Chapter 6

1451 Words
NAPAILING si Leon nang makita ang kaibigang si Karlos sa Mini Bar ng Zchneider Estate. Akala niya umuwi na ang isang ito matapos ang pagtitipon-tipon nila. Kitang-kita niya ang pag-igting ng panga ni Karlos na siyang ipinagtataka niya. Karlos is the coolest type of a person. Nagagalit lamang ito kapag may kinaiinisan na nangyayari lang minsan. “Bro, kung gusto mong basagin ang lata ng beer na iniinom mo hindi yan mangyayari pero sigurado namang sugat yang palad mo,” pang-aasar niyang sabi dito at umupo pa sa tabi nito. Ngunit ang inaakala niyang sasagot sa kanya ay tila nasa ibang mundo pala at nagmumura. 'f**k! I was having a huge boner awhile ago and it’s sexy’s fault! Why the hell she is so f*****g sexy and beautiful?!' Parang baliw si Karlos na kinakausap ang sarili sa utak nito at si Leon naman ay pinapanood ang kaibigan na para bang tatawag na ito sa mental. Kanina niya pa tinatawag ang kaibigan pero walang nakuhang ni isang tango man lang si Leon mula kay Karlos na siyang ikinakunot ng kanyang noo. Ano ba ang problemang kinakaharap ng kaibigan niya at tila pati ito makikisali sa gulong katulad ng kanila ni Jask? Look like his friend was in love too. Ang tanong lang, aaminin ba kaya ito gayong alam nilang nagngingitngit ang kalooban nito sa mga babae maliban nalang kina Erin at Alyona. “Bakit ba galit na galit siya sa akin?” Karlos asked himself then he also answered his own question. 'G*go! Iniwanan mo ba naman na parang basahan hindi kaya magalit sa’yo? Take note, na-inlove pa sa’yo ang babaeng iyon gayong sinabi mong hindi kana magtitiwala at magmamahal pa!' Kastigo ni Karlos sa sarili. Kahit saang parte niya pa tignan, iisa lang naman ang dahil at ang dapat sisihin ay siya. Ginamit niya ang dalaga para makaraos lang at ngayong nakita niya ang dalaga akala niya makakatakas na siya sa atraksyong yon hindi pa pala. Hindi niya man aminin ngunit sa tuwing nais niyang makipag-s*x sa ibang babae ay mukha agad ni Thelma ang nais niya makita. Huwag pang kalimutan na sa tuwing susubukan niyang gumamit ng babae ay naikukumpara niya agad ito kay Thelma kaya palaging hindi natutuloy ang pagkakama niya sa mga babaeng iyon. That’s why his friends thought he doesn’t want women anymore. Dahil sa totoo lang, iisang babae lang ang hinahanap-hanap ng kanyang katawan pero mukhang malabong makukuha niya ang dalaga. Tila may sakit siya balat kung layuan at iwasan nito, sa tuwing magkakaharap sila ay palaging may rason ang dalaga kesyo busy ito, kesyo may gagawin ito at kung anu-ano pa. Talagang malaki ang galit ng dalaga sa kanya at hindi niya masisi ito. Bumuntong-hininga si Karlos at muling inubos ang beer, aminado siyang malaki ang atraksyon niya sa dalaga pero sa takot niya idinadaan niya sa hanggang kama lang ang kailangan ko sa'yo na siyang ayaw nang mangyari ni Thelma. Umiiwas na ang dalaga sa kahit anong makakapanakit sa loob nito. “Wala na, finish na. Baliw na ang isang ito.” Bulong ni Leon habang tinitignan ang kaibigan na tila pasan ang buong mundo hindi maipagkakailang malaki ang dala-dala nitong problema. “F*ck!” Muntik pang mahulog si Leon sa kinauupuan niya nang biglang mapasigaw si Karlos sa inis niya ay dali-dali niyang inaayos ang pagkakaupo at sinapak ang kaibigan para matauhan. Nabigla si Karlos sa nangyari at napatingin kay Leon. Sabay pa nilang sinamaan ang ng tingin ang isa’t-isa. “Bakit mo ako sinapak?!” Sigaw ni Karlos at akmang sasapakin din pabalik ang kaibigan. “Sinong hindi sasapak sa’yo kung bigla ka nalang nagmumura dyan tapos hindi ka pa sumasagot sa pagtawag ko sayo?!” Pagrarason ni Leon na siyang ikinatigil ni Karlos. Marahil ay hindi niya napansin ang kaibigan dahil na rin sa ang gulu-gulo nitong isipan niya at kung anu-ano ang nasa loob nito. Dahan-dahan pa nitong ibinaba ang kamay at kumalma hindi naman siya lasing dahil kahit anong rami ng ininom niya, walang tumatama sa kanya. “Tsk.” Ito nalang ang tanging nasagot ni Karlos at tahimik nalang na umupo sa puwesto nito. Inakbayan naman siya nang mapang-asar na si Leon. “Dalawa lang ang problema mo tol, kung bakit ka nagkakaganyan. Pag-ibig at babae 'yan,” anito at inagaw pa ang bagong beer in can na iniinom ni Karlos. Karlos scoffed. Napangisi si Leon sa inakto nito. “Tama nga ako 'di ba?” Karlos rolled his eyes. Tumahimik na si Karlos dahil mag-uumpisa na si Leon sa pangaral nito. Eksperto si Leon sa mga payo sa ibang tao kahit pa hindi nito ma-apply sa sarili ang sinasabi nito. “Nakita mo ba ulit siya? Nakita mo ba 'yong sexy na Doktora na nakasama mo sa Amerika?” Natigilan si Karlos sa sinabi nito. “Alam namin pinaggagawa mo sa Amerika kahit andito kami kaya wala kang takas lalo pa at si Jask at ako ang pasimuno.” Pagmamalaki nito na siyang ikinaasar ni Karlos. Akmang aalis na ang binata nang magsalita pang muli si Leon. “That woman was so inlove with you Karlos. Iniwan mo siya sa Amerika nang walang paalam tapos palagi mo pang sinasabi sa kanya na s*x lang ang habol mo sa babae. Sa tingin mo ba, lalapit pa sa’yo ang babaeng iyon kung alam niyang iuon lang ang habol mo sa kanya mula noon at ngayon?” Kung iisipin palaging may sense naman ang sinasabi ni Leon sa tuwing nagseseryoso ito. Ang sarap nga lang sakalin kapag may mga oras na tinatamaan ito ng pagkabaliw. “Sa kalagayan mo tol, napagdaanan ko na din iyan. Pinipigilan mo ang sarili mong mahulog sa kanya kahit alam mo namang hulog na hulog ka. Tsk, tsk, kung ako sa'yo gawin mo ang tama hindi lahat ng babae katulad ng kapatid mo paulit-ulit naming sinasabi yan sa'yo. At bilang kaibigan mo sasabihin ko ito sa’yo tol, gumalaw ka at kunin mo ang pag-ibig na nararapat sa’yo. Ikaw din tol, marami pa namang mangingisda sa dagat na handang kunin ang isda mo.” Ngisi-ngising turan ni Leon at tinapik-tapik pa ang kaibigan. Iniwanan niya si Karlos upang sa ganoon ay magkaroon ng oras ang kabigan niya na mag-isip. Napayuko ang binata habang pinoproseso ang sinasabi ni Leon, tama nga ito sa lahat ng sinabi nito. Isa siyang oportunista ng s*x at 'yon lang ang habol niya sa dalaga hindi man lang niya inisip ang mararamdaman nito hindi man lang niya inisip ang saloobin nito sa kanya pati na sa mga ginawa niya. Nagpasasa siya sa katawan ng dalaga ngunit hindi pinansin ang reaksyon nito o ang opinyon nito basta ba sa tuwing nakikita niya ang dalaga ay romansa agad at ipapasok niya agad ang p*********i niya sa babae ni hindi niya nakikita ang paninibugho sa mukha ng dalagang umaasang mamahalin siya ni Karlos. Hindi niya nakita ang mukha ni Thelma na tahimik na umiiyak sa tuwing umuulos siya sa kalooban nito ngunit nasa isipan naman ng dalaga na ang lalaking inaangkin siya ay hindi magiging kanya puso man o kaluluwa na ang pag-ibig ng isang Karlos ay naging bato na. “B*llshit. This is b*llshit.” Bulong niya habang nagtatagis ang mga ngipin. Madiin niyang hinawakan ang beer in can kaya nayupi ito. Takot? Natatakot siyang magmahal dahil sa isang bagay na hindi naman lahat ay gumawa sa kanya noon. Ang tanga-tanga ni Karlos kung inaakala nilang mas bobo si Leon sa kanilang tatlo puwes nagkakamali silang lahat dahil sa tatlo si Karlos ang tanga at pinakabobo pagdating sa pag-ibig. “Bobo. Ang bobo mo.” Aniya pa sa kanyang sarili. Napailing-iling pa siya at tumayo mula sa kinauupuan niya habang hawak ay nayuping lata ng beer at langong lumabas ng Zchneider Estate. Linggo naman ngayon at wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba sa inaakto niya. Ito ang paraan niya upang pagsisihan ang nagawa niya kung may award nga lang ang Best in Katangahan at Kabobohan sigurado nominado silang tatlo ng mga kaibigan niya. “F*ck this life!” Sigaw ni Karlos habang binubuksan ang sasakyan niya. Sinamaan niya lang ng tingin ang mga kasamahang napatingin sa kanya. “What? Wala na ba akong karapatang sumigaw?” Sarkastiko niyang turan sa mga ito na bumalik nalang sa mga kanya-kanyang ginagawa. Sinipa niya pa ang kotse niya bago pumasok sa loob nito at pinagsusuntok ang manibela ng sasakyan niya. “G*go ka Karlos! G*go ka!” Galit niyang sabi sa sarili. Paano nalang kaya pag nalaman pa nitong nagbunga ang kagaguhan nito at iniwan niya lang basta-basta ang babaeng inangkin niya ang puso at kaluluwa ngunit wala namang nakuha sa kanya kundi ang sakit at paghihirap ng loob nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD