Chapter 7

1589 Words
“PWEDE ba tayong mag-usap?” Tanong ni Karlos matapos pigilan ang sanang pagpasok ni Thelma sa kotse nito. Gabing-gabi na at talagang inantay ng binata na matapos si Thelma maging ito ay gabi nang nakalabas dahil sa dalawang operasyon sa mga pasyente niya kanina ngunit napagtyagaan nitong antayin ang dalaga. Pumihit si Thelma papaharap sa kanya at bumuntung-hininga. Pagod ang dalaga at wala siyang panahon upang makipag-argumento at ipamukha sa lalaki na wala na itong mapapala sa kanya. “Ano?! Sabihin mo na para makauwi na ako at makapagpahinga!” Angil ng dalaga dito. Nagulat si Karlos sa biglang pagsigaw nito na dati-dati ay hindi naman nito nagagawa. Ganito nga talaga siguro ang nangyayari pagsinaktan mo ang isang tao bigla nalang itong nagbabago. Wala naman siyang pagpipilian dahil gusto niya talagang makausap ang dalaga kahit hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. “I –I just want to … ahmm.” Hindi alam ni Karlos kung anong sasabihin. Naasar naman siyang tinignan ng dalaga. Thelma was frustrated with this man. Ito na nga ang umalis sa buhay niya noon tapos babalik na naman ito ngayon para lang sa ano? Sa libog nito? Napahila ang dalaga sa buhok nito at sinamaan ng tingin si Karlos. “Tumigil ka na nga, ikaw ang umalis sa buhay ko kaya pwede ba kahit anupaman ang sasabihin mo hindi na ako makikinig. Tapos na tayo, tapos na ang lahat sa atin matapos mo akong iwanan. Stop following me around, kung noon ako ang humahabol sa’yo dahil sa katangahan ko ngayon pwede ba patahimikin muna ang mundo ko?” For once, she wanted to say those words. Ang mga sinabi niyang iyon ang magpapatunay na nais niyang mamuhay nang wala ng sakit at ipagpatuloy ang buhay ngayong tanggap na niyang hindi siya mamahalin ng lalaking pinakamamahal niya. Muling pumasok si Thelma sa kotse niya ngunit hinila siya ni Karlos dahilan para makalabas siya ng sasakyan. Sisigawan na niya sana ang binata nang sinakop ng bibig nito ang labi niya. Nanlaki ang mata ni Thelma palaging nagiging ganito ang pangyayari sa tuwing makakaharap niya ang binata. Pilit niyang itinulak ito ngunit hindi nagpapigil ang binata. “Open your mouth, sexy…” Tila nahihirapang turan nito sa pagitan ng kanilang paghalik. Ngunit hindi hinayaan ni Thelma ang lalaki at nagmatigas ito. Karlos grinned. Ang kamay nito na nasa bewang ng dalaga ay naglakbay papuntang dibdib nito. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang pisilin ito ng binata gayon na lamang ang pag ungol nito at biglang pagbukas ng bibig na sinamantala ng binata at agad na ipinasok ang dila. Ginalugad nito ang loob ng bibig ni Thelma at sinipsip nito ang dila ng dalaga. 'B*llshit! D*rn this irresistible man!' Sigaw sa utak ni Thelma. At tinulak si Karlos ngunit mas lalong hinigpitan ng binata ang pagkakahawak sa dalaga. Nauupos siya sa ginagawa ng binata sa kanya! Thelma knows what Karlos wants. He wants her to kiss him back. Ngunit hindi, hindi siya magpapadala dito. The twins are waiting for her. Nawawalan na siya nang oras sa kambal at dinagdagan pa ng ama nila na tila buntot sa kakasunod sa kanya. Piniga pa ng binata ang dibdib niya dahilan upang mapalakas ang ungol ni Thelma. Nang marinig ang boses ay tila natauhan ang dalaga at mabilis na tinulak si Karlos. Muntik na, muntik na naman siyang mahulog sa bitag ng binata at muntik niya namang ipaubaya ang sarili nito dito. “Talaga bang hindi mo ako titigilan?” Seryosong sabi na ni Thelma habang pinapahidan ang labi nito. Karlos shrugged, he won’t stop until he had his sexy again in his life and this time he wanted her all by himself. “I won’t. I won’t stop. You are mine, you will always be mine. You kiss back sexy, ngayon napatunayan kong may nararamdaman ka pa rin sa akin. Hinding-hindi ako titigil.” He smirked at his woman. Kinindatan niya ito samantalang si Thelma ay naiinis na pinadyak ang paa dahil pikon na pikon na ito sa binata baka sa asar pa nito ay mahampas niya sa binata ang bag nitong dala. “B*llshit Karlos! Huwag mo akong paglaruan dahil hindi muna ako laruan! Stop making this hard for me.” Sigaw ng dalaga. Mukhang bulkang sumabog ang dalaga dahil namumula pa ang mukha nito. She looks cute for Karlos. Nag-e-enjoy ang binata na makita ang naasar nitong mukha pero hindi ibig sabihin noon ay paglalaruan na niya ang dalaga. He’s serious. He wanted Thelma all by himself. Babarilin niya sa ulo ang kung sinumang mangangahas na bakuran ito dahil siya lang ang may karapatan doon. Masamang-masama na ang timpla ni Thelma ngayong gabi at mas lalo lang pinapasama ni Karlos nasa parking lot sila at talagang sa harapan pa ng publiko nagkalat ang isang ito kahit pa sabihing gabi na publiko pa rin ito. Lahat nakikita dahil kahit na sabihing walang magsasalita may mga tao pa ring makakati ang dila. “Isipin mo kung ano ang iisipin mo sexy pero sigurado ako sa sinasabi at ginagawa ko. Isa sa mga araw na ito, akin kana ulit at kapag nangyari yon itatali talaga kita sa bewang ko bente-kuwatro oras,” seryosong sabi ng binata at tinitigan pa sa mga mata si Thelma habang sinasabi iyon. Natigilan naman si Thelma at hindi nakapagsalita. Natameme ang dalaga at hindi alam ang sasabihin parang noong nakaraan lang ay iba ang sinasabi ng binata sa kanya ngayon iba na naman. Hindi niya alam kung paniniwalaan pa niya ito. She keeps her mouth shut. Ilang sandali din itong natigilan bago sana muling magsasalita pero nang akmang ibubuka na ang bibig ay siya namang pagputok ng sunud-sunod na bala ng baril ang narinig niya. Nanlaki ang mata ng dalaga at hindi nakahulma marahil kung hindi pa siya iniyuko ni Karlos at sinigawan hindi pa siya gagalaw. “F*cking hell! Anong kailangan ng mga g*gong ito sa akin?!” Mura ng binata habang iniyuyuko si Thelma at pinoprotektahan ito. Sigaw nang sigaw ang dalaga dahil sa takot ngayon lang ito nakaranas ng ganito. “Shut up, sexy! I will protect you okay? Just zipper your mouth and let me handle this.” Frustrated na sigaw sa kanya ng binata na siyang ikinatigil niya. Natahimik ang dalaga, kitang-kita nito kung paano bumunot ng baril ang binata sa pagkakasukbit sa bewang nito at lumaban ng putukan. Hindi alam ni Karlos kung anong kailangan ng mga ito sa kanya at hindi niya din alam kung sino ang mga ito. Si Leon at Jask ang ekspert pagdating sa mga kalaban kaya niyang lumaban pero hindi niya kaya ngayong makipagsabayan sa kanila lalo pa at nandito si Thelma sa tabi niya na nanginginig at hindi na nagsasalita. “Matatrauma pa yata ang babae ko,” bulong niya sa sarili. Madiing nakapikit si Thelma dahil sa takot. Nagliliparan ang mga bala habang heto siya nakaupo at nagtatago sa tabi ng sasakyan habang si Karlos ay nakikipagsagutan ng barilan sa mga nanambang sa kanila. Ang dalawang kamay ng dalaga ay nakatakip sa kanyang mga tenga, sa tuwing pumuputok ang baril ay napapadiin din ang pagtakip nito sa tenga. Kinakabahan ang dalaga sa maaring mangyari sa kanya, bata pa ang kanyang mga anak at ayaw niyang maulila ang mga ito sa ina. 'Lord, hindi pa naman ako mamatay ngayon hindi ba? My kids needs me…please, bring me home safe.' Lihim na dasal ni Thelma habang ang katabi niya ay panay ang mura. Wala siyang pakialam dito. Wala nga ba? Pinapatay ni Thelma sa isipan si Karlos kung hindi sana siya nakalimutan nito malamang nasa bahay na nila siya at natutulog ng mahimbing kasama ang kambal. Naupo si Karlos sa tabi ng dalaga habang nilalagyan nang bala ang baril. Naramdaman ni Thelma ang lalaki kaya naimulat nito ang mata. She glared at Karlos. “Bw*sit ka, dinamay mo pa ako dito. I’ll swear kapag may nangyari masama sa akin dito, hinding-hindi kita mapapatawad.” Inis na turan ni Thelma. Kulang nalang ay kainin nito si Karlos dahil sa inis. Karlos rolled his eyes. Alam naman ng babae ang trabaho niya kapag wala sa ospital kaya hindi na siya dapat pang magpaliwanag dito. Instead of explaining and calming his woman, he abruptly kissed his woman on her lips. He winked at Thelma. “Pampaswerte lang sexy,” sabi ni Karlos at muling nakikipagbarilan sa mga kalaban. “Urgh! Bw*sit!” Inis na ungol ng dalaga. Alam niyang nais ng mga kalaban ng Boss niya na bawasan ang mga matatapat na tauhan nito at tila plano ng mga ito na isa-isahin sila. Kung akala nila madali lang yon puwes nagkakamali sila. Dinilaan pa ni Karlos ang bibig habang isa-isang pinapatamaan sa ulo ang mga kalaban niya. Nalalasahan pa niya ang tamis ng bibig ni Thelma na kanyang ikinangisi. Nasa iisang van ang mga ito at sigurado talaga ang mga ito na siya ang target nila. Kapag natapos niya ito alam ni Karlos na mas lalong magagalit ang dalaga sa kanya pero hindi yon ang iniisip niya kundi kung paano ito muling makukuha. Sanay na magtrabaho si Karlos kahit madilim, sa pakikipagpalitan niya ng putok hindi maglaong mawawalan na din ng hininga ang nag-iisang nakikipaglaban sa kanya. True to his words, the last man died with bullet in his head. “Damn, sisiw lang pala –” Hindi na natapos pa ni Karlos ang sasabihin dahil hampas ng bag ang sumalubong sa kanya mula kay Thelma. “Go to hell! G*go!” Galit na sigaw nito at mabilis na umimbis ng sasakyan nito at agad na humarurot. Naiwang naiiling nalang ang binata…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD