Dalawang buwan na lang at kaarawan na ni Ross. Napili naming mag-celebrate sa farm at tanging piling kaibigan at pamilya lamang ang imbitado. Hindi pa n'ya naranasan ang magbirthday na katulad sa mga bata sa Pilipinas. May palayok na puno ng pera, pabitin at kung ano ano pa. This should be fun. Kasalukuyan kaming nanonood ng tv nang tanungin ko s'ya. "Anak, what do you want to do on your birthday?" Saglit itong nag-isip. "Nothing really. I just want to spend time with you and Daddy. Oh, and ice cream. I want lots of ice cream." Ganito nga siguro kapag ang anak ay hindi mo pinalaki sa luho. The simple things make them happy. Katulad na lang ni Ross, time lang na kasama kami at ice cream. Samantalang ang ibang bata ay bagong laruan at kung ano ano pa. "Okay. Let me show you something

