Chapter 4

1515 Words
THELMA was nervous. Nanginginig ang tuhod niya ngayon ang unang araw niya bilang Head Administrator ng ospital at kinakabahan siya. Ilang beses na siyang inihanda ng daddy niya dito pero hindi pa ding maiwasang hindi kumabog ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit ganito nalang ang pintig nitong puso niya gayong wala namang dapat ikapangamba dahil lahat ng mga ospital na napagtrabahuhan niya ay magaganda ang komento sa kanya. “Goodness Dad, kinakabahan ako,” aniya sa ama na sinamahan siya sa unang araw niya. The twins are in the hands of their babysitter. Malamang gagawa na naman ng kalokohan ang dalawa habang wala siya. Tinapik ng kanyang ama ang kanyang balikat at nginisihan lang siya. Napanguso nalang si Thelma dahil sa ginawa ng ama minsan talaga inaasar siya nito para lang mainis siya pero alam niyang inaalis lang nito ang kaba niya. “Pwede ka pang magback-out hindi naman kita pinipilit na alagaan itong ospital na pamana ng Lolo mo. Ang akin lang naman, ikaw ang nag-iisang anak ko kaya ikaw ang magmamana nito kasama ng mga apo ko. Isa pa, okay lang naman sa akin kahit uugud-ugod na ako basta maalagaan ko lang itong ospital at masaya ka sa ginagawa mo,” ani ng kanyang Ama na siyang ikinakonsensya niya kahit pa alam niyang kinokonsensya lang talaga siya ng Ama. Napabuntong-hininga ang dalaga at inaayos ang sarili. It’s now or never! “Tsk, sa susunod na mangonsensya ka Dad, galingan mo ha?” Asar niyang turan sa ama at nauna ng lumabas sa kotse. Inantay niya muna na makababa ang ama sa sasakyan upang sabay silang pumasok sa ospital. Magkakaroon ng munting salu-salo ang ospital bilang pagtanggap sa kanya bilang bagong Administrator nitong ospital ng Daddy niya. She braced herself. She needs to be ready even though she’s not. Wala naman siyang magagawa. Kailangan niyang gawin ang responsibilidad niya at hindi na umasa pang muli sa ama. “Ready?” Her father asked her one more time. Kahit hindi pa siya handa kailangan niya pa rin maging handa dahil kailangan. “Handa na Dad,” sagot niya kahit hindi naman siya handa. Kilala siya ng ama handa man o hindi gagawin niya kung ano ang responsibilidad niya. Ito yata ang namana niya sa ama na kahit anupaman ang pagsubok, handa o hindi handa. Gagawin niya ang tama. Sabay na pumasok ang mag-ama at sinalubong sila ng ilang mga staff nitong ospital ng nakangiti. Ang iba ay inoobserbahan siya mula ulo hanggang paa marahil ay sinusuri nila kung anong klaseng tao ang papalit sa posisyon ng kanyang ama. “Welcome, Miss Roxas!” Bati pa nila sa kanya na ikinangiti niya. Nakipagkamay siya sa mga ito at nagpasalamat. She sighed deeply. Hindi pa kasi tapos ang kalbaryo niya dahil mga empleyado palang ang nakaharap niya. Nag-aantay sa Board Room ang mga Doctor at ang mga Board Members. “Kaya pa, nak?” Tanong ulit ng kanyang Ama. Tumango siya. She will for her father and her twins. Ilang taon din siyang naging independent. Tao lang din sila at kaya niyang pakiharapan ang mga taong ito. 'Kaya mo ito Thelma! Kaya mo ito!' Aniya sa kanyang sarili. Nasa harapan sila ng pintuan nitong Board Room at binubuksan na ng kanyang ama ang pintuan. When the door is opened, she almost lost her consciousness when she saw him standing right in front of her. Nanlaki ang kanyang mga mata. “Welcome, Miss Ro –“ Parehas silang gulat nang makita ang isa’t-isa samantalang ang matanda ay lihim lang na napangiti at nagkunwaring hindi niya napansin ang reaksyon ng dalawang ito. Nakatayo sa harapan ng dalaga ang taong noong nakaraang araw lang ay pinipilit na niyang burahin sa kanyang buhay. Napilpilan si Karlos at hindi natapos ang sanang sasabihin habang ang ibang nasa loob ng silid ay nagtataka lamang silang tinignan. Their reactions are priceless! “Do you know each other?” Kunyaring tanong ng matandang Roxas sa dalawa na tila kuno ay nagtataka din sa dalawa. Akmang magsasalita si Karlos at sasagot sa matanda. But, Thelma bet him and she answered her own father. “No Dad, I don’t know him. Ngayon ko lang siya nakita at hindi ko siya kilala. Nice to meet you, Doctor?” She’s pretending that she doesn’t know him. Mas mabuti na ang ganito kaysa naman balikan pa niya ang nakaraan na masasaktan lang din siya naman. Nangunot naman ang noo ni Karlos sa ginawa ng dalaga at hindi nakasagot sa tanong nito. “He’s Doctor Karlos Tvo –Forget it Dad, it’s not important naman. Makikilala ko rin silang lahat. For now, thank you for welcoming me fellas! Dad, salamat sa pagpapakilala sa kanila. Can you bring me now to my office? Para maumpisahan ko na agad ang dapat na tatrabahuhin,” mabilis niyang sabi sa kanyang Ama. She’s standing in the presence of her ex-lover and staring at him and feeling his aura in this room it makes her blood boiled and she wanted to shout at him. Akala niya nawala na ang galit niya sa binata ngunit hindi pa rin pala. She wanted to strangled him. Napailing nalang ang matandang Roxas, kilala niya ang anak nais nitong umiwas. Alam niya ang nangyari sa dalawa nasa Amerika pa lamang ito kaya niya inalok ang binata na magtrabaho sa ospital niya dahil nais niya ding kilalanin ito. His daughter was hurt and until now, she’s still broken. Mukhang mahihirapan siyang maging kupido sa mga ito lalo pa at napakatigas ng ulo ni Thelma. “Dad?” Tawag ni Thelma sa kanyang ama dahil tila natigilan ito. Hindi nalang umimik ang matanda at tumango nalang sa anak. “Again, thank you for welcoming me here. I know some of you don’t want me to lead this hospital but I’ll do my best.” Pagpapaalam niya sa iba at nauna ng tumalikod at lumabas sa Board Room. Sumunod ang matandang Roxas at humingi ng pasensya sa mga tao sa loob ng silid. ayaw niyang pilitin si Thelma nais niyang kusang umamin ito. Knowing his daughter, mahihirapan siya sa katigasan ng ulo nito. Tiim-bagang naman si Karlos, hindi niya maintindihan ang dalaga. Wala siyang ginawang masama dito. Bakit umaasta itong tila malaki ang kasalanan niya? Naikuyom niya ang kamao habang tinignan ang puwesto nito kanina. Unti-unting bumabalik sa kanya ang nangyari sa kanila noon. Those days that they are in bed making love with each other. Ang mga araw na iyon na wala siyang inaalala kundi ang makasama ang dalaga sa kama. Hindi niya mahal ang dalaga, hindi niya alam kung paano magmahal sa isang babae lalo pa at pakiramdam niya ay lolokohin at tatatraydurin siya nito gaya ng kapatid niyang si Reachel. Ang kapatid niya ang siyang naging dahilan kung bakit purong s*x lang ang habol niya sa mga babae. Hindi sila mapagkakatiwalaan, hindi sila gaya ni Alyona o ni Erin na malilinis ang pagkatao. That’s what Karlos thought but on Thelma’s mind, he is the same as her Mother. Pare-parehas silang mga walang kuwenta. Kung mababasa lang nilang dalawa ang mga iniisip nila marahil ay masasabi nilang magkatulad sila sa iisang bagay. Ito ay ang takot nilang magmahal dahil paulit-ulit lang silang nasasaktan. Kinlaro na mula pa noon ni Karlos na wala siyang ibang maibibigay sa dalaga kundi ang pagnanasa lang. Purely s*x, nothing more not even love. Ngunit, nag-expect si Thelma iyon ang pagkakamali niya. Nang makapasok si Thelma sa kanyang opisina ay tinanggihan niya ang ama na mag-usap sila. She wanted to be alone. After all these years that she tried to forget Karlos, still she can’t. Tila isang tattoo yata ang binata sa puso at isipan niya na hindi niya matanggal-tanggal. “D*mn.” She muttered and seated on her swivel chair. Nanghihina siya sa pagkikita nilang dalawa ng lalaking minamahal, ang ama ng mga anak niya. Hindi niya inaakala na sa lahat ng lugar sa mundo dito pa talaga sila magkikita. Kailangan niyang iwasan ang binata, kailangan niyang gawin iyon sa abot ng kanyang makakaya hindi dapat sila pwedeng mapag-isa ng binata dahil baka bumigay na naman siya. Napakarupok pa naman niya pagdating sa binata. Yumupyop ang dalaga sa kanyang office table at doon umiyak. She controlled herself not to cry in front of the man she loves. She’ll not give him the chance to overcome her heart again. Tama na ang isang beses na pagkakamali at pagiging tanga niya sa binata. Pinahidan niya ang luha bago inayos ang sarili. She needs to work. At hindi mapipigilan ng personal na problema niya ang trabaho niya. Kukunin niya na sana ang folder na nasa mesa upang basahin ito ng may kumatok. Hindi niya pinansin ito, alam niyang nakauwi na ang kanyang ama at wala siyang inaasahang bisita. Malakas ang kabog ng dibdib niya, alam niya kung sino ang kumakatok. Hindi tumigil ito hanggang sa napuno na siya at padabog na binuksan ang pintuang naka-lock kanina. Sisigaw niya na sana ito ngunit isang mainit na bagay ang tumama sa kanyang labi at mainit na mga braso ang pumulupot sa kanyang katawan. Nanlaki ang mata ng dalaga dahil sa nangyari at bigla niyang naitulak ang binata. “GET OUT!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD