Chapter 7

1445 Words
Chapter 7 Tristan May karanasan naman ako bilang bellboy dahil nakapag-trabaho na ako noon. Pero sa mumurahing apartelle lang at hindi gaya nito na five star. Madali lang naman ang trabaho. Kaya nga lang ay hindi ko naman nakikita si Ma’am Tart. Miss na miss ko na tuloy siya. “Para kahapon mo lang ‘di nakita, miss na agad?” Haist, kung ano-ano na naman ang naiisip ko. “Tristan, sabay na tayo umuwi,” tawag pansin sa akin ng isang receptionist na katrabaho ko. Maganda naman siya sexy. Pero bakit ‘di na ako nagkaka-interest sa ibang babae simula nang makilala ko si Tart. “Ah, e, ano kasi Vicky …” natigilan ako magsalita nang bumulong ang kasama niyang hindi ako magawang tingnan. “Ano kasi—” “Ay, hindi na pala Tristan, next time na lang,” sabi niya at nagmadali ng umalis. “Bakit ang bilis magbago ng isip?” aniko. Well, ayos na rin naman. Ayaw ko lang kasi malaman nila na susunduin ako ni Tart dito mamaya. Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko si Tart. Ganito pala ang pakiramdam ng in love. Ang cheesy at ang baduy. ‘Yan lagi ang tingin ko sa mga kaibigan kong in love noon. Pinagtatawanan ko lang sila. Pero ngayon iba pala talaga ang pakiramdam. Isang linggo na rin ako nagtatrabaho rito sa Zhotel. At sa loob ng mga araw na lumipas ay consistent nga si Tart sa pagpunta at pagsundo sa akin, pero kahapon may trabaho raw siya kaya ‘di kami nagkita. Putik pakiramdam ko ako ang babae sa aming dalawa. Matapos ako mag-log out ay nagpaalam na ako kay Kuyang guard. “Sige po Kuya, mauuna na ako,” paalam ko sa kanya. Ang sabi niya’y mababait daw ang may ari ng hotel lalo na ang mag-asawang Zobelle. Ang anak kasi nilang lalake ngayon ang namamahala. “Mag-iingat ka Sir, ayan na pala si Ma’am Keanna,” sagot niya. Kaya napatingin ako sa kotseng paparating. Ibang kotse ito. Nagtataka naman ako kung paano niyang nalaman. Samantala ako’y ngayon ko lamang ito nakita. “Kuya, paano n’yo nalaman na—” “Ah, palagi niyang dala ‘yan dito, kaya nakita ko na,” dahilan nito. Nag-kipitbalikat lang ako at ‘di na nag-usisa pa. Sobrang kilalang-kilala nila si Tart rito. “Sakay na,” anito nang huminto ang sasakyan niya. Kinilabutan na naman ako, marinig ko lang ang boses niya. nagmadali na akong pumasok sa kotse bago pa siya sumabog at baka upakan pa ako. “Magandang gabi, Tart. Hmm, gusto mo ako na magmaneho?” Mukha kasi siyang pagod. “Ayos lang ba? Baka pagod ka—” “Ayos lang, Tart.” Inihinto naman niya ang kotse saka kami nagpalit ng pwesto. Tahimik akong nagmaneho. Alas-dyes na rin ng gabi kaya mukha siyang pagod at inaantok. Gusto ko siyang makasama ngayong gabi pero natatakot ako magsabi. “Tart,” mahina kong tawag sa kanya. “Hmm, bakit Tart?” sagot niya. Pero parang umurong ang dila ko’t hindi ko masabi. “Kung ano man ‘yan, oo agad ang sagot ko basta gusto ko lang matulog,” nakapikit nitong sabi. “Talaga?! Pwede kita makasama ngayong gabi?” tila nanalo sa jueteng kong sagot. Nagda-drive ako kaya hindi ko gaano matutukan ang kanyang mukha. Pero halatang natutulog na dahil sa mumunti niyang hilik. Alam kong nakakapagod ang trabaho niya. Gusto ko siyang bantayan ngayon wala ng iba. “Talaga ba, weh, di nga?” “Oo, ‘yon lang talaga,” kumbinsi ko sa aking sarili. Isang linggo na kaming naging magkasintahan ni Tart pero kahit holding hands hindi ko pa nagawa. Samantala dati pinapaluhod ko agad sila. Iba kasi si Tart. Maghihintay ako ng tamang oras na kusa niyang ibigay ang sarili sa akin. “Tart, narito na tayo sa bahay mo,” paggising ko sa kanya pagka-park ko ng sasakyan sa labas. Pero tulog na tulog pa rin siya. “Siguro, hindi ka na naman umuwi kagabi,” mahinang kausap ko sa kanya. Nasa loob pa kami ng sasakyan kaya napagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha. “Napakaganda mo, Tart,” aniko at nanginginig na hinaplos ang kanyang mukha. “Mahal kita,” mahinang bulong ko pa. Ganito pala ang pakiramdam pag nagmamahal na? Kahit titigan ko siya buong magdamag ay hindi ako magsasawa. Oo mahihirapan ako bilang lalake. Pero mas mangingibabaw ang respeto ko sa kanya bilang babae gaya ng kung paano ko ginagalang si Inay at mga kapatid kong babae. “Halikan muna, saglit lang naman,” utos muli ng isip ko. Ang hirap magtimpi pero kakayanin ko. Kaya halik sa noo lang ang aking ginawa at bumitaw rin agad. Pagkatapos ay saka ko hinanap ang susi sa bag niya at nakita ko naman ito. Bumaba ako at binuksan ang gate pati na rin pintuan niya. Pinailaw ko ang kabahayan saka ko siya binuhat paakyat. Mabuti na lang at nag-automatic lock ang pintuan niya. Dalawang pintuan sa itaas ang nakita ko. Binuksan ko ang banda sa kanan ko at tama naman ang napili ko. Hirap man ako dahil may kabigatan rin ito’y yakang-yakang ko naman. Inihiga ko agad siya sa kama niya, saka ko tinungo ang aircon at pinaandar sa tamang temperatura. Para siyang tulog mantika. Hindi man lang nagising o gumalaw man lang. Bumaba muna ako saglit upang tiyaking nakasara ang pinto. Nag-padala rin ako ng mensahe kay Inay at Tricia na hindi muna ako makakauwi ngayong gabi. Alam na rin naman nila na girlfriend ko na si Ma’am Tart. Pagkatapos kong e-mesage sila Inay ay nagpasya akong kumuha ng beer at ininum ito ng mabilis. Saka muling umakyat sa itaas upang tingnan at ayusin ang kanyang pagkakahiga at hindi nga ako nagkamali, tulog na tulog pa rin siya. Tinanggal ko ang suot niyang sapatos pati ng medyas. Ang puti ng paa niya at mamula-mula pa ang talampakan. Pants at white t-shirt ang suot niya kaya di ko na ito pakikialaman. Baka may magalit bigla na ikasakit pa ng puson ko. Nagpasya akong humiga sa tabi niya nang patagilid para mapagmasdan ko siya ng maigi. Gusto ko lang siyang titigan, kontento na ako kahit walang halik at yakap. Naisip kong kunin at hawakan ang kanyang kamay. “Babae ka nga, napakalambot ng kamay mo,” aniko at pinagsiklop ang aming kamay. Ilang minuto pa akong nakatitig sa kanya nang unti-unti na rin ako dalawin ng antok. Keanna’s POV “I woke up the next day and the first thing I saw was Tristan's face. He sleeps soundly. I smiled and was amazed. In all fairness, he is also a gentleman. Kaya panatag ako na kasama ko siya. I must admit, I am not into him. Despite that, he is tall, with a gorgeous face that every girl should dream of. I don’t know what happened to me that day. I knew his feelings towards me. Hindi naman ako pinanganak kahapon. But it is strange. My feelings towards him. I am not sure yet. Gusto ko lang naman maranasan na magkaroon ng boyfriend na hindi ko kapareho ng estado sa buhay, gaya niya. Aaminin ko rin na wala sa katangian niya ang dream guy ko. But there is something about him that I couldn't explain. I feel safe, i feel home gaya ng kung paano ako sa mga kapatid ko. Am I worth it? I mean tama ba na ipasok ko siya sa mundo ko? Nang araw na sinabi ko sa mga magulang ko na gusto kong mag-pulis. Walang tutol agad si Mommy. Pero si Dad? Alam ko ayaw niya. I am his Princess, his only daughter. He wanted me to become like a real Princess with my Prince of course. Bata pa lang ako, naka-set na sa amin ni Kuya Kyle kung sino ang magiging asawa namin pagdating ng araw. Kaya alam kong walang patutunguhan ang relasyon namin ni Tristan. Pero bakit ko siya sinali sa gulo ng buhay ko? Maayos kami ni Dad. Hinayaan niya akong makuha ang gusto ko. Mamuhay ng simple. Pansamantala. Hinayaan niya akong magsawa pero alam kong pagdating ng araw ay wala rin naman akong takas. Kaya hindi ako nag-boyfriend. Wala rin naman akong hinahayaan na makalapit sa akin. But with Tristan? I let him in, or rather, I grab him into my world that he doesn't belong to after all. Hindi dahil mahirap lang siya or what? Kundi alam kong wala akong takas at darating din ang oras na ititigil ko ang lahat ng ito at sumunod sa lahat ng gusto ng mga magulang ko. “I’m sorry, Tristan,” I said before closing my eyes and falling back to sleep next to him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD