Tristan
Tila ako nabuhusan ng malamig na tubig sa bawat tingin na ipinukol niya sa akin. Kaya't halos madapa na ako't patakbong lumapit sa kanya. Nakapamewang ito at nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan. Kinilabutan ako sa kakaibang tingin niya sa akin. Kahit kailan talaga may pagkamainitin ang ulo niya.
"Sorry na Tart, sobrang ganda mo lang kasi kaya ako natulala," pagdadahilan ko dahil iyun naman ang totoo.
"Sigurado ka ba na ako ang iniisip mo? Baka naman iba?" sagot nito nang tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan. Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Saglit lang, nagseselos ka ba?" tila masaya ko pang tanong. Sumaya pa kasi ang puso ko sa kaalamang nagseselos siya.
Ngunit siya pa rin pala si PO3 Keanna. Ang matigas na pulis na akala mo'y pusong bato. Pero babae pa rin pala at napatunayan ko na 'yon nang isigaw niya ang pangalan ko habang naliligayahan sa aking ginagawa.
"Paano kung sabihin ko sa 'yong oo. Gusto ko, ako lang ang iisipin mo at wala ng iba," walang paligoy-ligoy niyang sagot. Labis na sumaya ang puso ko sa kaalamang pagseselos talaga siya, kahit wala naman akong kasamang babae.
Kaya't hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito. "Ang sweetheart ko, nagseselos kahit wala naman. Huwag kang mag-aalala, ikaw lang wala ng iba," sabi ko pa at hinalikan ang kanyang kamay.
"Dapat lang subukan mo lang talaga at may paglalagyan ka sa 'kin," pagbabanta nito sa akin at pabalang na inilalayo nito ang sarili, saka nakasimangot na humalukipkip. Napapailing na lang ako bago umpisahang paandarin ang sasakyan.
Naisipan ko siyang dalhin sa may bay walk. May magandang restaurant naman d'on kaya doon na lamang kami kakain pagkatapos ay panonoorin namin ang paglubog ng araw. Iyun sana ang plano ko pero iba ang nangyari na ikinabigla ko talaga.
"I Miss your tongue Tristan, kailangan kita ngayon," ang sabi niya habang hinuhubaran ako at hinahalikan. Nagalit kasi siya at nairita kung bakit sa restaurant lang daw namin ise-celebrate ang first monthasarry namin. Kaya't hinila niya ako sa malapit na five star hotel at doon siya'y kumuha ng pinakamahal na kwarto. At pagpasok pa lang namin ay sinunggaban niya kaagad ako ng mapusok na halik.
"Saglit lang Tart," paggpigil ko sa kanya at bahagya siyang inilayo sa akin. Hindi makapaniwala naman niya akong tiningnan ng naniningkit ang mata.
"What now? Are you going to f**k me or what?" nairita niyang tanong at inis na umupo.
"Sandali nagagalit ba siya?" tanong ko sa aking sarili. Kung alam lang niya na sabik na sabik ako. Pero hindi ba dapat ako ang unang gumawa ng move? Hindi naman sa ayaw ko, pero nagulat lang talaga ako at may pagka-agresibo pala siya.
"Naku Tart, kung alam mo lang," ani pa ng isip ko. Natatawa ako dahil sa mukha nitong tila iritang-irita sa akin. Sabagay nga, naman siya kasi ang babae at siya pa ang agresibo sa aming dalawa.
Nakahalukipkip ito at nakasimangot. Pero ang ganda-ganda niya pa rin. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nito, pagkatapos ay walang babalang siyang binuhat upang paupuin sa aking kandungan.
"Bitawan mo nga ako, kung ayaw mo huwag," magpupumiglas nito. Natatawa ako at kahit papaano babae pa rin talaga siya sa kabila ng kaya niyang gawin, pebebe girls ika nga ni Terrence na nagpapakipot din.
"Huwag ka na magtampo, syempre gustong-gusto ko. Sino ba'ng may ayaw kaya lang...
Huminto ako at pinaharap muna siya sa akin. Dinikit ko ang aking noo sa kanya at itinuloy ang sasabihin.
"Kaya lang, ayokong isipin na 'yon lang ang gusto ko sa 'yo Keanna. Gusto ko ang unang gabi natin ay espesyal at hayaan mo ako ang mauna. Masyado ka naman napaghahalataan," ang biro ko pa sa kanya, kaya nga lang ay nakatikim ako ng kamao. Walang babala kasi ako nitong sinuntok sa tiyan kayat napangiwi ako sa sakit. "Ouch!"
"Playboy fvckboy na pakipot. Nagpapahabol ka pa, kapag ako nagsawa..." hindi ko na hinayaang matapos ang kanyang sasabihin dahil siniil ko na siya agad ng halik sa labi.
Para akong uhaw na sabik na sabik sa makainom. Ramdam ko rin 'yong pagkasabik din niya sa akin sapagkat dali-daling inilagay ang dalawang kamay sa batok ko upang palalimin ang halik.
Maikli lamang ang kanyang suot kaya lumantad sa akin ang mga mapuputi at makinings niyang hita habang nakakandong ito sa akin. Pinadausdos ko ang kanan kong kamay papunta sa pagitan ng kanyang mga hita. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Totoo ngang sabik na sabik ito sa aming gagawin. Halatang miss na miss na rin niya ako. Samantalang labi ko pa lang naman ang natikman niya at wala pa ang aking kahandaan.
Patuloy kami nagpapalitan ng halik habang ang isa kong kamay ay napunta sa kanyang likuran upang ibaba ang zipper ng kanyang suot. Hinayaan niya lang ako hanggang sa tuluyang mahubad ito sa kanyang katawan. Tumayo siya saglit at tuluyang hinubad ang dress na suot niya.
"Tristan, alam mo ba na hinahanap-hanap ko ang ginawa mo sa 'kin. Mangkukulam ka ba at palagi ko 'yung napapanaginipan? Kaya ngayon kailangan mong bumawi. Mainit ang ulo ko at ayaw kong mas uminit pa ito lalo ng dahil sa 'yo," mahabang turan nito sa akin.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko, takot ko lang sa 'yo. Basta wala ng atrasan ito, Tart ha?" paninigurado kong tanong. Mabuti na ang malinaw, baka makatikim ako ng sapak kapag binaon ko na si manoy sa kanya.
Maya maya ay tinanggal ko na rin ang suot niyang bra, marunong akong magtanggal nito. Sa dami ba naman ng natanggalan ko'y hindi ko na mabilang ng kamay. Ngunit pati iyon ay hindi nakaligtas sa kanya.
"Halatang babaero mo talaga Agbayani. Ang galing mong magtanggal ng... ahhh ... hmm," inis nitong sabi na may kasamang halinghing. Inumpisahan ko na kasi itong papakin na parang isang papaya dahil buong-buo ko itong nilantakan. Niliyad niya ang kanyang sarili upang mas malaya ko itong magagawa. Nakaupo kami at nasa kandungan ko siya, kaya ang katigasan ko ay tumatama sa manipis nitong saplot na alam kong basa na rin.
Salitan ko itong ginawa at pinapak. Kinagat-kagat ko ang mga ut*ng nito na para bang isang pasas na kulay rosas.
Kailangan kong magpigil dahil ibang klase akong makipagtalik, kaya hangga't maaari ay gusto kong dahan-dahanin. ngunit mukhang mas wild siya sa akin. Sa kabila ng wala pa itong karanasan ay ganito na siya, lalo pa kaya kung nakatikim na ito ng aking bagsik. Introduction pa lang naman ang ating ginawa sa kanya pero hinahanap-hanap na niya ito. Paano pa kaya kung one hundred percent performance? Baka siya na mismo ang mag-aya sa akin na pakasalan siya.
Maya maya'y binuhat ko siya at inihiga ng marahan sa malawak na kama. Tumayo ako at dahan-dahan na tinanggal ang aking kasuotan habang nakatitig sa hubad nitong katawan na tanging manipis na saplot lamang ang natitira sa pagitan ng kanyang mga hita.
Kagat labi naman niya akong pinagmasdan lalo na nang mahubad ko ang aking pinakahuling saplot sa katawan. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa nakasaludo kong sandata na anumaang oras ay sasabak sa laban.
"Ano natatakot ka na ba?" nakangisi kong tanong.
"Fear is not in my vocabulary, Agbayani," nakakakilabot niyang sagot. At dahil hindi ako kumilos agad kaya't...
"Hurry up, you're talking too much," naiinip muli nitong sigaw.
Haist, Kakaiba man siyang babae ay alam ko naman na siya na marahil ang aking katapat.
"Yes, sweetheart, cumming..."