Nang makaalis sila Violet kasama ang lalaking hindi niya pa nakikita sa buong buhay niya ay bigla siyang linapitan ni Carla at agad na ikinawit nito ang kamay sa braso niya. Masama siyang napatingin sa babae at agad na inalis nito ang pagkakakawit. Masamang napatingin si Vaughn kay Charlie at agad niya itong linapitan. “Do you think I don’t know what you’re doing?” Napangisi naman si Charlie sa kanya. “What’s done is done, Vaughn. Kailangan mong pakasalan ang prinsesa ko dahil iyon ang napagkasunduan ng pamilya natin.” Umangat ang gilid ng labi ni Vaughn sabay matalim na tinitigan si Charlie. “Fine. Sana lang magtagumpay ka sa binabalak mo, Charlie dahil kung hindi ay magsisisi ka na ako ang binangga mo.” Pagkatapos ay tumalikod ito at agad naman na sumunod sa kanya si Max. Habang nagla

