INIWAN n'ya na parang bilot si Chrissy sa amin. Matapos magkasundo ni Corina at Russel sa DNA test na gagawin pagbalik ng babae ay umalis na ito. Ibinaba ng driver ang isang travelling bag at isang maleta. By the looks of it, ang maleta ay para sa bata at ang travelling bag ay sa yaya nito. Nang maiwan kami ni Russel ay niyakap n'ya ako at hinalikan sa noo. "We will get through this -- just please, don't leave me again. I have nothing but pity for the child. Mukhang s'ya ang sumasalo ng lahat ng frustrations ng kanyang ina," sabi nito sa akin habang hinahaplod ang mabilog kong t'yan. Tumango ako sa kanya. "Hindi kita iiwan. Naniniwala rin ako na hindi mo anak si Chrissy. Katulad mo ay naaawa ako sa kanya dahil mukhang hindi naaalagaan ng maayos ni Corina. Puro asa sa yaya siguro ang kany

