CHAPTER 1
Her POV
"Hoh mga putangina simulan niyo na!, talpakan naaaaaa!!!!" Malakas na sigaw ng kaibigan ko, punyeta talaga to napaka-ingay pero okay lang, alam ko excited lang 'yan sa talpakan at saka ako rin naman HAHAHA excited na ako sa talpakan, nako ang laki ba naman ng naipusta ko ay este namin pala.
Teka pumusta ba ako? Saan nga ako ulit pumusta? tangina nakalimutan ko, ang hirap talaga kapag makakalimuting bata. Alam mo ba 'yon? syempre hindi HAHAHA. Teka nga mamaya na 'yang daldalan, baka alam ng kaibigan ko kung nasaan ang pusta namin at matanong ko nga muna sakanya.
"Hoy asan 'yong pusta natin!?" patanong ko sakanya with matching kalabit pa kasi ang ingay dito sa sabungan pati rin naman kami HAHAHA. At saka ganon naman talaga para magkarinigan kami at malaman ko rin kung asan 'yong pusta namin. Baka kung saan pa 'yon napunta nako-nako buang pa naman 'to at saka sayang rin 'yon.
"Aray naman tangina mo ah!! aminin mo nga sakin kung may sama ng loob ka, kasi kalabit pa ba talaga 'yon o sapak na!?" pasigaw na medjo patanong na sagot rin nito sakin at aba-aba anong sapak eh ang hina-hina nga lang nong pagkalabit ko sakanya eh.
"Sagutin mo nalang 'yong tanong ko at baka makalabit na talaga kita ng sinasabi mong malakas diyan" pasigaw rin na sagot ko sakanya. Aba siya lang ba pwede sumigaw, dapat ako rin noh para fair HAHAHA.
"Oo na putangina. Andon, nandoon kay Mang Pedo, nasa kanya 'yong pusta mo. Kasi ako, nasa kalaban o kabilang panig ako pumusta HAHAHAHAHAHA" tumatawa at mahabang salaysay nito sa akin na parang takot na ata sa kalabit ko eh totoong mahina lang naman talaga 'yon.
"Gago amputa, bakit sa kalaban ka pumusta?" pagtanong ko sakanya kasi baka hindi na naman nito pinapagana 'yong utak niya eh.
"Bobo! para kahit manalo man o matalo 'yong manok natin ay panalo pa rin tayo kasi dalawa pinustahan natin. Gets mo 'yon? alangan namang umuwi tayong talo eh sayang naman 'yong nakupit kong pera kung 'di ko maibabalik diba" mahabang paliwanag rin nito sakin at with matching batok pa 'yan ah, tangina ang sakit non. Mapanakit si bespren ah.
"Maka-bobo ka naman sakin, ano matalino ka? eh noon nga nangopya ka na nga lang nong exam natin mali-mali pa 'tas ang mas malala pati pangalan nong kinopyahan mo, kinopya mo rin HAHAHA" pang-aasar ko dito habang naa-alala at pinapaalala sakanya 'yong kabobohang nagawa niya HAHAHA.
"Oo na putangina hindi ka na bobo, makapang-asar ka eh noh, pinaalala muna naman sakin 'yan" asar-talong sagot nito sakin HAHAHA mahinang nilalang.
"Pero seryoso bakit doon ka nga sa kalaban pumusta?" seryosong tanong ko na sakanya pero 'di naman ata mahihimigan 'yong pang-aasar ko, diba?
"Na-explain ko na sayo kanina tangina mo" banas na banas na sagot nito sakin. Tangina napakapikon talaga, kaya ang sarap talaga nito asarin eh HAHAHA.
"Oo na pfttthahahaha" pigil tawang sagot ko dito sakanya.
"Ilabas mo 'yang tawa mo at baka mautot ka, ako mahihiya kasi alam kung wala kang hiya at saka that's how life works, my friend" mahabang sagot ulit nito sakin at teka nga muna, putakte nakapag-english ang buang, bago sakanya 'yon ah. Matanong nga kung saan niya natutunan 'yon at kung ilang taon niya rin pinag-aralan para alam ko rin aba.
"Word of the day mo ba 'yon? Saan mo natutunan? Ilang taong pinag-aralan?Pabulong naman bespren HAHAHA" mapang-asar na pagtatanong ko na naman sakanya.
"Tangina mo talaga, pero teka nga putangina bakit ang tagal nila simulan" tanong na naman nito as if alam ko rin.
"Aba'y ewan ko rin, alam ko ba huh alam ko ba? At saka doon ka nga sa announcer magtanong kasi hindi sasagot 'yang pwet mo sa sarili mong katanungan" pilosopang sagot ko dito at oh diba sabi na eh worth it paghithit ko ng mikmik kasi look oh kapag lalaki diba pilosopo 'yon at kaya dahil babae ako, pilosopa. Oh see I'm such an alagang mikmik kid.
"Tangina mo kanina ka pa ah" asar na asar na talagang sagot nito sa mga pamimilosopa ko.
"Kahit hanggang sa next life pa bespren HAHAHA" tawang-tawang sagot ko dito.
"Ingay-ingay mo putangina diyan ka na nga muna at nai-ihi na talaga ako" paalam nito sakin at parang 'di na ata kayang pigilan 'yong pagputok ng pantog niya at opsss kalma alam ko ibang putok nasa isip mo, ikaw ah ayieeee same HAHAHA.
"Gago saan ka i-ihi eh alam mo namang nasa sabungan tayo" kuryosong tanong ko kasi totoo naman eh.
"Bahala na si Thanos" pagwawalang bahalang sagot nito sakin dahil ihing-ihi na talaga ata. Pero teka nga diba dapat "Bahala na si Batman" 'yon?eh bakit si Thanos 'yong sinabi niya eh kalaban nila 'yon. Ay teka nandon ba si Batman sa avengers?eh sa pagkakaalam ko sa kabila siya. Tanong ko sagot ko, astig self, mapapa-"that's how life works" na rin ata tuloy ako, kailangan ko na ata tigilan ang pagtira ng mikmik.
Sa kakadaldal ko sa sarili ka ay 'di ko namalayan na nakaalis na pala si Briar para umihi.
**************
Ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin nagsisimula ang laro at hanggang ngayon ay wala pa rin si Briar, 'yong babaeng 'yon talaga napakatagal eh samantalang pag-ihi lang naman 'yong pinaalam, maliban nalang kung pati bituka niya ay naihi na rin niya o baka rin naman ay tumae na rin siya kasi malay mo may bayad at sinusulit niya lang 'yong binayad niya kasi minsan may bayad na mga banyo ngayon maliban nalang kung sainyo.
"Hoy ano wala pa rin ba?'di pa rin ba nagsisimula?" biglang may kumalabit sakin kaya punyeta muntikan ko na masiko kung 'di ko lang naalalang may kasama pala ako,at si Briar 'yon.
"Punyeta bakit ka ba nanggugulat? At saka oo wala, 'di pa rin nagsisimula" sagot ko rin sa pagtatanong niya kung nagsimula na ba.
"Tanga, ayan kape pa at saka for your fyi 'di kita ginulat. Teka nga, naka-ihi na ako at lahat-lahat 'di pa rin nagsisimula" mahabang salaysay na naman nito. Napakadaldal talaga punyawa. Pero teka diba kasali na sa "fyi" 'yong "for your" kasi fyi is "for your information" ,diba?sumagot ka HAHAHA bobo talaga nito. Ewan ko lang kung sarcasm o bobo talaga 'tong kaibigan ko. Wag niyo ko isumbong ah loveyoy bespren HAHAHA.
Pero oo nga noh, bakit napakatagal naman nila simulan? ano inaantay nila? police? Hay nako naman talaga baka mahuli kami nito eh, nako-nako wag naman sana kasi baka sasalubungin na naman kami nito ng lumilipad na tsinelas ni mama eh.
And then putanginang speaking of it kanina lang, nandito na 'yong mga police, andiyan na sila putakte takbo mga chickennnnnn!!!!
"TAKBO MGA PUTANGINAAAAAA!!!!!!!!"
At ayon malakas na sigaw na naman ng kaibigan ko na akala mo ay nakalunok ng "the bluetooth device is connected successfully" in short speaker capital S-P-E-A-K-E-R at nong makita niya 'yong police na nagro-ronda sa kada-barangay ay napasigaw siya ng ganon kalakas at habang ito kami na nandito pa rin sa loob ng sabungan ay nataranta, ay hindi lang pala taranta, sobrang taranta na pala ito dahil nagkakanda-dapa-dapa na kami sa takot na baka makulong kami sa kadahilanang ipinagbabawal na ang pagsasabong at talpakan dito sa lugar namin at sa buong probinsya na ata lalo na kapag illegal at walang permit upang maisagawa ito.
Kaya ito kami ngayon tumatakbo upang 'di mahuli kasi kapag nahuli kami ay nako baka 'di kami tutulungan ng kapamilya namin kapag nakulong kami.
Takbo kami ng takbo. Sa kakatakbo namin nadapa si Briar. Punyeta 'yong kaibigan ko nadapa gago HAHAHA ta-tanga-tanga amputa HAHAHA.
"Tangina dsurb HAHAHA ehem ay este tanga mo naman ayan tuloy nadapa ka. Halika dito abutin mo kamay ko para matulungan kita bumangon" tawang sabi ko bago siya tinulungan at medjo nag-aalalang sabi ko rin kasi baka ako mapagalitan ng nanay nito, kahit alam ko na ako talaga matatalakan kasi ako nag-aya sakanya na samahan ako sa talpakan at ang tanga, gustong-gusto rin naman kaya sumama rin agad sa pag-aya ko ng walang pagda-dalawang-isip at buti nalang talaga wala 'yong mga kuya niya kasi kapag nandon sila ay baka 'di siya payagan kasi bad influence na kaibigan daw ako. Aba-aba ako pa naging bad eh partner in crimes kaming dalawa eh HAHAHA.
"Hah hah hah" malakas na paghangos ng kaibigan ko na ngayon ay ka-kabangon pa lang galing sa pagkakadapa niya.
"Tangina mo naman, required ba talaga tumawa muna bago mo ako tulungan huh?" pagrereklamo nito nong tinawanan ko siya bago tulungan. Eh bakit ba kasi, nakakatawa kasi 'yong itsura niya. Mukha siyang palakang napiktusan at take note nakabukaka 'yong pagkakadapa niya,buti nalang 'di nakita panty niyang bulaklakin.
"HAHAHAHAHA tangina HAHAHAHA teka HAHAHA" 'di matapos-tapos na pagtawa ko sakanya kasi nga tangina HAHAHAlt.
"Tawa pa bobo, nakakatawa 'yon huh?nakakatawa?" asar talong sagot na naman nito HAHAHA.
Hayts gago talaga 'to. Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan 'tong loka-lokang 'to.