Lumipas ang ilang araw ay naging abala na sila Vaughn sa pag-aayos ng kanilang kasal. At dahil ayaw ni Violet ang kahit na ano’ng showbiz o media ay itinago nila sa lahat na ikakasal ang prinsipe ng Italy. Gusto kasi ni Violet ang tahimik at simpleng kasal lamang kaya naman kahit gustuhin ng ina ni Vaughn na sabihin sa buong mundo ang kanilang kasal ay pinili nitong respetuhin ang desisyon ni Violet. Ang kuya naman ni Vaughn ay umalis noong makalawa sa palasyo ng Brixton upang asikasuhin ang pinapagawa nitong bahay sa America. Pinilit ni Flora ang anak na roon na lamang sila manatili pero kilalang-kilala na ni Vaughn ang kuya kaya walang nagawa ang ina nila. Alam kasi niya na ayaw na ayaw ng kanilang kuya ang politics sa kanilang pamilya kaya nga umalis ito noon. Hinayaan na lamang nila

