Chapter 21-My jealousTart.

1286 Words
Tristan Kinilabutan ako sa sinabi niyang iyon sa akin. Alam ko rin na hindi siya nagbibiro’t tototohanin niya ang sinabi. Ganito siguro kung mahal mo ang isang tao. Kung dati kasi’y sino ba siya? Marami pa silang nagkandarapa sa akin. Pasimple akong lumunok bago lingunin si Mary sa aking tabi habang naghihintay si Tart na inip na inip pa ring naghihintay sa akin. “Mary…’ “A-Ayos lang Tristan, katatanggap ko lang ng text ni tatay, parating na raw siya,” ang siyang dahilan na sabi ni Mary. Bumuntong hininga ako’t kinurot na lang siya sa pisngi. “Sigurado ka ba?” nakangiti kong tanong. Ngunit hindi pa man kami tapos mag-usap ni Mary ay nagulat na lang kami sa malakas na busina ng sasakyan sa aming tabi. “What now?!” nakangiti pero halatang gigil ang boses na sabi ni Keanna sa amin. Di man direkta ang aking paningin kay Mary’y halatang nalungkot ito sa sinabi nito sa amin. “S-Sige na Tristan, Ma’am, pasensya na po. Sige mauuna na ako.” Hindi na ako nakasagot at tuluyan na kaming tinalikuran ni Mary. Kaya nagmadali na rin akong pumasok sa loob ng sasakyan ni Keanna’t hahalikan sana siya sa labi ngunit… “Stop! ‘wag mo muna akong l-lalapitan hangga’t hindi ka pa naliligo,” sabi niya at mabilis pinaharurot ang sasakyan. “T-tart…” “Not now Tristan! Pagod ako’t puyat kaya mainit ang ulo ko,” mahina ngunit mariin nitong sabi. Hindi ko alam kong bakit siya nagagalit? Hindi ba dapat ako ang galit sa aming dalawa? “O-Okay,” simpleng sagot ko at tumahimik na lamang. Buong durasyon ng aming biyahe’y naging tahimik na lamang ako’t hinayaan na lamang siya. Dahil na rin siguro sa ilang gabi na rin akong puyat kaya’t hindi ko na namalayan na nakatulog na rin ako at nagising na lang sa malakas na sunod-sunod na putok ng baril. Halos mapatid ang aking hininga sa gulat at may pagmamadali akong napatayo. Subalit nakalimutan kong nasa loob pala ako ng sasakyan niya kaya’t nanlabo bigla ang aking paningin sa sakit dulot ng pagkauntog. “A-Aww!” Hindi ko na lamang ininda ang sakit at mabilis akong lumabas upang hanapin ang malakas na putok ng baril. Mukhang pribado ang lugar na ito. Wala kasi ako makitang tao at may kadiliman rin ang paligid. Ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang maliit na ilaw sa di kalayuan at pigura ni Keanna habang nakatutok ang baril sa firing range. Hinayaan ko ang sarili na makalapit, limang metro mula sa kinatatatayuan niya, Nagpatuloy ito sa pagpapaputok hanggang maubos ang bala nito at tuluyan siyang matapos. Tinanggal niya ang suot na headphone at pabagsak na inilapag ang baril, saka ako nito lingunin at nagsalubong ang aming mga mata. Hindi ko mahulaan kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit ayon sa eskpresyon ng mukha’y mukhang hindi maganda ang kalalabasan nito kaya’t hinanda ko na ang aking sarili sa anumang gusto nitong gawin. Ang astig niyang tingnan at ang sarap din halikan. Imbes ang kanyang mata ang aking titigan ay bumaba ito sa kanyang labi. Ang labi na ilang araw ko ng hindi nahalikan. “Eyes on me, Tristan.” Ang siyang nagpabalik ng aking ulirat. Ngumisi ito ng bahagya hanggang tuluyang makalapit sa akin. Inilapit pa ang mukha at ikinawit ang mga braso sa aking leeg. Para akong nanghihina sa kung paano niya ako titigan ngayon. Nanlalambot rin ang mga tuhod ko at anumang oras ay baka tuluyan akong bumigay. Pero lalaki ako at ako dapat ang nasusunod. Gusto ko ipakita na galit din ako kaya tinibayan ko ang aking dibdib at napagtagumpayan ko. Subalit nang bumulong ito sa akin ay labis ang aking ikinataka. “S-So, k-kaya ba hindi mo na ako pinupuntahan ay dahil sa babaeng ‘yon?” sarkastiko niyang tanong. Ilang segundong nagproseso sa utak ko ang tanong niyang iyon. Hanggang sa mapagtanto ko at natuwa sa nalaman. Kinabig ko siya sa baywang palapit sa akin at kinintilan ng mabilisang halik sa labi. “Nags-selos ka b-ba?” “Yes, I am jealous, Tristan! You are mine! Ako lang! Ako lang—” Hindi ko na hinayaan na tapusin niya ang sasabihin upang gawaran siya ng mapusok na halik. Banayad na may pagka-agresibong hinagod ng aking labi ang kanya na kinatigil nito at sinabayan din ng parehong hagod. Pero maya-maya’y isang malakas ng suntok sa sikmura ang aking natanggap. Panandaliang tumigil ang aking paghinga at inubo rin ng paulit-ulit sa lakas ng suntok niya. Ngunit hindi ko ito ininda at patakbong sinundan ang nagseselos kong Tart. “T-Tart! S-Sandali!” Ngunit tila wala siyang narinig at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hindi ko mawari kong ano ba ang tumatakbo sa isip niya? At hindi ko rin maintindihan kong bakit hindi ko siya matiis at patuloy na sunod-sunuran sa kanya. Ito na siguro ang karma ko sa mga babaeng pinaiyak ko noon. hindi ko sasabihin na tama ang aking ginawa. Pero sa pagkakataong ito’y masasabi kong good karma ang nangyayari sa akin ngayon, sapagkat naging dahilan ito ng pag-kukrus ng aming landas ni PO3 Keanna. Ang astig na pulis na akala ko’y simpleng babae lang ay anak pala ng bilyonaryo. Hindi ko hanggad ang kayamanan nila, hindi ko rin pinangarap na makapangasawa at magmamahal ng mas nakatataas sa antas ng aming pamumuhay. Marahil kagaya lang ako ni tatay Delfin, ang pagmamahal niya kay inay ay hanggang sa kamatayan. “A-Ang b-bilis mong tumakbo,” hinihingal kong tanong nang maabutan ko rin siya papasok na sana sa sasakyan. Inilapit ko pa ang aking sarili sa likuran niya at idinikit ang mukha sa leeg upang amuyin. “Tristan, I’m tired and sleepy. Ayaw kong makipagtalo. At for your information. I am not jealous. Sinabi ko lang ‘yon--” “Oo na, hindi na kung hindi,” sumusuko kong sabi at pinaharap ito. Isinandal ko siya sa sasakyan at hinaplos ang mukha. Hindi na rin naman siya tumanggi pero nakasimangot ito. Sa kabila ng boyish niyang kilos at galaw ay nagtatago pa rin ang mahinhin na prinsesa at nagseselos na girlfriend. “Ba’t ka ba nakasimangot?” tanong ko at hinawakan ang nguso niyang kanina pa humahaba, pero ang ganda niya pa rin. “Nagtatanong ka pa, you are so annoying, gaya nito,” aniya at lumingon sa kabila. At dahil ako ang romantikong si Tristan kaya gaya ng dati susuyuin ko na naman siya at magpapakaalipin sa lahat ng gusto niya. “Bati na tayo sweetheart, please. Ilang linggo na nga tayo hindi nagkita ganyan ka pa sa akin,” sabi ko at isinandal ang aking mukha sa dibdib niya. Haist, Tristan, kalma lang, ‘wag magpahalata na tig*ng ka. Pero nakalimutan ko na siya pala si PO3 Delo Santos na kilalang-kilala ako. “Ano yan?! Ba’t may…” tumigil ito sa pagsasalita at tinulak ako ng bahagya upang magkaharap kami. Siyempre, maang-maangan ako. “A-Anong... ano yan?” “’Yan!... haist, whatever. Tara na pagod na ako,” sabi niya at itinulak ako palayo. Umikot ito sa kabila at naunang pumasok sa loob ng sasakyan. Ako naman ay pumasok na rin sa driver seat at paandarin na sana ang sasakyan nang mabigla sa ginawa nito. “I m-miss you, Tristan, make love with me and make me pregnant,” aniya at mapusok akong ginawaran ng halik sa labi. Hindi pa ito nakuntento at kumandong pa sa akin. “Pucha, Tristan. Mapapalaban kana naman,” ani ng isip ko. Bahala na ang tadhana sa aming dalawa. Naniniwala naman ako na ang dalawang taong itinadhana ng diyos ay malalampasan ang anumang pagsubok na darating. Sa ngayon, susugal ako, dahil mahal ko siya at gagawin ko ang lahat makamit lang ang pamilyang pinapangarap ko, kasama siya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD