✓Chapter 1

3000 Words
Chapter 1 Ali's POV  "Tumingin ka sa kaliwa," nakangiting utos sa akin ng baklang Photographer. Sumunod naman ako agad. "That's nice!" masayang puri niya sa akin. "Ang ganda ng kuha! Isa pa."  Ginawa ko lahat ng mga poses na siguradong magiging maganda ang angle sa akin. "Great!" Lumayo pa siya kaunti "Stunning. I love it!" masayang sambit niya. Isa akong endorser ng isang mamahaling men's perfume. Mature na raw kasi ang pangangatawan ko kaya isinabak na ako agad. Nakatulong din siguro ang mga abs ko sa akin. May nakalaan din kasi akong schedule para mag-workout sa Gym. Inabutan ako ng mineral water ni Kylie. Hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. "Thanks," mahinang ani ko. "No problem, Yeovil," malambing naman niyang tugon. "What are you doing here?" ang pormal na tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya nang malapad. "Sabi ko na nga ba, alam mo ang schedule ko. Alam mong dapat ay wala ako rito." Napasulyap ako sa isang paparazzi na nakatayo sa side ko. Hindi naman na niya kailangan magtago dahil alam na alam ko na ang pagmumukha niya. Nagsisimula pa lang ang career ko, mayroon na siya. Kinukuhanan na naman niya kami ng mga pictures tapos gagawan na naman nila ng mga kuwentong may dagdag at bawas. "Did you brought that stupid paparazzi?" tanong ko na lang, pambabale-wala ko sa mga sinabi niya. "Where?" maang naman niyang tanong. "Ah... Siya ba?" tukoy niya sa lalaki. "Why would I do that? Absolutely not," mariing tanggi niya. "Ngumiti na lang tayo sa kaniya. Total 'yon naman ang gusto nilang makita."  Binuksan saka ininom ko na lang ang tubig na bigay niya. "Nabalitaan ko kasi kay JV na may sakit ka raw." Inilapat niya ang palad niya sa noo ko. "Mainit nga. Bakit kasi pumasok ka pa sa trabaho?" nag-aalala na tanong niya. Si Kylie ay isa sa mga katrabaho ko sa mundo ng Showbiz. Matagal na rin kaming magka-love team. "I won't die because of a mild headache," malaming kong ani. "I'll leave you now. I have a press conference an hour after." Tumayo na ako. Tumayo rin siya agad. "Congratulation for your new contract! It's an honor to work with you again and again." Inilahad niya ang kamay niya na malugod ko namang tinanggap. "Thank you, Kylie." Ngumiti ako sa kaniya nang tipid saka ako naglakad palabas ng studio. "Mr. Yeovil Ali, what can you say about your new contract you just signed a while ago?" "What are your messages to your fans who are very excited about your upcoming movie with Miss Florentez?" "Magkasama raw kayo kanina sa studio? Totoo ba iyon?" "Are you dating now?" "Ang sabi ni Miss Kylie ay suportado ka raw niya sa mga endorsements mo. Ano po ang sagot n'yo?" "Is there a chance that you two will develop feelings for each other since you have been working for a long journey?" Mga halimbawa lang iyan ng mga ipinagtatanong nila sa akin pagkatapos ng press conference. Katatapos ko lang kasing pumirma ng bagong contract sa BCC Network. Inaasahan ko na ang pangyayaring ito kaya hindi na ako nagulat. Nanatili akong tahimik habang nagpapakahirap akong sumisingit sa mga tao rito. Masakit ang ulo ko. Ang gusto ko lang ay ang makauwi agad sa bahay para makapagpahinga. "Pasensiya na po kayong lahat. May sakit kasi siya ngayon. Kailangan niya ang magpahinga muna," ang sagot ni Mrs. JV sa kanila. Siya ang Manager ko. Hinawi ng mga bouncers ang mga press kaya nakapasok ako agad sa sasakyan ko. "Hi, Ali! Ang guwapo-guwapo mo talaga!" tili ng isang fan ko sa labas.  Ngumiti na lang ako sa kaniya bilang tugon. Nakatitig ako sa malaking Billboard ko sa malayo. Binabaybay na namin ang daan pauwi sa amin. "Okay ka lang ba, Yeo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mrs. JV. Nag-nod lang ako sa kaniya bilang tugon. "Iyan ang problema sa mga press na 'yan. Noong nakaupo ka, hindi ka nila tinanong nang tinanong tapos nang matapos na ay saka lang sila kumilos," inis niyang turan. "Anyway, magpahinga ka muna. Hindi na matutuloy ang shooting natin sa ibang bansa. Mas importante ang kalusugan mo kaysa sa kahit ano. Total, matagal pa naman ilalabas ang trailer na 'yon." "Okay," tipid kong sang-ayon. Pagkahatid nila sa akin dito sa bahay ay umalis din agad si JV. Pagpasok ko sa loob ng gate namin ay nagtataka ako dahil sobrang tahimik. Nasanay kasi akong tuwing umuuwi ako ay mayroong videoke sa loob. Kulang na lang ay magiba na itong bahay ko dahil sa mala-Anne Curtis na boses niya. "Sir, ang aga ninyong umuwi ngayon," manghang wika Manang Linda. Ang kasambahay namin. "Nasaan siya?" malamig kong tanong.  Bakit ko ba siya tinatanong? Napakamot naman si Manang. "Hindi niya sinabi, Sir. Ang sabi lang niya ay uuwi siya agad." "Okay," tipid kong ani. Wala naman talaga akong pakialam kahit saan pa siya pumunta. Kahit 'wag na siyang umuwi. Simula noong dumating siya rito sa bahay ko, pati ako ay nagkaroon na rin ng responsibilidad sa kaniya. Lahat na lang ng mga hindi ko gusto ay ginagawa niya. Hindi siya marunong makisama. Akala niya siguro ay hindi ko napapansin. Hindi lang ako nagsasalita pero sumosobra na talaga siya. End of Ali's POV Luna's POV "Oh, red wine. Gusto mo ba?" alok sa akin ni Mary. Ngumiti ako sa kaniya bago ko ito inabot sa kaniya. "Happy birthday ulit, Mary."  Natawa naman siya nang malakas. "Kanina mo pa ako binabati. Mamamatay ka na ba? Paulit-ulit ka kasi!" reklamo niya. "Oo e... Punta ka, ha! Invited ka naman sa burol ko," seryosong ani ko. Natigilan naman siya. Umupo siya agad saka niya ako pinalo sa kaliwang hita ko. "Aray!" sambit ko. Gawa talaga sa bakal ang mga kamay niya. "Pito ang buhay mo. Mahirap kang mamatay!" malakas niyang sabi. Sabay kaming tumawa nang malakas. "Inumin mo na nga 'yang wine mo." Bigla akong natigilan. Napatitig ako sa wine glass na hawak ko. Ibang klase kasi ako kapag nalalasing. Ibang nilalang ang pumapasok sa akin. May masama kasi akong karanasan noon. Muntik na akong mapahamak dahil lang sa alak na lumasing sa akin. Flashback Months ago... Seoul Korea "Whoa! Party! Party!" nakabibinging sigawan ng mga batch mates ko. Plinano nila ito bago ako umuwi sa Pilipinas. Lilipat na kasi ako ng school kaya nagpa-party sila bilang padespedida sa akin. Nalulungkot talaga ako kasi iiwan ko na sila. "To Luna, sana 'wag kang magbago. Bumisita ka sa amin paminsan-minsan, okay? Mahal na mahal ka namin. Nandito lang kami lagi para sa 'yo. Friendship has no distance. Cheers!" ang masayang sabi ni Trish. Siya kasi ang emcee namin. "Cheers!" sabay-sabay naman naming sigaw. Naiiyak na lumapit sa akin si Sassy. Isa siya sa mga kaibigan ko. "Luna... Mami-miss kita nang sobra." Niyakap niya ako nang mahigpit. Naiyak tuloy ako. "Babalik ako 'wag kayong mag-alala. Mami-miss din kita."  Dahil sa lungkot na nadarama ko, naglasing ako. Uminom lang ako nang uminom. Ito na kasi ang huling pagkakataong makakasama ko silang lahat. "Bakit kasi aalis ka pa? Hik!" naiiyak na tanong ni Jea. Katulad ko ay lasing na rin siya. "Iyong totoo? Hik!" Natawa ako nang malutong. "Hik!" naka-pout na nag-nod naman siya sa akin. "Kasi may asawa akong naghihintay sa akin sa Pilipinas! Hik! Hik! May asawa ako room," malakas kong sabi. Napatingin naman silang lahat sa akin. Nagtawanan silang lahat pagkatapos. "Ikaw talaga! Joker ka! Lasing ka na, Luna!" kantiyaw nila sa akin. "Alam kong mami-miss mo kami kaya sinusulit mong magbiro sa amin. Naiintindihan namin 'yan!" dagdag na sabi pa nila. Napayuko na lang ako. Hindi kasi nila alam ang tungkol sa kasal ko noon. Secret lang naman kasi namin 'yon.  "Totoo kaya! Hik! Sorry kung hindi ko kayo na-invite kasi pati invitation envelope wala!" Humagalapak ako sa tawa. Tinapik-tapik lang nila ako sa likod. Nagtawanan na naman silang lahat. "Tumigil ka na nga! Baka mamaya maniwala pa kami sa joke mo," natatawang ani ni Patrick. "Sakyan na lang kasi natin siya!" nakangiting suhestiyon naman ni Jam. "Aalis na siya kaya 'wag na natin siyang pagtawanan. Gusto lang niyang makipagbiruan sa atin. Sulitin na natin ang pagkakataon." Tumingin siya sa akin. "Ano'ng itsura ng napangasawa mo? Guwapo ba?" tanong niya sa akin. Napaisip naman ako sa tanong niya. "Mukha siyang bucket!" inosenteng sagot ko. Nagtawanan ulit silang lahat. "As in ice bucket?" paniniguro ni Jam. Nag-nod naman ako sa kaniya. "Bakit naman?" "Hindi ba lalagyan ng ice ang bucket? Ang lamig kasi ng pakikitungo niya sa akin. Kasing lamig ng bangkay!" Humagikgik ako. "Hik! He's not my dream groom!"  Muling nagtawanan ang mga kaibigan ko. "Papauwiin nila ako sa Pilipinas para lang sa lalaking 'yon! Tch!"  Naalala ko noong huli naming pagkikita. Ang laki ng ipinagbago niya. Ang hot niya. "Ano ba itong mga iniisip ko?" Umiling-iling ako saka ko pinagsasampal ang mga pisngi ko. End of Flashback Kinabukasan, ikinuwento sa akin ng mga friends ko ang mga pinagsasabi ko noon sa party. Mariin ko na lang na itinanggi ang lahat ng mga iyon. Ang sarap lang magbigti kapag naipapamukha sa akin ang mga katangahan ko. Nai-video pa nga raw nila pero binilinan ko sila na kung maaari ay secret na lang namin ang nangyari. Pumayag naman sila dahil mahal nila ako. "Hoy, best! Inumin mo na 'yan." Bigla akong nagising dahil sa malakas niyang pagtawag sa akin. "Ah, kase... Ayaw kong uminom baka maamoy pa ako ni Mama," palusot ko. "Bahala ka. 'Wag na lang pala. Hindi ka pa naman marunong magpalusot."  Napaismid na lang ako sa kaniya. Kilalang-kilala na niya talaga ako. "Ano'ng oras na pala?" maang kong tanong. "Maaga pa!" sagot naman niya. "Miss, ano'ng oras na?" tanong ko sa babaeng katabi ko. Wala na akong tiwala kay Mary. Kanina pa kasi niya sinasabing maaga pa. "Twelve midnight na," sagot naman ni Miss. "What?" malakas kong bulalas. Nagtinginan lahat ng mga visitors sa akin. Napayuko na lang ako sa kahihiyang inabot ko. "Ah... Eh..." nauutal na ani ni Mary. "Twelve na pala," kumakamot niyang sabi. "Masyado akong naging busy sa mga bisita ko. Hindi pala naka-time itong relo ko."  Ngumiti na lang ako sa kaniya. Kung hindi lang niya birthday ay baka kanina ko pa siya nasapak. May dahilan tuloy siya kaya siya nakaligtas. Tumatakbo ako pauwi habang dala-dala ko ang mga sapatos ko sa kaliwang kamay ko. Paano naman kasi, natisod ako sa isang bato kaninang palabas ako ng hallway. Nakaayos ako pero para akong sumabak sa marathon. Pawisan na ako dahil sa kakatakbo ko. Anyway, Mary is my very first best friend here in the country. Nagkasugat pa yata ako dahil sa nangyari pero hindi ko na pinansin kasi nagmamadali ako. Bumaba na lang ako sa harapan ng gate sa village kanina. Lalakarin ko na naman itong daan hanggang makauwi. Wala kasi akong sasakyan. Medyo binilisan ko pa ang pagtakbo. Safe naman dito kasi may mga guards na naglilibot sa umaga man o gabi. Ang kaso ay takot ako sa dilim. Baka may multong nagmamanman sa akin. "O, M, G!" natatakot kong bigkas nang may marinig akong umuulong na aso. Wala pa naman akong kasama. Late na late na rin ako. Si Mary kasi! Hindi niya ipinaalala 'yong oras. Tumakbo ako nang tumakbo nang mabilis. Napatitingin din ako paminsan-minsan sa likuran at sa magkabilang gilid ko. Para tuloy akong gaga rito. Hinihingal na ako pero okay lang basta makauwi na ako agad. Nakarating na ako rito sa harapan ng gate na inuuwian ko. Ang ilaw na lang sa veranda sa itaas ang naka-ilaw. Ibig sabihin niyon, tulog na sila. Napangiti ako nang malapad. Nagmamadali akong umakyat sa may bakod. Medyo mataas din ito kaya nahirapan ako. Na-discovered ko ang secret way na ito dahil lagi akong late umuuwi. Pasaway nga ako. Hindi ko naman itinatanggi ang katotohanang 'yon. Kung hindi ako mag-iisip ng paraan, sa labas ng gate ako matutulog. Nasanay naman na sila sakin na laging ganito umuuwi. Bigla na lang silang magugulat, nasa bahay na pala ako. 'Yong unggoy riyan sa loob lang naman ang hindi nakaiintindi sa akin. Naalala ko na naman siya. Mabuti na lang dahil wala siya ngayon dito sa Pilipinas. Magagawa ko lahat ng mga gusto ko. Tumalon na ako. "May future talaga ako sa pagiging Ninja balang araw," bulong ko sa sarili ko. Tumakbo ako nang mabilis dahil hahanapin ko pa ang susi. Nasa harapan na ako ng pinto. Dumapa ako para sungkitin ang susi sa ibaba, malapit sa mga halaman dito. May duplicate kasi ako ng susi rito bahay. Dito ko nilalagay para hindi ko makalimutan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto pagkatapos ay dahan-dahan ko rin itong isinara. "Yes," mahinang sambit ko. Naka-tiptoe akong naglalakad para hindi ako makalikha ng ingay. Naglalakad ako nang dahan-dahan nang biglang bumukas ang ilaw sa sala. "Good evening po, Manang!" masayang bati ko. "Good morning pala." "Hindi gawain ng matinong babae ang umuwi ng ganitong oras." I froze the moment I heard his voice. Para tuloy biglang kumidlat nang malakas. Napapikit ako nang mariin. "Tch!"  Boses pa lang niya at klase ng pananalita ay alam na alam ko na. Napakagat labi na lang ako.  "Lagot ka Lunabells," bulong ko sa sarili ko. Bakit nandito siya? Ano'ng ginagawa niya rito? Naiwanan ba siya ng eroplano? Dapat ay nilangoy na lang niya hanggang Dubai! Akala ko ba may shooting sila na gaganapin doon?  Humarap ako sa kaniya at wala sa sariling napakamot sa ulo ko. Napalunok ako sa klase ng tingin niya. Medyo kinakabahan talaga ako kapag ganito na ang mukha niya. "G-ganito kasi 'yon. Ano k-kase," nauutal kong ani. "Inaantok na talaga ako. Puwede bang bukas mo na lang ako pagalitan para mas masaya?" inosenteng tanong ko. Mapupunit na at itong bibig ko sa lapad ng ngiti ko sa kaniya. "You are living in my house, in case you forget. I hate to say this but can you please act as a mature person while you are staying here? Have some decency will you? I don't have a choice but you are my responsibility now. Honestly? I don't want you here. You're such a hard headed immature girl!" he said in a very calm and frustrated voice. Iyan na naman 'yong Ali-pamatay-look niya. Medyo masakit talaga siyang magsalita. Mabait naman talaga siya kapag tulog nga lang. "Sorry." Nag-peace sign ako sa kaniya. "Uuwi naman dapat talaga ako nang maaga kaso 'yong relo ko hindi naka-time. Look." Medyo lumapit ako para ipakita 'yong wrist watch ko. Dito sa watch ko ay seven pm pa lang pero noong nagtanong ako sa kasama ko kanina ay twelve midnight na pala. Kaya pala ang tagal ng oras kanina. Wala rin palang kwenta itong relo ko kung isinuot ko kanina sa party. Katulad lang ito 'yong relo ni Mary na hindi naka-time. "I don't care. You don't even bother to think. Ah, what would I expect of you? You never did," madiin na sabi niya. Nag-iisip naman ako kaso laging palpak. Naputol 'tong sasabihin ko nang bigla ulit siyang magsalita. "I don't f*****g care wherever f*****g place you've been. You already know what's right and wrong. Use your coco brain sometimes if it is still working. But working? I doubt it," seryosong sabi niya. Lahat naman ng mga sinabi niya ay totoo kaya ayos lang sakin. Kapag totoo ay hindi dapat nasasaktan o dinadamdam kasi totoo naman. Magalit ka kapag sinabihan ka ng mga bagay na alam mong hindi naman totoo. "Coco? Coco Martin?" nakangiting tanong ko. "Walang bukong utak. Hindi namumunga ng utak ang coconut tree at hindi rin maaaring mamunga ang utak ng buko. Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo alam 'yon? Nag-aaral ka ba talaga? Utak naman Ali!"  Hindi ako matalino pero napakaimposible talaga ng mga sinasabi niya. "What?" kunot ang noo niyang tanong. "Coco brain. A person that has a brain but who doesn't know how to use it. In short, tanga. Hindi nag-iisip," matalim niyang paliwanag. Ganoon pala ang ibig sabihin ng Coco brain... Medyo hindi pala maganda. "Ano ka ba, Ali? Masyado ka namang hot, although hot ka talaga. Pati ulo mo ang hot. Alam ko na!" Ngumisi ako sa kaniya. "Kung ako ay Coco brain, hot brain ka naman. Oh, 'di ba? Partners!" Napailing lang siya. "Oo na, kasalanan ko na. Hindi na po mauulit. 'Yong relo ko kasi ang may coco brain," natatawang sabi ko na lang sa kaniya. "Like you. You're the owner monkey brain," walang emosyong balik na sabi ulit niya. Nakaiinis talaga siya! Kanina Coco brain ngayon ay Monkey brain naman ang tinawag niya sa akin! Porke't matalino na siya? So, bastusan lang ang peg? Nasanay na rin ako sa pag uugali niya. Hindi siya caring! Hindi rin siya sweet! Masungit siya! Ang matindi, masyado siyang honest. Totoo siya sa mga sinasabi niya kaya halos masasakit na katotohanan ang maririnig mo mula sa kaniya. "Ali," mahinang tawag ko sa kaniya. "What?" mahinang tanong naman niya "Akala ko ba may shooting kayo sa Dubai for three weeks? Ano ang ginagawa mo rito?" Natanong ko na kasi naku-curious na ako. "It was cancelled" nakahalukipkip na sagot naman niya. Nakapapanis siya ng laway baka may bad breath na siya. Hindi kasi siya nagsasalita. Kapag nagsalita naman ay ang tipid. Well except kapag naiirita siya kasi marami talaga siyang nasasabing masasakit sa 'kin, katulad na lang kanina. End of Luna's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD