Makalipas ang ilang linggong paghahanda nila sa kanilang kasal ay dumating na ang araw na pinakahihintay ni Violet. Habang inaayusan siya ng kanilang make up artist ay nakita niyang sumilip sa pinto ang kanyang matalik na kaibigan na kinuha niyang maid-of-honor niya. Nang makita siya nito ay agad na lumapit ito sa kanya at kumuha ito ng litrato. “Ang ganda mo girl! Sobrang blooming ka naman? Ganito ba lahat ng mga ikakasal dapat blooming?” tanong ni Dyanne sa kanya. “Maybe. Every bride has the right to be beautiful during their special day,” sabi ni Violet at nakita niyang may dumaang lungkot sa mga mata ng kanyang kaibigan. Tatanungin niya na sana ito pero agad na ngumiti ito na parang walang nangyari. Saka na lang siguro niya tatanungin kung ano’ng problema nito. Habang abala si Dyan

