
Aksidenteng nasira ni Gabby ang engagement ni Tyler Imperial nang 'di sinasadyang makatulog siya sa kwarto nito. Simula noon ay lagi na siyang sinisisi at inaaway ni Tyler, lalo na nang mag-back out sa kasal ang fianceè nito. Kailangan pa namang maikasal ng binata sa loob ng isang buwan para makuha ang mga mamanahing hotels mula sa lolo nito. Gano'n na lang ang pagkagulat ni Gabby nang biglang mag-propose sa kaniya ng kasal ang mortal na kaaway. Labis mang naiinis sa masungit at antipatikong lalaki ay pumayag siyang makasal silang dalawa. Paano ba naman niya kasi matatanggihan ang limang milyong piso, brand new sports car at isang condo unit kapalit ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa? Pero paano sila magpapangap na nagmamahalan sa harap ng mga tao kung deep inside ay kumukulo ang dugo nila sa isa't isa? Makatagal kaya sila sa loob ng iisang bubong kung para silang aso't pusa na laging nag-aaway? At paano kung biglang bumalik ang dating fianceè ni Tyler kung kailan nahulog na ang puso ni Gabby sa asawa?
