Chapter20-YesTart!

1667 Words
Tristan Mukhang naplano na niyang lahat. Wala pa kasi dalawang oras ay nariyan na ang susundo sa amin. Sakay ng isang magarang sasakyan ay tumulak kami papunta sa paliparan. At mula roon ay sumakay kami sa isang maliit at pribadong eroplano. Masayang-masaya ang mga kapatid ko, pwera ni Trisha na pilit lamang kung ngumiti, hindi dahil sa hindi niya nagugustuhan. Ito’y sa kadahilanang alam niyang hindi ganito ang gusto ko. Alam kong sa sitwasyon kong ito’y hindi ko pa kakayanin ang mga bagay na binibigay ni Keanna sa pamilya ko. Aaminin ko rin na hindi ako gaano natutuwa, pero dahil mahal ko ang pamilya ko at mahal ko siya’y lulunukin ko ang pride na tanging meron ako, maiparamdam ko lang sa kanya ang pagmamahal ko. Lumipas ang ilang oras ay narating na rin namin ang isla na pag-aari rin nila. Isa itong private island na matatagpuan sa Visayas. Nasa taas pa lamang kami’y kitang-kita na ang ganda ng Isla. Ang sabi niya sa amin ay bigay raw ito ng daddy niya sa kanyang ina noon. Hindi pa raw siya pinapanganak. Matagal na panahon na iyon ngunit mukhang bagong-bago pa rin. Lalong sumigla ang mga kapatid ko nang magtampisaw ang mga ito sa tubig dagat at swimming pool. Maging si Inay ay nasabik sa ganda ng tanawin at lugar, kaya sino ba naman ako para putulin ang kaligayahan ng mga mahal ko sa buhay. Buong maghapon ay nagsaya lamang kami hanggang sa mapagod ang mga ito at lumalim na rin ang gabi. Ala-una na ng madaling araw ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok kaya minabuti kong lumabas na muna upang kumuha ng inumin. Tulog na rin si Keanna na halatang pagod na pagod. Natatawa na lamang ako sa sinabi niyang babawi raw siya sa akin, pero ayon at humihilik pa. Naka-tatlong bote na rin ako ng beer at 2-stick ng sigarilyong hinihithit ko lamang sa pagkakataong ganito. Matagal ko na itinigil ang paninigarilyo, ayaw kasi ni inay na matulad ako kay Tatay. Magsisindi na sana ako ng isa pa nang biglang may umagaw ng sigarilyong hawak ko. “T-Tart!” “Naninigarilyo ka pala?” tukoy nito ng bagay na inagaw niya sa akin. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya, pilit na kinukuha ang sigarilyong sinindihan na rin niya. “Akin na ‘yan,” aniko at itinapon na lamang ang sigarilyo. Nasa labas kami ngayon, malapit sa dalampasigan. Umupo ito sa tabi ko at uminom na lamang ng beer na dala ko. “Tart—” “Malalim yata ang iniisip mo?” paunang bungad nito na nagpatigil sa akin. Nagkasalubong ang aming mga mata habang awang ang aking labi. “Tell me, Tristan, aren't you happy to see your family happy?" Ilang segundo rin akong ‘di nakasagot. “A-Ano ba namang klaseng tanong—” “Yes or no, Tristan—” “Syempre, masaya ako! Ano ba namang klaseng tanong ‘yan?” sagot ko na kanya. ‘Yun naman ang kasi ang totoo. "Tristan, what you're saying feels different from what I saw,” seryoso nitong ani. Kinilabutan ako bigla bunsod ng sinabi niya. Paano niya itong nalaman kung halos mangawit na ang panga ko sa kakangiti maghapon. Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay at hinaplos ang mukha gamit ang isa pa. “Makinig ka Tart. Magmula nang dumating ka sa buhay ko, walang araw na hindi ako sumaya. Lahat kakayanin ko kahit kapalit nito ang natitira kong pride sa katawan makasama at mapasaya lamang kita,” tumigil ako pansamantala upang pagdikitin ang aming mga labi. “G-Ganyan kita kamahal Keanna. I-Ikaw lang…” natigilan ako sa pagsasalita at natigil sa ginagawa sa sunod nitong sinabi. “Lahat ba kaya mong ibigay?” “Oo naman, basta kaya ko—” “Then, make me pregnant. Gusto ko ng anak at ikaw ang ama. Hindi mo ako kailangan panagutan o pakasalan ako. Hindi kita oobligahin na sustentuhan kami ng anak mo—” “Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” putol ko sa iba pa niyang sasabihin. Tagalog naman ang pagkakasabi niya pero bakit hindi ko maintindihan? Awang ang labi niya nang maisipan kong tumayo, dala ang bote ng alak at tatalikuran na lamang siya. “M-Matulog na tayo. May pasok pa ako bukas,” ang siyang huli kong sambit at tuluyang pumasok. Natulog na lamang ako sa kwarto na inakupa ng pamilya ko. Hindi raw sila sanay matulog na mag-isa sa kwarto kaya kahit maraming silid sa bahay bakasyunan na ito’y mas pinili pa rin nila ang magkakasama. Hindi ko alam kung bakit ako nainis bigla sa huli niyang sinabi? Pakiramdam ko’y wala akong kwentang lalaki, kung basta na lamang sila pababayaan ng magiging anak namin kung sakaling magdalang tao siya. Oo, alam kong kayang-kaya niya itong buhayin. Sa yaman ba naman ng pamilya nila’y kahit isang dosenang anak pa. Nagunit ako ang lalaki kaya ako dapat ang magtataguyod ng pamilya namin kung sakali. Kahit gaano kahirap ay gagawin ko ang lahat maibigay lamang sa magiging anak ko ang marangyang buhay para sa kanila. Kinabukasan maaga kaming napauwi nang manakit ang tiyan ni Trisha. May buwanang dalaw pala siya kahapon nang magbabad sa tubig. Hindi naman malala pero naging dahilan ito upang makauwi kami at bumalik ng Maynila. Hindi na namin napag-usapan ni Keanna ang nangyari kagabi. Naging abala na rin siya sa trabaho nang makatanggap ito ng tawag. Ako naman ay bumalik na rin sa trabaho at inabala ang sarili. Sa loob ng ilang linggo’y hindi na kami nagkita ni Tart. Hindi na rin siya napadalaw ng bahay maging sa hotel. Naging abala na rin kami sa nalalapit na kasal ni Sir Kyle na gaganapin mismo sa hotel. Lumipas pa ang araw, hanggang sumapit ang araw mismo ng kasal. Suot ang blaser na kulay itim na may gintong butones maging ng pantalon at malinis na puting polo na may kurbatang panyo ay maayos kong hinarap ang unti-unting nagsidating na mga bisita. Abala ang mga kasamahan ko nang magpaalam saglit upang ayusin at tingnan ang aking sarili sa salamin. Alam ko kasing darating siya sa kasal ng kuya niya. Wala pa ang mga magulang niya ngunit nariyan na rin si Sir Kyle. Nagkasalubong din kami kanina at nagbatihan. Halatang masaya siya kahit napabalitang fix-marriage lang sila ng babaeng mapapangasawa. Marahil mahal niya ito gaya ng pagmamahal ko sa kapatid niya. “Mag-sorry ka at ‘wag na siyang pakawalan. Tama! ‘Yon nga mismo ang gagawin ko,” kausap ko sa aking sarili. Hanggang tawagin ako ng aking katrabaho at sinabing dumating na raw ang ang bigboss namin kasama ng bride. Gaya ng ininsayo namin ay kanya-kanya na kami ng pwesto upang magbigay at maghatid ng maiinum at pagkain sa mga bisita. Halatang puros mayayaman ang mga ito base sa hitsura at kilos. Hindi naman nalalayo ang hitsura ko sa kanila, ang pagkakaiba lang namin ay butas lang ang aking bulsa at kanila’y hindi. Nagsalita ang punong abala ng kasal upang umpisahan na ang seremonyas. Isa-isang tinawag ang pangalan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya hanggang tawagin ang pangalan niya. Huminto ang mundo ko nang masilyan siyang muli. Napakaganda niya ngayon suot ang kulay rosas na gown. Pasimple kong itinigil ang ginagawa at gagawa sana ng paraan upang masilayan niya ako nang tuluyang manlumo sa lalaking kapareha niya. Kuyom ang palad ko at nanginginig. Gusto kong sapakin ang lalaking kadikitang braso niya at hilain siya palayo, ngunit wala ako sa posisyon. Isa lamang akong hamak na trabahador ng pamilya nila. Ayaw ko rin sirain ang masayang yugto ng buhay ni Sir Kyle. Kaya tiniis ko na lamang ang kirot at sakit ng pambabalewala niya sa akin. Nagtagpo na rin ang aming mga mata ngunit tila wala siyang nakita. Naging punong abala siya sa pagsasalita kasama ng isa pang mas batang lalaki na nabalitaan kong kapatid ng magandang bride ni sir Kyle. Lumipas ang oras hanggang matapos ang kasal at reception. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagliligpit. Gusto ko lamang mag overtime at magbabaka sakali na makita siyang muli, ngunit hindi nangyari. “Tristan, sasabay ulit ako pauwi. Iisa lang naman ang sinasakyan natin. Hindi kasi ako masusundo ni tatay, maari ba?” pakiusap sa akin ni Mary. Alam kong may gusto sa akin si Mary. Pero simula nang minahal ko si Keanna’y tinigil ko na ang mga gawain ko noon. Ayaw ko naman siya mapahamak kaya sinasabay ko siya pauwi kapag ginagabi kami katulad nito. “Sige, hintayin mo na lamang ako sa labas. Bihis lang ako,” nakangiti kong sagot sa kanya. Pagkalabas niya’y nagbihis ako at nag-log out. Hindi ko na lamang pinagtuonan ng pansin si Tart. Maraming oras at araw pa upang suyuin siya. Alas-dyes na nang matapos ako. Sa likod dumadaan ang mga employee at doon din naghihintay sa akin si Mary na halatang antok na. Tumikhim ako kaya’t nagising ang diwa nito. Mabilis itong tumayo ngunit sumabit ang dala niyang bag sa dulo ng upuan kaya’t muntik na siyang matumba. Mabuti na lamang at nasalo ko ito kaagad. “A-Ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong. Parang nakababatang kapatid lang ang turing ko sa kanya kaya’t walang malisya ko siyang inalalayan palabas. Kumapit naman ito sa braso ko kaya’t hinayaan ko na lamang siya at tuluyang lumabas. Nasa may pasilio na kami palabas nang makarinig kami ng harurot ng sasakyang palapit sa amin. Nanlaki ang aming mga mata nang makita ang direksyong patungo sa kinatatayuan namin. Handa na sana kaming tumakbo nang makilala at mabosesan ang tinig ng babaeng ilang linggo nang laman ng isip ko. "If you don't want that thing of yours to be chopped into pieces, then get in!" Napalunok ako’t pinagpawisan bigla. Kahit kailan talaga, napakamainitin ang ulo niya, pero dahil mahal ko siya kaya’t… “P-Pero paano si—” “Ihahatid natin siya. Ano pwede na ba tayo umalis?” “Haist, Tart. Marupok talaga ako pagdating sa ‘yo,” ang siyang nais kong isatinig ngunit minabuting itikom na lamang ang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD