Chapter 18: Where are you, Tart?

1328 Words
Tristan Ganito pala ang pakiramdam ng naghahabol. Mukha kasi akong tanga sa kakahintay sa kanya sa presinto, pero ginabi na ako't lahat hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Lalong lumakas ang tawanan ng mga kasama n'ya sa 'kin. Hindi na kasi ako sinipot ng PO3 nila. "Ano Pare? Natuklasan mo na ba na masyado kang alanganin sa syota mo?" parinig nilang sabi sa akin. Magkausap ang dalawa kaya't alam kong ako ang pinapatamaan nila. Nasa tabi ako ni Kuyang vendor sa labas ng presinto. Tatayo na sana ako pero pinigilan lang ako ni kuya at bumulong. "Wala kang laban, hayaan mo na. Pwede ka nila baliktarin," anito sa akin. Kinuyom ko ang aking kamao. Kunting-kunti na lang papatulan ko na sila. Umalis na rin silang malakas na nagtatawanan. "May oras din kayo sa akin." Nagpatuloy ako magtrabaho sa hotel. Gugustuhin ko man umalis na lang kaya nga lang ay baka mas lalo kaming hindi magkita at magka-ayos. Naging tahimik lang din ako at hinintay siya ng higit isang oras kada out ko na. Pero walang Keanna na dumating. Kaya't naglakas loob akong puntahan siya sa bahay nila. Bago ako makapasok ay tinawagan muna ng gwardiya ang bahay nila. Nakapasok naman ako at hinatid pa ng security mobile nila. Pagdaing sa bahay nila'y maayos akong hinarap ng mommy niya. "Tristan, hijo. Mabuti at dinalaw mo kami. Kumusta na kayo ng anak ko?" tanong ni Tita Cathy. Ayon sa tanong niya'y napagtanto kong mukhang hindi na nga nagpakita si Keanna sa kanila. "Good afternoon, Tita. Kaya po ako nandito para sana hanapin siya. Hindi na po kasi kami nagkita pagkatapos nang nangyari." "Upo ka hijo. Ano bang nangyari? Hindi ba maayos naman kayong umalis?" nagtataka niyang tanong. "'Yun na nga po. Nagkasagutan po kami at nilayasan po ako. Iyong kotse po niya iniwan ko po sa parking lot ng hotel. Heto po ang susi." Inabot ko ang susi sa mommy niya at napapailing lang niya itong inabot. "Pinuntahan mo na ba siya sa apartment niya?" tanong pa niya. "Opo Tita, pero gabi-gabi po ako naroon. Hindi pa ho siya umuuwi. Sa presinto naman po ay hindi ko rin po nakikita." "Tinatawagan ko siya, pero cannot be reach ang phone niya. Siguro meron lang s'yang bagong assignment. Pasasaan din at mawawala din ang topak n'on. Ganyan talaga ang anak ko." Naging tahimik ako at nag-aalangan kong isasatinig ang nasa isip ko. "Nagtataka ka ba kung bakit kami ganito ka luwag sa kanya? Magulang kami, pero hinahayaan namin siya lalo na ang daddy niya," ani pa nito. Alanganin man ako'y nais ko na rin tanungin. Baka sakali maunawaan ko siya. "Napansin ko nga po 'yun Tita. Hindi naman po sa nanghihimasok ako. Hindi ba dapat po, kayo ang nasusunod?" lakas loob kong tanong. Bumuntong hininga muna siya bago nagkwento. "Hiniling namin siya sa panginoon Tristan. Alam mo bang muntik na kaming magkahiwalay ng daddy niya noon? Akala ko hindi ako magbubuntis. Kaya nang lumabas siya'y napakasaya ko. Pinangako ko sa sarili ko na lahat ibibigay ko para sa anak at gano'n din ang daddy niya." Kunot noo ako sa sinabi niya at naguguluhan. "Hindi po ba si Sir Kyle ang panganay ninyo?" "Mahabang kwento, pero anak ko si Kyle. Hindi nga lang siya galing sa akin," ani pa nito. Naintindihan ko na ngayon. Kaya pala nang sinabi ko noon na bibihira lang ang kagaya ni Tatay Delfin ay nagkatinginan sila. Dahil isa rin pala siya. Hindi na ako nagtanong pa ng ibang detalye at masyado ng personal. "Huwag, po kayong mag-aalala. Wala po ako pagsasabihan," paninigurado kong sagot. "Anyways, wala akong pinagsisisihan Tristan. Mabait si Kyle. Anak ko siya at siya panganay ko. And you know what? Busy siya ngayon, malapit na rin siyang ikasal. fix marriage." "Uso po pala sa inyo ang fix marriage?" "Oo, sa katunayan 'yang si Keanna, meron na 'yan. Pero hiniling niya sa daddy niya na hayaan mo na siya maging pulis. Pagdating daw sa napagkasunduan ay susunod din siya. Kaya masaya ako na sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kasintahan," dadgdag pa nito na kinatuwa ko. "Alam mo ba na akala ko tibo ang anak ko? Imagine, bilyonaryo ang daddy niya, pero hindi siya nag-debu. Marami siyang manliligaw pero hindi siya nag-boyfriend. Lagi ka niyang nakukuwento sa akin. Alam ko, masaya ang anak ko. Ang gusto ko lang ay habaan mo pa ang pasensya mo hijo. Marahil matigas ang puso niya, pero alam ko nasa puso ka na niya. Hintayin mo lang. Maaari ba 'yon Tristan?" Hindi ako kaagad nakasagot sa pakiusap ng mommy niya. Ano nga ba ang nararamdaman ko nang sabihin niya sa akin na hindi niya ako mahal? Na wala siyang nararamdaman sa akin. Pero dahil sa sinabi ng mommy niya'y nabuhayan ako. "Tita ang sabi po ... kalimutan na po natin 'yon. Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin, kahit ganito lamang ako." "Huwag mong sabihin na ganyan ka lang. Galing din ako sa mahirap na pamilya, kaya ayaw sa akin ng byenan ko noon. Hindi simple ang pinagdaanan ko bago ko marating ang kinalalagyan ko ngayon. Kain na, parating na rin ang Daddy at Kuya niya." "Ayos lang po Tita, aalis na po ako. Salamat sa meryenda. Magbabakasakali po akong muli maghintay sa townhouse niya." Tuluyan akong nagpaalam. Medyo maaga pa naman kaya nagbakasali akong punatahn siya sa apartment niya. Ngunit lagi akong bigo. Marahil pinagtataguan na niya ako. Lumipas pa ang linggo. Hinayaan ko siya makapag-isip at hindi na inabala pang muli. Ngunit hindi ko na natiis at pinuntahan ko siyang muli sa townhouse niya. Naghintay ako ng ilang oras sa labas, ngunit hindi pa rin ito dumating. Kaya naisipan kong umuwi na lamang. Hatinggabi na nang makarating ako sa bahay. Wala pa akong katulog-tulog dahil pang gabi ang schedule ko. May sarili naman akong susi. Dumiretso ako ng banyo upang maglinis ng katawan. Antok na antok na ako nang umakyat, ngunit tuluyang nawala ang antok ko nang madatnan ko ang isang natutulog na Keanna na nakahiga sa kama. Dali-dali akong nagbihis ng damit pantulog at lumapit sa kanya. Nahiga ako ng dahan-dahan at nakatagilid siyang tiningnan, "Nandito ka lang pala," mahina kong sabi at pinipigilan ang sarili na siya'y hawakan. Hindi ko mapigilan ang sariling maiyak. Ganito pala ang pakiramdam kapag sobra mong na-miss ang isang tao. Kinusot ko ang aking mga mata nang bigla akong natigilan sa kamay niyang humawak sa akin. "Sweet, bakit ka umiiyak?" tanong niya at niyapos akong bigla. Umayos ako ng higa at sinagot siya ng isa pang tanong. "Bakit ka narito? Hindi ba galit ka--" "Sorry na, bati na tayo," sabi niya at walang babalang kinubabawan ako, kaya napatingin ako sa kanya at nagkunwaring hindi ko gusto ang ginagawa niya. "Tart, madaling araw na. Inaantok na ako," sabi ko at tinakpan ang aking mukha ng unan. Ang totoo'y nag-react agad ang katawan ko, kaya kagat labi akong nagpipigil. "Sweet, na miss na kita," sabi niya pa at giniling lalo ang sarili sa naninigas ko ng kahabaan. Tinanggal ko ang unan sa aking mukha at gusto ko sana siyang pigilan...ngunit. "T-tart! B-bakit ka nakahubad?" nabubulol kong tanong at iniwas ang aking mata sa hubad niyang pang itaas. At dahil siya ang mainitin kong girlfriend kaya suntok sa tiyan ang natamo ko. "Isa! kapag hindi mo ako tiningnan, I swear lalayasan kita at hindi na magpapakita sa 'yo," mahina pero maotoridad niyang sabi sa akin. Kaya ano pa nga ang magagawa ko kundi ang sumuko. Naupo ako at sinunggaban agad siya ng halik sa labi. "Takot ko lang sa 'yo Tart," ani ko habang marubrob siyang hinahalikan. "Palamigin mo ang ulo ko, pagod ako sa trabaho," sabi niya lang na nagpangiti sa akin. "Yes, ma'am." sagot ko bago siya inihiga at kinubabawan. "Katawan ko lang yata ang habol mo," pagbibiro ko pa at hindi na hinayaan na siya'y makasagot. Ngayon alam kuna na hindi lang babae ang marupok. Isa na ako sa magpapatunay. Ayos lang naman, mahal na mahal ko naman siya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD