Chapter 5

1442 Words
“GET OUT!” Sigaw ni Thelma kay Karlos ngunit ngumiti lang ang binata ng pilyo at pinatutsadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa. He licked his lips while staring at her delicious body. It’s been five years and Thelma’s body never did change. Napalunok naman si Thelma, ito na nga ba ang sinasabi niya habang nasa iisang lugar lamang sila ni Karlos ay hindi maiiwasang hindi sila magkita lalo pa at dito ito nagtatrabaho. “Mukhang mas naging tigre ka yata sexy?” Karlos asked her teasingly. Napapikit sandali ang dalaga, ilang taon niya ding hindi narining ang endearment sa kanya ng binata at tila kuryenteng dumadaloy sa kaibuturan niya ang boses nito. She opened her eyes and glared at the man. “Thelma Roxanne Roxas is my name,” madiin niyang sabi sa binata. She doesn’t want to hear that endearment, it brings back a lot of sweet and bad memories. Dapat nang kalimutan ang mga alaalang iyon at hindi siya papigil nang dahil lang kay Karlos. Karlos smirked at her. Humakbang papalapit sa babae ang binata at napaatras naman ang dalaga. “Feisty sexy, I like it,” ani pa ni Karlos na humakbang muli papalapit sa dalaga. Nang makalapit siya ay hinawakan niya ang bewang ng dalaga at idinikit yon sa kanyang katawan. Naglapat ang mga katawan nilang dalawa, itinulak ng dalaga si Karlos. Dahil sa ginawa ni Karlos ay mas lalong umusok ang ilong ng dalaga sa galit. “ALIS!” Sigaw nito ngunit hindi yata papipigil ang binata. He buried his nose in her neck, Thelma sniffed and tried to push him again but it’s useless. He gripped Thelma so tight. He breathed in her neck. “Please… let me go and leave…” Nanghihina ang dalaga sa ginagawa ni Karlos kaya naman maayos na niyang pinakiusapan ito. Pagod na siya para sa araw na ito kahit hindi pa man siya nakakapag-umpisa sa mga gawain niya sa ospital. Natigilan naman si Karlos sa pakiusap ng dalaga dahil naroon ang deprasyon sa boses nito. Hinarap ng binata si Thelma at kitang-kita niya dito ang lungkot at inis. “It’s been five years and I miss you sexy, hindi mo lang ba ako na-miss?” He asked the woman in his arms. Sa sinabi niya ay mas lalo yatang nagalit ang dalaga at sa mga oras na ito ay pwersahan na siyang itinulak ng dalaga. “Na-miss?! Did you forget that you left me in the U.S without informing me? Nagpapatawa ka yata, hindi mo ako namiss. Libog lang iyan, noon pa lang naman alam kong tanga na ako na binigay ko sa’yo ang lahat kahit alam kong walang kapalit dahil kilala kita pero sumugal ako. And now, here I am infront of you still broken after five years.” Duro niya sa lalaki. She can’t stop herself from saying those words. Wala siyang mapapala sa binata hindi ito ang lalaking para sa kanya. “You know where you stand in this sexy, so don’t be dramatic.” He certainly is a jerk! Napahawak ang dalaga sa dibdib niya dahil tila ilang kutsilyo ang tinusok ng binata sa puso niya. “Dramatic? Huh?! Ano nga ba ang aasahan ko sa'yo gayong wala ka namang siniseryosong babae hindi ba? Wala palang kuwenta ang ilang buwang pagsasama natin. It was pure lust and s*x!” Sarkastikong sabi ng dalaga. Maanghang ang binibitawan nitong salita at halos hindi siya makahinga sa sakit na nadarama ng puso niyang paulit-ulit na nasasaktan dahil sa binata. Alam niya naman, alam na alam niya na hanggang pangkama lang siya para sa binata at kahit kailan hindi sa puso nito.That’s what all she needs-his love. Ang pagmamahal na hindi yata mabibigay ng binata kahit noong nasa Amerika pa lang sila. She always found him with someone after their love-making. Kung love-making bang matatawag iyon gayong ang babae lang naman ang nagmamahal. “P –please just get out of here. I don’t need you anymore the same as you don’t need me in your life…” Karlos was stunned when he heard those words came from Thelma’s mouth. Ilang beses na niyang narining ang tatlong salitang iyon sa dalaga at ilang beses na ding ipinaramdam sa kanya iyon ng dalaga ngunit wala siyang ginawa. He took her for granted. He doesn’t feel any regret when he left her. But, when she’s around he can’t help himself but get excited whenever she’s near. Alam niyang hindi pagmamahal iyon, kinalimutan na niya ang magmahal dahil sa ginawa ng kapatid niya. Walang kuwenta at pagkapahiya ang nararamdaman niya sa tuwing naalala ang ginawa nito. And for him, every woman he encounters in bed is the same as her half-sister. Masama sila para sa mga lalaki but at the same time may gamit sila para sa mga ito. Thelma for him was not an exemption but he can’t stop himself from wanting her. He pulled the woman again and whispered into her ears. “You’ll come for me then, hindi man ngayon pero babalik at babalik ka sa akin.” Tudyo niya sa dalaga. He licks her ears and teased it. Ngunit sa isa pang pagkakataon, umiwas muli ang dalaga. Wala siyang ibang masabi sa ginawa, tumigil siya sa kanyang ginagawa at tinignan ang mukha ng dalaga. Naroon ang pagkabigo at sakit, naroon din ang pagkadismaya at pag-iwas sa kanyang mga mata. “I regret giving myself to you. When you walk-out into my life, I already expecting it and I now I fully understand it. You can’t love me, you can’t at all. s*x is all you need and from now on, I’m exempting myself from being your f*ck toy.” She needs to value herself and if she accepted Karlos again definitely she’s an idiot. Para na ding siyang kumuha ng sariling bato at ipinukpok sa kanyang ulo. Magpapakatanga pa ba siya at hahayaang maulit ang nangyari noon gayong may dalawa na ngang batang umaasa sa kanya? Would she be able to hurt again herself when she knows that this man is not worth loving? “L –Let’s be civil to each other Mr. Llyich and to our job well.” Naglakad si Thelma sa pintuan at siya na mismo ang nagbukas nito at pinalabas ang binata sa opisina niya. Kunot-noong sinunod ng binata ang dalaga ngunit hindi pa man naisasara ni Thelma ang pintuan ay nagsalitang muli si Karlos. “You’ll be mine again.” Seryosong saad nito sa dalaga. Malakas na tinulak ni Thelma ang pintuan dahilan upang magkaroon ng isang malakas na lagapak mula sa pintuan. Sinara lang niya naman ang pintuan habang nasa harapan pa ang binata. Ngayon, alam na nito kung paano pangsarhan ng pintuan gaya nang kung paano siya pinagsarhan ng binata sa puso nito. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang nais ni Karlos gayong wala na naman siyang maibibigay dito. Kayang-kaya ng binata na kunin ito sa ibang babae dahil para sa kanya tapos na siyang maging laruan nito at babalikan lamang kapag kailangan na. Napahawak ang dalaga muli sa kanyang puso. 'Easy there heart, you’ll definitely move on hindi man ngayon pero alam kong mangyayari 'yon.' Masakit na masakit ang kanyang puso mula sa mga salitang binibitawan ng binata hindi niya hahayaang muling maging alipin ng pag-ibig na tanging siya lamang ang umaalay sa binata. He was still as hot as ever. But, she needs to forget him. Hindi niya alam kung paano ipapakilala ang mga anak niya gayong alam na alam niyang ayaw ng commitment ni Karlos. She sighed. Kaya niya namang buhayin ang mga anak niya kahit wala ito marahil maipapakilala niya ang mga anak niya ngunit hindi ngayon, hindi pa dahil baka ipamukha lang sa kanya ng lalaki na walang itong ipinangako sa kanya. Natatakot din ang dalaga dahil baka masaktan lang ang mga anak niya at baka ipagtulakan lang nito palayo ang mga bata. And she doesn’t even know if Karlos likes kids when in the first place she always hears him that everything happens between is pure s*x. Ayaw niyang ipaako at papanagutin ang binata sa mga anak niya dahil baka pare-parehas lang silang masaktan. Napasandal ang dalaga sa pintuan, nasa labas pa rin si Karlos dahil hindi narinig ang yabag ng paglalakad nito paalis. Kung sana lang, kung sana lang talaga kahit konti lang sinubukan nitong mahalin ang dalaga pero tila nagbago na ang Karlos na nakilala niya. Ibang-iba ito kaysa dati. She let out a deep sighed. Kung anuman ang pag-iba nito, wala na siyang pakialam iyon naman ang nais ng binata noon kaya susundin niya. Masakit mang hindi ka mahalin ng mahal mo, wala siyang magagawa. All she needs to do is to focus on her twins and their future…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD