Chapter 3

1446 Words
THELMA was done with their groceries. She counted her twins milk. Limang naglalakihang lata ng mga gatas ang nasa harapan niya hindi yata magkakasya ang isang malaking cart lang dito kaya naman tatlo ang kinuha niya para sa isang buwan nilang kunsumo ng mga anak. Mabuti nalang at pinahiram sa kanya ng ama ang dalawang katulong nito upang maging katulong niya sa pamimili. Her father insisted that she and the twins should live with him. Nagdrama pa ang matanda kaya wala siyang nagawa kundi pumayag sa gusto nito. Ito pa mismo ang nagpadala ng mga tauhan upang ilipat ang lahat ng mga gamit nila ng mga anak sa bahay nito para hindi na daw magbago ang isip niya. Napailing si Thelma sa iisiping iyon. Ang pinapamili niya ay para sa bahay ng ama dahil matapos nilang mag-usap gayong siya na naman pala ang mamahala ng ospital nararapat na mamahinga ang matanda at gusto nito na doon nalang sila manatili sa bahay nito dahil na rin tahimik at nakakalungkot daw ang bahay nito pero noong dumating ang kambal tila bumalik ang sigla ng bahay kung saan siya iniluwal at lumaki. Ancestral house ang tinitirhan nila at ilang kanununuan na nila ang tumira roon pero maganda at napakatibay pa rin nito dahil na rin palaging may maintenance ang bahay. Nakakabinging sermon muna ang natanggap niya sa ama dahil sa nangyari sa Amerika na naging dahilan upang mabigyan niya ito ng kambal na apo. Tumigil lamang ito nang ayain ng mga apo na maglaro kahit naging disgrasyada siya, masaya pa rin ang kanyang ama dahil biniyayaan ito ng dalawang naggwagwapuhang apo. “Ma'am, ilang kilo po ba ng karne ang bibilhin?” One of their maids asked at her. Suddenly, she woke up from thinking of what happened awhile ago. Nakalimutan niya yatang nasa loob sila ng Supermarket ng isang Mall at kasama niya ang mga katulong. “Kumuha ka ng sampung kilong karne ng baboy, sampung kilong karne ng manok at labin-limang kilong karne ng baka. Isali mo na rin ang hotdog, ham, longganisa, bacon at 'yong iba na palagi niyong binibili.” Utos ni Thelma sa isa pang katulong. Pinadagdagan niya nalang para na rin hindi sila maubusan sa loob ng isang linggo kasama na rin sa budget ang mga kasama nila sa bahay na ilang taon na rin na naglilingkod sa kanyang Daddy. Inutusan niya na rin ang isa na kumuha pa ng ilang bagay na kailangan nila sa bahay at binilinan ito na kailangan sobrahan dahil na rin nadagdag silang tatlo. Nakakahinga ng maluwag ang babae dahil na rin may mga titingin-tingin sa mga anak niya habang nagtatrabaho siya at ang ama nito ang magbabantay sa kambal. Knowing her Dad, he’ll hire babysitters for those two little devils. Wish niya lang na magtagal sila sa kakulitan ng mga anak ni Thelma at sa kasutilan nila minsan. Speaking of her sons, binilinan siya nitong huwag kalimutan ang paborito nilang French fries. Paborito nila ito kahit na minsan ay pinagbabawalan niya dahil ang sobra ay masama sa katawan. They can eat French fries sometimes but not too much. Ipinagpatuloy na ni Thelma ang pagkuha ng mga kailangan nila. Mabuti nalang at ibinigay ng Daddy niya ang credit card nito. Saying that it’s her turned to do and managed the household. Sanay na sana na naman siya dito dahil kahit noong umalis siya papuntang Amerika siya na naman talaga ang namamahala sa bagay na iyon. Nahasa lang siya nang mabuti noon dahil nasa tabi na niya ang mga anak at kailangan niyang maghigpit ng sinturon dahil na rin napakamahal ng pamumuhay sa Amerika. In three hours, three carts are not enough for their groceries. Nagdagdag pa siya ng dalawa at limang punong cart ang pinipila nila ng mga katulong mabuti nalang at tinulungan sila ng dalawang staff ng Supermarket sa pagtutulak. Nang matapos nang ma-swipe lahat at mabayaran inutusan niya ang mga katulong na dalhin ang mga iyon sa van na dala nila. Pinakiusapan na rin niya ang mga staff na tumulong sa kanila na pakitulungan ang mga katulong. Pagkatapos niyang mag-abot ng pangmeryenda sa dalawang staff ay dali-dali niyang nilisan ang Supermarket at tumingin-tingin sa mga Store dito sa Mall. Bibilhan niya pala ng uniporme ang mga anak para sa nursery school na pinag-enrollan niya sa mga ito. Bumili na rin siya ng mga gamit nila dahil naiwan sa Amerika ang mga ito para hindi na rin siya mabigatan. Nang papunta na siya ng Jollibee para sa French fries ng mga anak ay natigilan ang dalaga. There she saw the man the left her behind. Ang taong nang iwan sa kanya sa Amerika matapos nitong makuha ang lahat sa kanya at nag-iwan pa ng alaala. “Bullsh*t.” She muttered. Hindi niya mapigilan ang manibugho at masaktan. Limang taon siyang nag-antay. Limang-taon siyang umasa na babalikan pa siya nito ngunit hindi pala dahil masaya na ito. Masaya na ito at hindi siya kasama sa kasiyahan nito. She saw him walking and laughing with a woman. Ano nga ba ang aasahan niya gayong ganoon ang nature ni Karlos? Aasa ba siyang pakakasalan siya nito at magsasama sila? Dapat noon pa, dapat noon pa siya nito binalikan. Dapat noon pa siya nito pinakasalan kung talagang mahal siya nito. Napalunok si Thelma at pinigilan ang sarili sa kahit na anong pagtulo ng mga luha. Napakapit ang dalaga sa poste ng pader at tila doon kumukuha ng lakas para hindi mabuwal. “I –I hate you K –Karlos. I hate you so much.” Bulong niya sa kanyang sarili. She’ll make him regret these things. Galit na galit ang dalaga na hindi na niya kaya dahil sumabog na ang damdaming umaalpas sa dibdib niya. She was about to lose consciousness when a man helped her. “Easy there Miss,” sabi nito na tinapik-tapik ang pisngi niya sa ginawa nito at tila huminahon siya. “Are you okay now Miss?” He asked. Tumango siya at ngumiti dito ng kimi. Gwapo din itong tumulong sa kanya. “I –I’m fine. Thank you.” Thelma said. The man looked at her. For him, she seems familiar but she has no time to think where and when because of the heart-breaking sight she watched awhile ago. Tinignan siya ng lalaki na tila hindi ito naniniwala sa sinabi niya. She shrugged and nodded at him. “I’m fine. Thank you for your concern.” Pagtatapos ng dalaga sa sinabi niya. Akmang aalis na ang lalaki nang magsalita ito na siyang ikinatigil niya. “I don’t have the right to interfere but everything has a reason. If he broke your heart then he’s a coward. A man doesn’t make his woman cry. A man’s purpose is to make his woman smile and happy.” Natinggagal si Thelma sa sinabi nito. Tila sinampal siya ng isang malaking katotohahan na dahil hindi siya ang pinapasaya ng lalaking mahal niya ibig sabihin noon hindi siya mahal nito at hindi sila para sa isa’t-isa. “Dry your tears Miss, aakalain pa ng iba ako ang nagpaiyak sa'yo. By looking at you, I know you are a strong independent woman who can stand up for herself. Stand up and face that motherfucker. A jerk like him deserves it. Throw him your dirtiest f**k you sign.” Anito. Hindi niya alam kung binibigyan siya ng payo nito o nais nitong mang-insulto siya alinman doon. She likes the guts of this man in front of her not in a romantic way but in a sibling way. Tinaasan niya ito ng kilay at inalis ang kanyang mga luha. Ngumisi siya at nag-f*ck you sign sa lalaking nasa harapan niya. Humalakhak ito at umiling-iling. “Ang dali mong matuto. Well, magaling kasi akong magturo.” Nawala ang atensyon ni Thelma sa lalaking nasa loob ng isang restaurant at nabaling sa lalaking ito. She rolled her eyes at him. Maypaka-abnormal din naman pala itong lalaking ito pero napagaan nito ang loob niya kahit na papano. “Good. You are smiling. Hindi nakikita ang pagiging amasona mo,” he said teasing Thelma. Thelma pouted at glared at him. “Woah! Joke lang. I’m Jask Vasil Ivanovich.” Pakilala ng lalaki sa kanya. Then, it hit Thelma. She knows the man in front of him. He is one of Karlos' friends! Instead of answering him, she walk-out and leave him dumbfounded. As much as possible, she doesn’t want any person relative to him getting near her. Her heart was broken too much. She won’t let it shattered thrice. Dali-daling nilasan ni Thelma ang Mall at sumakay sa van nila. She promised herself these will be the last tears. Karlos Tvo Llyich was a f*****g jerk who broke her heart twice!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD