigla ang tuhod ko kaya napaupo ng mabilis. Ito na naman ang kakaibang nararamdaman ko kapagka-kaharap ko na siya. Dumadagundong kaagad ang ang dibdib ko at nanginginig din ang kamay ko. Itinatago ko sa bulsa ng pantalon ko ang isa kong kamay lalo na nang tumayo ito at lumapit sa despenser. "Pasensya ka na sa ayos ko, inumaga na kasi ako kaya dito na nakatulog, kape muna tayo," sabay abot nito ng kape sa akin. Hindi ko alam kung aabutin ko ba o hahayaan na lang. Mas napalapit kasi ito sa akin kaya lalo kung napagmasdan ang hubog ng kanyang katawan sa manipis nitong puting damit. Nakalugay rin ang may kahabaan nitong buhok at halatang hindi pa naghihilamos. Pero sa kabila nito'y napapatulala pa rin ako sa taglay nitong bango at ganda. At dahil ayaw ko naman magmukhang bastos kaya dalawang kamay kong inabot ang kape gamit ang aking palad at hindi ko na ininda ang init na dulot nito. Saka mabilis na inilapag sa mesa. "So. mabuti naman at nandito ka na," sabi nito at umupo sa upuan nito kanina. Sumimsim ng kape at pinakatitigan ang aking hitsura. Tila yata baliktad ang mundo sa akin. Parang ako ang siyang babae sa aming dalawa. Nakatingin siya sa akin habang ako'y hindi magawa siyang tignan, Nais ko kutusan ang aking sarili kung bakit ako nagkakaganito sa isang babae. "You look tense Mr. Agbayani, natatakot ka ba sa akin?" tanong nitong tila nagpipigil ng tawa. Kung alam niya lang talaga na kaya ako nagkakaganito'y dahil sa taglay nitong karisma at lakas ng dating sa akin. "Hindi naman po M-ma'am, ano po pala ang magiging trabaho ko." Sa wakas nasabi ko rin kaya tinanggal nito ang tingin sa akin at siya naman ikinaluwag ko ng paghinga. "Oo nga pala, pasensya ka na, pero kailangan ko na muna umuwi para makaligo at makapag palit ng damit, saka ko sasabihin ang trabaho mo, kaya halika na at sumama ka sa akin sa bahay," balewala nitong sabi, saka dinampot ang bag at susi nito at tumayo. Nakatulala lang ako at tila ba mas natakot sa sinabi niya. "Mr. Agbayani?" "Huh? "Halika na, gusto mo bang dito ka na lang ...?" "Hindi!" sagot ko agad. Tama ba ang nadinig ko? Isasama niya ako sa bahay niya? Ano'ng gagawin namin doon? Tila ako na-excite na sinamahan ng kaunting kaba. Panigurado kasing sasakitan ako nito ng puson na aabutin ng magdamag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD