Chapter 2

1474 Words
“GRABE ka bro, nagpapakaermitanyo ka ba dito sa ospital at panay lang ang rounds mo at opera mo sa mga pasyente mo?” Naasar na wika ni Leon kay Karlos habang nasa loob sila ng opisina ng Doktor. Karlos shrugged and just checked his patient’s medical records. He didn’t even glance at Leon who’s looking at him with piss-off expression. Karlos was cold and distant these past years. He loses all his trust to any women and men outside their Mafia. Iilang tao lang ang pinagkakatiwalaan ni Karlos yon lang ang malalapit sa kanya. Sa loob ng ilang taon niyang pananatili sa Pilipinas magmula noong nagbakasyon siya sa Amerika ay ilag na siya sa mga babae. “f**k! Not all people around you is like your sister okay! Loosen-up Karlos you’re making harder this to the people around you!” Inis na wika ni Leon sa kaibigan. Si Jask naman ay nakikinig lang, naiintindihan niya si Karlos dahil maging siya ay ganoon din ang nararamdaman magmula nang tinraydor sila ni Reachel. “I’m busy Sokolov, the door is open you can get-out,” anito sa kaibigan na mas lalong ikinangunot ng noo ni Leon. Kulang nalang ay sapakin niya ang kaibigan upang lumabas sa lungga nito at sumama sa kanila. Leon let out a deep breath. Sinusubukan yata ni Karlo ang pasensya niya dahil kapag siya ang napikon talagang babanatan niya ang kaibigang akala mo naman siya lang ang may problema sa mundo. Karlos was really guilty when he saw his half-sister bleeding to death. Ang parusa nito ay ginawa noong dumating siya mula sa Amerika at sising-sisi siya dahil sa nangyari kahit pa si Reachel mismo ang may kasalanan kung bakit iyon ang kinahinatnan ng buhay nito. She was guilty of her sins especially she betrayed her own family and hurted the Zchneider Queen. Hindi masisi ni Karlos si Hellion at Alyona, alam niyang iyon ang parusa sa mga traydor. Ang pagsisi lang ni Karlos ay naroon siya habang ginagawa ang parusa at habang nagmamakaawa ang kapatid niya na patawarin siya at bigyan muli ng pagkakataon ngunit sa ginawa ni Reachel ay hindi na kailangan ng ikalawa pang pagkakataon hindi lang iisang tao ang ipinahamak nito kundi ang buong pamilya nila. “Darn, hard-headed Doctor,” Leon muttered and glared at his friend. Kahit anong gawin niyang pag-aaya kay Karlos para lumabas ay ayaw ng lalaki minsan lang sila nakakalabas pero ayaw pa ng binata. “Kahit ngayon lang tol, ayaw mo talaga?” This time, its Jask turned to asked. Napatingin si Karlos sa isa niya pang kaibigan at umiling. “Why do I have to go out when I am really busy? Alam ba ng babae mo Leon na narito ka ha?” He asked Leon. Tinggagal naman si Leon at napatingin kay Jask. Bumuntung-hininga ng malalim ang lalaki at napataas ang dalawang kamay sa ere indikasyon na sumusuko na siya at hindi niya kaya ang kaibigan. “I’m done, bahala siya dyan. Danica knows I am here, we already to talk about this,” sagot niya sa kaibigan at nagwalk-out sa opisina nito. Naiwang naiiling si Jask, tumayo ito at nilapitan ang kaibigan na nakaupo sa swivel chair nito. Tinapik niya si Karlos sa balikat bago nagsalita.“Bro, ang nakaraan ay nakaraan na hindi na natin mababago o maiiba ang nangyari sa nakaraan. Masasaktan at masasaktan ka lang kapag pinilit mo ang sarili mong ikulong sa masalimout na kahapon. We should move on, be happy and enjoy our life. The world will not only rotate in Reachel’s memories.” Pagkasabing-pagkasabi noon ni Jask ay lumabas din ang binata at sumunod kay Leon. Tinggagal na naiwan si Karlos sa loob ng opisina at ginulo ang buhok. Alam niyang hindi dapat ganito ang nangyayari sa kanya pero hindi niya maiwasan lalo pa at kapatid niya ito. Kaya nga, nakiusap siya kay Hellion na kung pwede muna siyang magtrabaho sa isang ospital at pupunta lang siya sa Zchneider Estate kapag may gagamutin siya o kaya naman ay kailangan siya dahil sa tuwing napapalapit siya roon. Naalala niya ang kapatid niya. She was killed infront of him and his father. Sa harap din nang buong Mafiang kinabibilangan nila. They couldn’t stop what’s happening because it’s on their law. Hindi pwedeng baliin iyon lalo pa at ang pinakamalaking kasalanang magagawa mo sa iyong pamilya ay ang pagtatraydor. That’s why, he’s here as a Neurologist. Siya ngayon ang namamahala sa Departamentong ito dito sa pinakamalaking ospital na pinagtatrabahuhan niya. Minsan lang naman siya tinatawagan ni Hellion. Mostly, it is when the Queen is hurt or the one and only Princess is sick. Minsan din isinasama siya ng mga kaibigan sa ibang transaksyon ng Mafia at kahit papano ay nalilimutan niya ang lahat. He’s really affected of it. At hindi nakatulong ang bakasyon niya sa Amerika dahil pagdating niya naman ay ang execution na ni Reachel. “f**k this life.” Karlos muttered. Isinandal niya ang likod ng ulo sa upuan at tumingin sa itaas. He’s not really busy because the hospital is preparing for an event. May mga nag-aasikaso noon at silang mga Doktor at mga Nurse ay tanging ang mga pasyente lamang ang dapat pagtuunan ng pansin. Dadating ang tagapagmana ng ospital na siyang magiging Head Administrator nitong Roxas Hospital. Wala naman siyang pakialam roon basta ba huwag lang nitong pakialaman ang trabaho niya at wala itong magiging problema sa kanya. Karlos is here to work and forget. Mas madaming trabaho mas nagiging abala siya. The old man who accepted him here was very impress with his scholastic records and asked for him to worked here particularly in Neurology Department. He agreed when Hellion give him permission so, that’s why he’s here working his ass off to keep him busy. He doesn’t have time to enjoy his bachelor’s life. Ngunit alam din niyang sa tuwing uuwi siya ng Penthouse niya doon niya mararamdaman ang guilt at ang ginagawa niya para maalis iyo ay uminom ng uminom. Karlos snapped with his reverie when someone knocked on his office door. “Come in,” he answered. Bumukas ang pintuan at inuluwa noon ang matandang Doktor na siyang may-ari nitong ospital agad siyang napatayo upang alalayan ang matanda na makaupo. “Ipinaalala mo lang sa akin kung gaano na ako katanda bata,” nakaingos na wika ng matandang Doktor habang hawak ang kanyang tungkod. Actually, hindi pa naman talaga matandang-matanda ang Doktor dahil lang sa aksidente kaya hindi ito makapaglakad ng maayos. Ngumisi lang si Karlos naging malapit na din siya sa matandang ito at nagkapalagayan na ang kanilang loob. “You’re not that old Doctor Roxas. I’m just being a good Doctor.” The old Doctor scoffed and shrugged at him. Dahil sa pagkakalagayan nila ng loob nitong matanda ay halos sa tuwing magkikita sila ay inaasar niya ito. “I know, I know, that’s why I am here. I need your help,” ani sa kanya ng matanda. Kitang-kita niya ang kalungkutan sa mga mata ng matandang Doktor na siyang ikinakunot niya ng noon. Something is bothering with the old man. He knows that the old man was cheated on by his wife; that’s why he doesn’t trust anyone. He saw him breathe deeply and looked at him seriously. “My one and only daughter, she’s been through a lot and by taking care of this hospital. I know many of my investors wouldn’t want her to be the Head Administrator of this hospital. I –I want you to helped her,” nakikiusap na wika ng matanda sa kanya. Kitang-kita kung gaano ito naapektuhan sa mga nangyayari. Tama lang din siguro na mamahinga na ito at hayaan ang anak na siya namang mag-alaga sa legacy ng pamilya nila. “You know, you help me a lot Sir, kahit ano pang pabor iyan ay handa akong pagbigyan kayo kung nais niyong tulungan ko siya. I would gladly help her,” he answered making the old man smiled widely. “Salamat Karlos, maraming-maraming salamat.” Tuwang-tuwa ang matanda at halos magtatalon na ito kung wala lang itong deperensya sa paa. “Aasahan ko talaga ito Karlos, she will be here tomorrow.” Masayang turan ng matanda agad din itong nagpaalam matapos ang maikli nilang pag-uusap. Pare-parehas silang abala kaya naman kung makipag-usap sa kanya ang matanda ay diretso at walang paliguy-ligoy. Napailing nalang siya nang makita ang nakangising mukha ng matanda habang papalabas ng kanyang opisina. He knows the old man well. Ano na naman kaya ang binabalak nito at tila dinamay pa siya? Well, kung ano man niyon alam niya namang walang masama itong maidudulot sa kanya. He checked the background of this hospital before working here, and it was spotless. Walang bahid na kahit na anong maduming papel ang ospital na ito. But, when the old man was smiling like that. He knows something is coming and he will be involved with it…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD