Chapter 12

1834 Words
Tristan Nagpatuloy ang trabaho ko sa hotel. Wala naman nagiging problema dahil umiiwas na mismo sa akin ang mga babae. Kung dati siguro'y baka pagsabayin ko pa silang lahat. Ngunit kapag umibig ka na pala ay balewala na lang pala sa 'yo ang ibang mga babae. Kaya pala noon si Tatay Delfin, na kahit may mga dalaga at magaganda pa kay Inay ang nais na maging asawa siya'y si Inay pa rin ang pinili niya, kasi ang puso hindi basta-basta pala natuturuan. Kapag nakatagpo ka na ng babaeng mamahalin mo ay hindi na pala titibok muli ang puso mo sa iba. Well hindi pa naman tumibok ang puso ko noon sa ibang babae, kundi ang ulo ko lang sa ibaba. Hindi ko pala ginagamit ang puso ko noon kundi puro libog. Pero ngayon, iba ang nagagawa ng pag-ibig. Kung minsan nga'y tumatawa ako mag-isa, lalo na kapag naalala ko ang unang gabing sinamba ko ang katawan niya. Sa tuwing maalala ko iyon ay naninigas at nagagalit ang aking kaibigan. Nami-miss na niya kasi si Tart. Hindi na kasi naulit pa ang gabing iyon, dahil naging abala na siya sa trabaho. Minsan nagkikita pa rin kami at sinusundo niya ako, pero kadalasan ay saglit lamang dahil nagmamadali pala siya. May bago daw siyang kasong kinakaharap ngayon. Alam ko naman kung gaano kahirap ang maging alagad ng batas. Kaya naiintindihan ko. Lumipas pa ang isang linggo ay gano'n pa rin, abala pa rin siya. Unang monthsary namin ngayon ika nga ng kaibigan kong si Caloy. Ang sabi ng mga tropa ko'y surpresahin ko raw ang girlfriend ko. Baka raw mauntog at hiwalayan ako. Hindi kasi sila makapaniwala na magkakaroon ako ng girlfriend na kagaya niya, bukod sa maganda na ay napakabait pa. Kaya naman, nakaisip ako ng paraan kung paano ko siyang makasamang muli. Nagpaalam ako sa manager ng Hotel na kung pwede mag-undertime ako ngayong araw na ito. Nagtanong siya kung bakit at ano ang dahilan ko para payagan nila ako. Kaya naman sinabi ko sa kanila ang totoo. Nabigla sila sa sinabi ko, pero wala akong narinig at dali-dali pinirmahan at binigay sa akin ang isa pang araw na leave sa trabaho. Nais kasi nilang makasama ko ng mas matagal ang kaibigan ng kanilang boss. Utos daw iyon ang kaibigan niya. Masaya naman ako at kahit mayaman ang kaibigan niya ay hindi ako hinusgahan. Sayang nga lang at hindi ko siya nakakausap ng personal. Bumalik na rin daw kasi ito sa ibang bansa. At tanging ang kapatid lang niyang lalaki ang namamahala sa hotel na ito. Hindi ko pa nakikita ang itsura ng anak ng may ari. May pagka-strikto raw ito. Umiiwas akong mag-krus ang aming landas. Mabuti na lang at bellboy lang ako kaya bihira lang kami magkita. Tamang-tama, kakasahod ko na rin kaya naglaan ako ng pera para sa aming dalawa ni Tart. Siya na lang kasi palagi ang gumagastos. Narito ako ngayon sa mall upang maghanap ng mabibili sa kanya. Maaga pa naman at mamaya ko pa siya pupuntahan sa presinto para sa aking surpresa. Naghanap ako maaaring maibigay sa kanya. Naisipan ko na pumunta sa mga alahas. Ngunit hindi pala kaya ng budget ko, dahil sakto lang ito sa panggastos namin sa pang araw-araw. Kaya naman nagpasya akong pumunta sa bilihan ng mga pilak. Maganda naman ito at dekalidad. Napili ko ang eternity necklace. Magandang klase kaya alam kong hindi kaagad mangangati ang kanyang balat. Sa susunod ay pag-iipunan ko siya bilhan ng ginto at kung suswertehin ay singsing naman at papakasalan na siya. "Thank you, Sir. Napakaswerte po ng girlfriend ninyo," ang sabi sa akin ng saleslady. "Mali ka miss, mas maswerte ako dahil siya ang girlfriend ko." Halata ang kilig sa kanilang mga mata sa sinabi ko. "Ang swerte naman niya, kasi gwapo ka na nga, simpatiko pa at romantiko," ang sabi naman ng isa. Palibhasa ay wala ang manager nila kaya nilalandi nila ako ng ganito. Kung noon siguro'y makakatikim sila sa akin. Pero ngayon sa iisang babae na lang ako luluhod. "Sorry, Miss, taken na kasi ako, salamat dito." Ang huling sabi ko sa kanila. Saka lumabas ng napapailing. Akala siguro nila ay isa akong bilyonaryo. Nagbihis kasi ako ng maayos kaya napagkamalan akong mayaman. At bakit ako bibili ng silver necklace lang kung ako'y bilyonaryo? Malamang baka dyamante na ang aking binili para sa nag-iisang sweetheart ko. Matapos ako sa aking nabili para kay Tart, ay naisipan ko naman pumunta sa bilihan ng mga pabango. Mukhang hindi na kasi epektibo sa akin ang axe deo cologne. "Miss, ano ba'ng babagay sa isang kagaya ko, 'yung gusto ko'y malayo pa lang ay naamoy na niya ako," ang tanong ko sa sa tindera ng pabango. "Naku! Tamang-tama po, meron kami rito at siguradong sa kanto ka pa lang ay amoy ka na niya," matinding salestalk nito sa akin. "Aba'y maganda nga 'yan, maaari ko bang maamoy." Kinuha naman nito ang tester at pinaamoy sa akin at winisikan pa ako nito. "Maganda nga, mabango ah, magkano ba ang ganito?" tanong ko sa presyo. "Six thousand five hundred lang po Sir." Nalaglag ang aking panga at muntik na akong masubsob, dahil sa presyong narinig. Pero hindi pa rin ako nagpahalata at nagdahilan ng iba. "Gano'n ba, ayos lang naman ang presyo pero kulang na kasi 'yung pera ko, sayang sa ibang pagkakataon na lang siguro," ang sabi ko at aalis na sana ngunit. "Saglit lang po," tawag nito sa akin. Lumingon pa ako at tinuro ang aking sarili. "Hindi ko talaga kaya pa ang presyo, naibili ko na kasi ang girlfriend ko ng regalo." "Sir, may discount po kami ngayong araw na ito at mabibili n'yo lang po ito sa halagang twenty percent. 'Yun lang po ang babayaran ninyo," nakangiti nitong sabi. Nag-isip naman ako kung magkano ang twenty percent, ngunit 'di ko pa rin ito kayang bilhin kaya't umiling ako at sinabing... "Ayos lang talaga, salamat," pagtanggi ko. Ang natitirang pera ko'y panggastos ko sa araw-araw. Ngunit natigilan ako ng mag nagsalitang muli ang saleslady upang batiin ang tao sa aking likuran. "Good afternoon po, Mister Zobelle," magalang niyang sabi. Kaya't unti-unti akong lumingon at nagsalubong ang aming mga mata. Napagmasdan ko ang kanyang itsura, kilala ko siya kaya alam kong siya ang anak ng may-ari ng hotel at nitong mall. Tumayo ako ng tuwid kaya't napatunayan ko na magkasing tangkad lang kami. Maganda lang ang kanyang kasuotan at ang kutis niya ay halatang pangmayaman. Palagay ko mas matanda siya sa 'kin ng ilang taon. Bilugan ang kanyang mga mata na may pagkakulay abo. Matangos rin ang kanyang ilong at may kaunting balbas. Ang mga balikat nito'y malapad ding kagaya ko. "Good afternoon po, Sir. Ako po pala si Tristan Agbayani, girlfriend ko po ang kaibigan ng kapatid n'yo," pakilala ko sa aking sarili. "You what?" mangha nitong tanong. "Si PO3 Keanna, kilala n'yo siya hindi ba?" "Ah, oo ikaw pala ang kinalolokohan ng kapatid ko," sagot niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Hindi naman ang kapatid niya ang girlfriend ko, kundi ang kaibigan ng kapatid niya. "Naku! Hindi po, nagkakamali kayo." Natigilan ako nang akbayan ako nito. "Ayos lang, naiintindihan ko. Sige lang kumuha ka na ng gusto mo, libre ko na 'yon sa 'yo," ang sabi pa niya habang tinatapik ako. Tila naman ako na insulto sa sinabi niya. "Nagkakamali kayo Sir. Mahirap lang ako oo. Pero hindi naman po ako pulubi. Sige, salamat po sa tulong," magalang kong sabi at yumuko. Saka tuluyang nagpaalam. Naiinis man ako sa sinabi ng may-ari ng hotel ay ayos lang naman. Mabuti na lang at kapatid lang siya n'ong kaibigan ni Tart, kung nagkataon na kapatid niya ang lalaking iyon ay sobrang manliliit siguro ako sa aking sarili. Sumakay ako ng taxi papunta sa presinto. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang aking Tart habang may kausap na lalaki. Nakikita kong mukha silang malapit sa isa't isa. Ngunit wala naman siyang nabanggit sa akin na may kapatid siya o hindi ako nagtanong? Kaya naman lumapit ako sa kanyang likuran at nagparamdam. Kung hindi lang siya naka-uniporme ay baka niyakap ko na siya at hinalikan. "Happy monthsarry, Tart," ang sabi ko at inabot sa kanya ang nabili kong bulaklak. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata nang lingunin ako nito. "Agbayani," natutuwa nitong sabi at niyakap naman ako saglit, bago niya tinanggap ang bulaklak na hawak ko. "Salamat, and by the way Adam siya nga pala si Tristan, boyfriend ko and Tristan siya si Adam Mendez," ang pakilala niya sa lalaking, oo aaminin ko gwapo pero mas gwapo pa rin ako. "May boyfriend ka na Ken? Wow, I thought that..." "Na tibo ako?" putol niya sa sinabi nito. "Well yeah, 'yon kasi ang sabi ng kuya mo." Hindi ko man maintindihan kung ano 'yong pinag-uusapan nila, pero na-curious ako sa sinabi nitong kuya. "Please to meet you Pare," pakilala nung Adam sa akin. "Ako rin, magkaibigan lang kayo hindi ba?" diretso kong tanong. Mabuti na ang maliwanag. "Ha ha ha, of course she's like a sister to me kaya huwag kang mag-alala. May mahal na ako," natatawa niyang sabi bago nilingon si Tart. "I have to go, Ken; see you when I'll see you, bye lovers," paalam lang nito at tinalikuran na kami. Nais ko sanang tanungin 'yung kuya na sinasabi niya, pero si Tart na lang ang tatanungin ko. "Tart, saglit lang ha, kukunin ko lang 'yong bag ko," anito at umakyat na. Naiwan ako sa ibaba at naupo sa silya. Habang nakaupo ako'y dumaan ang grupo ng mga goons, ang ibig kong sabihin ay ang grupo ng mga kasama niyang pulis at nagparinig sa akin. "Pare, wala ka ba talagang alam na ang girlfriend mo ay anak mayaman? O nagpapanggap ka lang, para hindi ka magmukhang...mukhang pera!" ang sabi niya sa kanyang kausap. Pero sa akin nakatingin. Ayaw ko lang ng gulo at baka masira ang unang monthsarry namin, kaya hindi na ako nagsalita at sumabat sa usapan nila. "Syempre. Pare, kailangan kong magkunwari. Aba! Nakahuli na ako ng matabang isda, pakakawalan ko pa ba? Nakita mo nga nagmukhang tao na ako," ang sagot ng kanyang kausap bago sila nagtawanan lahat habang nakatingin sa akin, at tuluyang umalis. Hindi ko alam kung ako ba ang pinapatamaan nila? Pero hindi na mahalaga 'yon, dahil ang mas importante ay ang araw na ito sa amin. Matapos pa ang bente minutos ay tuluyan na kong natulala habang nakatingin sa hagdanan. Mabilis akong napatayo at awang ang aking labi. Pababa kasi ang pinakamagandang anghel na nasilayan ko sa balat ng lupa. "Tara na," ang sabi nito. Tulala pa rin ako sapagkat nakasuot siya ng magandang bistida, kung saan halata ang kurba ng kanyang katawan. Nakalugay ang mahaba niyang itim na buhok at nakasuot siya ng mataas na takong. Ang ganda niya, kaya naman ilang minuto na akong tulala bago nito tapikin. "Ano na? Gusto mo 'wag na natin ituloy?" At tuluyan akong nahimasmasan sa aking narinig at napagtantong siya nga rin talaga ito. Ang aking... Boyish Princess. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD