“W-What? P-Pero, bakit? Dahil ba sa pagiging absent ko ng ilang araw?” Umiling si Dyanne. “No. A guy named Vaughn came here yesterday, and he threatened to close down my restaurant if I will not fire you. I’m sorry, Violet. Gusto kitang ipagtanggol pero tinakot niya ako at sinabing mapapahamak ang aking ama oras na hindi kita inalis.” Napaupo si Violet sa upuan at napahilot na lamang siya sa kanyang sintido. “He’s looking for you as well, but I said that I don’t know where you are. Violet, that guy was so angry when he came here. Ano bang nangyari sa inyong dalawa at gano’n na lang ang galit niya sa iyo?” Napakuyom si Violet ng mahigpit dahil sa kanyang nalaman. Hindi niya akalain na gano’n na lamang ang ugali ng lalaki. Kung gano’n ay lahat ng mga sinabi nila noon tungkol sa kanya ay to

