Chapter 6

1466 Words
Tristan “Tristan, mukhang marami ka ng nainum. Kaya mo pa ba?” tanong sa akin ni PO1 Johny Payatas. Nakaka-ilang bote na kasi ako ng Soju na iniinom naming dalawa. Nasa bahay kami ngayon ni Chief. Birthday pala ng Misis niya. Nasa may dulong bahagi kaming nakaupo kung saan malayo kay Tart at sa girlfriend niyang tinawag siyang babe. Nakaka-badtrip talaga, naglaho bigla ang pantasya ko sa kanya. “Sunog baga ang mga tropa ko, kaya huwag mo akong intindihin,” sagot ko bago ininom muli ang alak na hawak ko. “Sorry, P’re, alam kong sinabi ko na ilalakad kita. Pero hindi ko naman alam na tibo pala si Ma’am,” malungkot nitong sabi at tinapik ako sa balikat. “Hayaan mo na, siguro hindi lang siya para sa ‘kin,” sabi ko at napatingin muli sa kinauupuan ni Tart na masayang kalampungan ang girlfriend niya’ng mas malaki pa ang boobs sa kanya. “Ligawan mo kaya ‘yong girlfriend. Tingnan mo nga ang laki, wow!” mungkahi nito. Gumuhit na naman ang sakit sa puso ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kirot na halos hindi na ako makahinga. Mas malala pa ang sakit kaysa sakitan ako ng puson dahil sa pagkaka bitin. “Kalimutan mo na,” sagot ko na lang at ipinagpatuloy ang pag-inom. Makalipas ang ilang sandali’y. ♪♪♩♫♪ Lintik na pag-ibig Parang kidlat Puso kong tahimik na naghihintay Bigla mong ginulat. Natigilan ako sa pagkanta nang marinig ang ko ang boses ni Ma’am Tart sa aking likuran. “Lintik na pag-ibig? Mukhang tinamaan ka na yata,” nakangisi nitong tanong. Inayos ko muna ang sarili saka humarap sa kanya. “Ma’am? hmm hindi pa naman, kanta lang ‘yan.” “I mean, lasing ka na yata. Ayos ka lang ba?” tanong niyang muli. Hindi ako maayos. Sakit oh, tagos sa puso tinamaan kasi ako sa ‘yo pero basted agad. “Hindi naman, kaya ko pang magmaneho,” sagot ko. Medyo ramdam ko lang ang alak sa katawan ko pero hindi pa naman ako lasing. “Aalis na ba tayo?” tanong kong muli. “Oo, ihatid mo muna kami ni babe sa Zhotel.” “Anak ng … sakit Tart, ako dapat kasama mo, mas masarap ako,” ani ng isip ko. Para akong sinaksak sa puso. Kaya ko pa ba magtrabaho sa kanya? “Tristan, ayos ka lang ba?” Bumalik ako sa wisyo ng tapikin niya ako sa braso. Para akong napaso kaya napa-atras kaagad ako. “A-ayos lang, paandarin ko na ba ang sasakyan?” “Oo, hintayin na lang natin si Babe,” sagot nito. Ako nama’y hindi na siya pinansin at nagpatuloy na ako sa loob ng sasakyan. Pinaandar ko at hinintay na lamang sila. Habang nagmamaneho ay panay ang bulungan nila sa likuran. Kulang na lang maghalikan sila. Nakakalalake ang dalawang ito. Ano kaya kung ipatikim ko sa kanila itong german sausage ko. Baka sakali ma-realized ni Ma’am Tart na mas masarap ang hotdog kaysa papaya. “Tristan, i-park mo na lang diyan sa reserved space. P’wede ka na ring umuwi. Ito ang sahod mo ngayon. Mag-taxi ka at marami-rami ‘yang mga dala mo,” sabi nito inabot sa akin ng sahod ko ngayong araw. “Hindi na Ma’am, sapat na ‘tong pinamili mo,” sagot ko at bumaba na rin. Tinungo ang compartment upang kunin ang sandamakmak na pinamili niya. “Agbayani, kunin mo na,” sabi nito at pinilit sa akin ibigay ang lilibuhing pera. “Hindi na Ma’am, wala naman po akong ginawa, sige po aalis na ako.” Tinalikuran ko na sila at lumabas na ng exit sa basement parking. Saktong may dumaan na taxi kaya pinara ko at sumakay. *** Sa kanto pa lang ay sinalubong na ako ng mga tropa kong sunog baga. “Wow! Mga Pare si Tristan oh, nakabingwit ng sugar mommy!” lakas tamang sabi ni Caloy. “Tristan, baka may iba pang kasama ang sugar mommy mo, ipakilala mo naman ako,” ani naman ni Benny. “Mga g@go, wala akong sugar mommy, sandali ipapasok ko lang ‘to sa loob.” Tinalikuran ko na sila’t pumasok sa loob kung saan nadatnan ko si Inay na mukhang nag-aalala. “Mano po, Nay, bakit gising pa ho kayo?” may pag-aalala kong tanong. Saka nilapag ang mga hawak ko. “Tristan, anak bakit ngayon ka lang? Ano’ng oras na?” nag-aalala nitong tanong at hindi na inusisa pa ang mga dala ko. “Nay, maaga pa ho. Kayo po, bakit gising pa kayo?” balik kong tanong habang nagtatanggal sapatos sa labas. “Hinintay kasi kita anak, kanina kasi, medyo nagkagulo sa labas.” “Gulo, bakit ano’ng meron sa labas?” tanong ko pa at naupo sa tabi ni Inay. Bakit walang nabanggit sa akin ang gunggong na ‘yon kanina? “May pumunta ritong demolition team kanina at ang sabi’y nabili na raw nila itong lupang kinatitirikan ng mga bahay rito,” malungkot niyang salaysay. “Ilang taon na tayo rito bakit ngayon pa?” “Kaya nga anak, muntik ng magkagulo rito. Nanlaban ang mga kalalakihan, maging si Kapitan ay walang magawa. Wala siyang hawak na titulo o kahit sino sa atin. Paano na tayo anak? Pamana ito ng Tatay Delfin mo?” Pinikit ko ang aking mga mata pinigilan ang sarili ayaw kong makita ni inay na pinanghihinaan ako ng loob. “Nay, hayaan n’yo na po. Gagawa ako ng paraan upang mapakiusapan ang nakabili ng lupang ito na bigyan pa tayo ng palugit kahit isang taon,” sabi ko at niyakap na lamang si Inay. “Matulog na po kayo. Huwag n’yo na alalahanin. Nakita n’yo galante ang boss ko,” pagpapagaan kong sabi pa sa kanya. Natawa naman ito at tinapik ako sa balikat. “O siya, matulog na ka rin at may pasok ka pa bukas,” anito. “Maya-maya na Nay, tagay muna po ako sa labas,” paalam ko at lalabas na sana. “Anak, mukhang marami ka nang nainom. Maari ba’ng pagbigyan mo muna si Nanay ngayon?” Alam ko naman ang ibig niyang sabihin kaya binigyan ko na lamang siya ng magandang ngiti. “Sige po, tara na akyat na po tayo.” Gusto ko pa sanang ipagluksa ang puso ko ngayong gabi ngunit dahil sa pakiusap ni Inay ay minabuti ko na lang magpahinga. Pagkapasok sa kuwarto ko’y basta ko na lang iniwan ang mga dala-dala at pabagsak na humiga sa kama. “Tama bang tinanggap ko ang mga pinamili n’ya? Uunahin ko pa ba ang nararamdaman ko kay Tart kaysa sa pamilya ko?” Ang daming mga tanong na wala pang kasagutan. Kailangan ko na siguro ang makahanap ng disente at permanenteng trabaho para sa pamilya ko at kakalimutan na si Ma’am Tart sa buhay ko. Kung bakit ba naman sa dinami-dami ng babae sa mundo ay sa kanya pa tumibok ang puso ko? Marahil karma ko na siguro ito sa lahat ng babaeng nasaktan ko. “Hay! ma’am Tart,” sabi ko na lang at tuluyang inantok at nakatulog. *** Nagising ako sa tunog ng cellphone ko sa aking bulsa. Kaya nakapikit ko pa itong kinuha at sinagot. “Hello, sino ‘to?” tanong ko sa kabilang linya nang hindi man lang tiningnan kung sino ang tumawag. “Agbayani, nasaan ka na?” Saka pa lamang ako napabalikwas ng bangon ng mabosesan ko si Tart. At isa pa walang tumatawag sa akin ng apelyido ko kundi siya lang. “Hello, ma’am, bakit kayo napatawag?” kabado kong tanong. Haist bakit ba narinig ko lang ang boses niya’y nagkakandarapa na ako. Convo Tart: Nasaan ka na? Tristan: Huh? Nasa bahay pa ma’am. Tart: What? Hindi mo ba natanggap ang text message ko kagabi? Tristan: Message? Wala– Tart: Bilisan mo na diyan at pumunta ka na rito. Basahin mo at intindihin mabuti ang mensahe ko. Iyun lamang ang kanyang sinabi at pinatayan na ako. Dali-dali ko namang hinanap sa inbox ang text message na sinasabi niya. Tart: Pumunta ka sa presinto ng maaga. Tart: Alam kong iniisip mong may relasyon kami ni babe. Pero wala at bestfriend ko lang siya. Tart: Kaya kong hindi ka pupunta ay paano mo ako maliligawan? Tart: Sinabi na sa akin ni PO1 Payatas, kaya kailangan eksaktong alas-nuebe ng umaga nasa presinto ka na. Pinanlakihan ako ng mata sa mga nabasa ko. Sumaya bigla ang puso ko at halos magtatalon na ako sa kilig. “Yes! Yes! Oh, Sweetheart, hindi ka pala tibo. Yes!” Natigilan ako nang magawi ang tingin ko sa orasan. “Pvtch@, 9:30 na pala?” Kaya halos takbuhin ko na ang ibaba upang makaligo at magmukhang mas guwapo sa paningin ni Tart, ngayon pa na binigyan na niya ako ng chance na ligawan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD