Chapter 17: Hot Seat

2092 Words
Tristan Hindi ko alam ang isasagot o sasabihin. Ayaw kong mapahiya si Tart sa pamilya niya at ayaw ko rin ipakita kung gaano ako kaliit na hindi nababagay sa kanila. Mahal ko si Keanna. Mahal na mahal ko siya, maging ano man siya o kahit na maging pulubi. Sa kanya pa lang unang tumibok ang puso ko ng ganito. "Tristan hijo. Anong pinagkakaabalan ng tatay mo?" malumanay na tanong ng mommy ni Tart. Alam kong walang intensyon siyang pahiyain ako. Kaya't sasagutin ko lang kung ano ang totoo. "Ma'am, hindi ko po nakilala ang totoong tatay ko. Ang nagpalaki lang po sa 'kin ay ang tatay Delfin ko. Ang tatay ng tatlo kong nakababatang mga kapatid," sagot ko. Nakangiti lamang siya at halatang hindi nadismaya sa sinabi ko kaya nakahinga ako ng maluwag. "Ayos lang 'yun. Ang importante, mahal kayo ng amain mo. At Tita Cathy na lang ang itawag mo sa akin,” hirit pa niyang sabi. Akala ko’y matatapos na roon ang tanungan portion ngunit nang magtanong ang Daddy ni Tart ay nakaramdam ako ng kaba. Para kasi akong natutunaw sa klase ng titig nila sa akin ng kuya niya. "I hope you don't mind asking Tristan,” anito. “Ayus lang po, Sir. Lahat po sasagutin ko,” matapang kong sagot kahit na ba ang totoo’y nangangatog na ako sa nerbyos. “Nabanggit mo kanina na anim kayong magkakapatid, right? So, ang tatlo ay ang tatay Delfin mo ang ama—” “Yes, sir tama po.” “How about 'yung dalawa mo pang nakababatang kapatid?" Tila parang tinik na dumaloy sa aking lalamunan ang kapeng iniinom ko. Wala naman masama sa tanong niya at hindi ko rin ikahihiya, hindi ko pagtatakpan kung ano at sino ako. Napatingin ako kay Tart nang pisilin niya ang aking kamay. Sumenyas lang din ako na ang ibig sabihin ay ayos lang. "Iba po ang tatay nila, Sir. Ako Italyano ang ama, pangalawa si Trishia na Hapon ang ama. Pangatlo si Terrence na Koreano naman ang ama. Ngunit kahit po na ganoon ay pinakasalan pa rin ni Tatay Delfin ang aming Ina kaya siya na ngayon ang kinilala naming ama. Itinaguyod niya po kami at pinalaki ng tama. Kaya po sir, ma'am. Ipinagmamalaki ko po ang tatay ko. Bibihira lang po na ituring na parang isang totoong kadugo ang tatlong batang kagaya namin ng mga kapatid ko," pinagmamalaki kong sabi. Napansin ko na nagkatinginan ang mag-asawa, ngunit maya-maya'y may sumilay na ngiti sa kanilang mga labi kaya para akong nabunutan ng tinik. "Don't worry, Tristan. What's important to us is your genuine desire for our daughter. We've already proven that you love her. Pasensya ka na hijo kung nag-background check kami—” "Dad! ginawa mo ‘yun?” tila galit na tanong naman ni Keanna sa ama niya. "Sorry anak, ‘di mo ako masisisi. You're my only daughter and isa sa magmamana ng Zhotel and malls all over Asia. Bilang magulang ang gusto lang namin ay sa karapat-dapat na lalaki ka mapunta." “Dad as if naman na magpapa...” pinutol ko na ang anumang nais sabihin ni Tart. Pinisil ko ang kamay niya at nagsalita. "Sir, Tita, Sir Kyle. Opo, mahirap lang ako. Wala sa plano ko umibig. Pero totoo po pa lang pagnakita muna ang babaeng makapagpapatibok ng puso mo ay hindi na pala ito mapigilan. Sa maniwala po kayo o sa hindi ay pinilit ko pong pigilan, dahil alam ko pong alanganin ako sa anak ninyo noon na alam kong pulis lang siya na may mataas na ranggo at ordinaryong babae lang. Pero ngayon, aaminin ko po na nag-iba ito bigla. Nanliit po ako sa aking sarili. Sobrang layo po ng agwat namin. Nasa tuktok siya at samantalang ako ay nasa ibaba lang. Wala po akong maipagmamalaki pa sa ngayon. Pero maipapangako ko at makakaasa po kayo na pagsusumikapan ko ang anumang butil na ipapakain ko sa kanya. Wala po akong hangad sa kayamanan ninyo. Ang hangad ko lang po ay sana hayaan n’yo po akong patunayan ang kakayahan ko at tanggapin ako bilang kasintahan ng inyong anak. Patawad po at may nangyari na po sa amin. Kung gugustuhin n’yo pong papakasalan ko siya kahit ngayon din gagawin ko po at hindi ako tatakas sa responsibilidad," taas noo kong pag-amin sa pamilya niya. 'Yun ang totoong nararamdaman ko. Nakatitig lang sila sa akin, gano’n din ang Kuya niya. Pinag-aaralan ko ang mukha nila lalo na si sir Kyle. Alam kong may kaunting duda din siya. Lalaki rin ako, kahit ako man ay may duda rin kung sakaling may manligaw at may papakilala sa akin ang mga kapatid kong babae. "My god Keanna is it true? Akala ko—" "Mom, Dad, yes it’s true. Kusa kong binigay ang sarili ko kay Tristan, hindi niya ako pinilit, in fact ako ang may gusto. Masisisi niyo ba ako? Nasa tamang edad na rin ako and—" "Nasa tamang edad ka. Pero ang tanong anak, handa ka na bang magpakasal kay Tristan? Kung kami ang tatanungin mo ng Daddy mo hindi kami tututol kung nagmamahalan kayo," sabing muli ng mommy niya. "Do I have to answer that question, Mom?" iretabli niyang sagot sa ina. “Why not? Madali lang naman ang tanong ni Mommy,” nakahalukipkip na sabi ni sir Kyle. Hindi ko alam kung saan patungo itong usapan nila, at aaminin ko wala pa man ay nasasaktan na ako sa maaring isagot ni Keanna. Bakit ang simpleng tanong ng Mommy niya’y ‘di niya kayang sagutin. Tahimik lamang ako at ayokong sumabat sa usapan. Pero pakiramdam ko unti-unti akong natutunaw. Akala ko magiging problema ang pamilya niya, ngunit hindi ko pala akalain na siya pala ang hindi pa sigurado. "Hindi ko pa alam ang sagot. Kapag ba may nangyari na sa babae at lalaki ay kailangan kasal agad? Ikaw kuya, lahat ba ng nagalaw mo noon pinakasalan—" "Watch your mouth young lady," sigaw ng Daddy nila kaya’t natigilan ang dalawa. "I'm sorry Dad, Mom. I think hindi pa po kami nagkakaintindihan ni Tristan. I need to fix this. Sa ibang araw na lang po natin pag-usapan ito, sasabihan po namin kayo. Aalis na po ako, halika na Tristan," sabi nito at tumayo na at tuluyan kaming iniwan. Magsasalita sana ang Kuya niya nang pigilan ito ng mommy nila. "Hayaan mong ayusin nilang dalawa ni Tristan. Pasensya ka na hijo, ganyan talaga siya. Hindi basta-basta nababali ang desisyon, Palagay ko ikaw na ang makakaayos niyan at makakapagpabago ng isip niya," hinging paumanhin ng kanyang ina sa akin. "Sige na hijo, sundan mo na siya. You have no idea how stubborn she is." Tumayo naman ako at yumuko sa kanila upang maayos na makapag-paalam. "Alis na po ako ma'am, sir. Ako na pong bahala ‘wag po kayong mag-alala. Babaguhin ko po ang desisyon niya," sabi ko at tuluyang nagpaalam sa kanila. Sinundan ko si Keanna at nasa kotse na nga ito’t nakasimangot na naghihintay. "Akala ko wala ka ng balak umalis," pagtataray niyang sabi sa akin pagkapasok ko ng sasakyan. Nasa driver seat na siya at inis na pinatakbo ng mabilis ang sinasakyan namin. Hinayaan ko siya. Hindi ko malaman kung saan kami patungo. Ramdam ko ang galit niya. Bakit siya ganito? Saan ba ito nagsimula? Kung bakit siya nagagalit ng ganito, dahil ba sa sinabi ko, dahil ba pabor sa akin ang mga magulang niya? Hindi ko siya kinontra at tumahimik na lang, ayaw kong masipa palabas kaya hinayaan ko lang siya Matapos ang kalahating oras ay inihinto niya ang sasakyan tapat ng firing range. sa labas ng siyudad. Nagpalit ito ng sapatos saka bumaba at hindi na nagsalita. Sumunod ako sa kanya at pinatay ang kotse. Pagpasok niya’y sinalubong agad kami ng empleyado na hindi man lang niya pinagtuunan ng pansin. Dumiretso ito sa pinaka target at nag-ayos ng kakailanganin bago nagsimula. Hindi man lang niya binati ang mga bumati sa kanya. Nakatingin lamang ako at naupo upang hintayin siya na matapos. Wala pang ilang minuto nag-umpisa na nga ito magpaputok. Lahat ng pinakawalan niyang bala tagos at sentro sa gitna, namangha ako sa sobra niyang galing. Naubos niya ang isang magasin at kumuha muli ng isa pang rounds at pati iyon ay inubos din niya. Galit na galit siya. Siguro'y masukista ako, dahil alam ko kung bakit siya nagkakaganito. Nang matapos siya’y pabalibag niyang tinanggal ang sinuot nito kanina at nilingon ako ng may apoy sa mukha. Tila nagbabaga ang kanyang itsura. "Mag-usap tayo Agbayani!" mariin at tila may galit niyang utos sa akin, saka naglakad patungo sa mas tahimik na puwesto. Sumunod ako sa kanya ng tahimik. Hindi pa man niya nasasabi ang nais niyang sabihin ay mukhang nahuhulaan ko na. Tumigil ito sa ilalim ng puno at naupo sa bakanteng upuang naroon. Malalim na ang gabi kaya tahimik ang lugar. Napakaganda ng paligid na pagmasdan, mahangin at napaka-presko ng panahon, ngunit pakiramdam ko tila sinisilaban ako at sinasakal dahil sa sakit sa puso na wala pa man ay para na itong nagdurugo. Huminga ako ng malalim saka ibinuka ang aking bibig. "May problema ba tayo Tart?" kalmado ko pang tanong at naupo sa kanyang tabi. Tumingin siya sa akin kaya’t nagkasalubong ang aming mata. Blangko lamang ako at ayaw kong kakitaan ng emosyon. Samantalang siya'y kakikitaan mo ng inis ang maganda niyang mukha. "Ano bang pinagsasabi mo kanina? Alam mo bang pinahamak mo ako?" madiin at galit niyang tanong sa akin. Gusto ko mang magalit ngunit hindi ko ginawa at kinalma pa rin ang sarili. "May masama ba akong sinabi Tart? Sinabi ko lang ang katotohanan. Ang totoong nararamdaman ko, gusto lang kitang panindigan at patunayan—" "Hindi mo ba naiintindihan na hindi mo kailangan gawin ‘yun?! Sana tinanong mo ako bago mo sinabi ang mga ‘yun sa mga magulang ko!" sigaw niya sa akin. Tila nabaliktad yata ang pangyayari. Ako dapat ang magalit ng ganito sa kanya dahil sa paglilihim niya sa akin. Pero dahil mahal ko siya’y isinantabi ko at kinalimutan ang natitira kong pride sa katawan. Ang gusto ko lang naman ay patunayang kong mahal ko siya. "Dahil mahal kita! Mahal na mahal kita Keanna—" "Well sorry to say, I didn't love you yet Agbayani. Ang nangyari sa atin ay pawang tawag lang ng laman. Hindi ba gano’n ka rin dati? Nakikipag s*x ka kung kani-kanino? So ano’ng pagkakaiba?!" Doon na ako hindi nakatiis at tuluyang sumabog. "Pvtang ina naman, Keanna!" ‘di ko mapigilang bulalas at napatayo sa galit. Galit ako at gusto ko rin manakit. Ganito pala ito kasakit? Bakit kung kailan nagmahal ako'y pakiramdam ko'y pinaglalaruan niya lang ako? Karma ko na ba ito? "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Mahal kita Keanna, mahal na mahal kita kaya ko sinabi ‘yun! Gusto kong patunayan sa magulang mo kung gaano kita kamahal kahit ganito lang ako—” "Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo Tristan. Ang nangyari sa atin ay kagustuhan ko ‘yun. Mabuntis mo man ako ay hinding-hindi pa rin ako magpapakasal sa ‘yo, naintindihan mo? Kukunin ko ang anak ko at hindi ko kailangan ng lalaki at lalong hindi kita kailangan!" sigaw nito sa aking pagmumukha at walang sabi-sabi akong tinalikuran. Para akong pinagsasaksak sa puso ng ilang beses sa sobrang sakit. Gano’n na lang ba ‘yon? Walang ibig sabihin pala ng lahat ng ginawa niya? Gusto niya lang at swerte ko lang dahil natipuhan niya ako gano’n ba ‘yon? Matapos ang ilang minuto'y saka pa lamang ako bumalik sa wisyo at tuluyan siyang hinabol. Tumakbo ako palabas. Nasa akin ang susi ng kotse niya kaya panatag akong maabutan ko siya, ngunit huli na dahil nakita ko na lang ang likuran nitong nakasakay na motorsiklo at tuluyan niya akong iniwan. Dahil sa kagustuhan kong mahabol siya'y mabilis kong binuksan at pinaandar ang sasakyan. Guso ko siyang maabutan at makausap. Hindi pa kami tapos at isa pa nag-aalala ako sa kanya. Alam kong may nararamdaman siya lalo pa't wala pang isang araw ang lumipas na maangkin ko siya. Nakita ko siya sa di kalayuan. Pinagtitinginan siya ng mga nakasabay namin dahil sa suot niyang maiksi at lalo pa itong umiksi sa pagsakay niya ng motorsiklo. "Matigas talaga ang ulo mo," nakukunsumi kong sabi at nasabunutan ang aking sarili. Ilang segundo na lang ay magkukulay pula na ang stoplight, ngunit nakahabol pa rin ito kaya't nakatawid siya ng maayos. Inis kong hinampas ang manibela lalo't posible ko na siya maabutan. "Hindi ako basta-basta susuko. Patutunayan ko sa 'yong ako ang nararapat sa 'yo, Miss PO3 Keanna Zobelle."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD