Chapter 5

1374 Words
Dahil sa big project na naasign kay Ali sa Baguio ay kailangan niyang lumuwas papunta doon. This is the biggest project that he ever had sa ilang taon niya sa architectural firm na pinagtatrabahuan. Si Leyla na ang nag-impake sa kanyang mga gamit. "Mamimiss kita sweetheart!" ani Leyla habang sinasalansan niya ng maigi ang mgadadalhin ni Ali. Lumapit si Ali sa kanya saka yumakapp ito sa kanyang likuran. "Sweetheart, isang linggo lang naman iyun." sagot niya. "Kahit na Sweetheart. Unang pagkakataon na magkakahiwalay taho eh." ani Leyla. "Mabilis lang 'yun sweetheart. Hindi mo mamamalayan na nakauwi na pala ako." lambing ni Ali habang hinahalikan niya ito sa kanyang leeg. "Mag-iingat ka doon huh? At saka huwag mong kalimutan na tawagan ako lagi." "Yes sweetheart don't worry. Ang asaw ko talaga, parang ang layo layo ng pupuntahan ko ah?" "Eh siyempre hindi ako sanay sweetheart at saka wala ako kasama sa bahay." "What if tawgan mo ang mommy mo na samahan ka muna dito?" "Hindi na. Sa gabi lang naman ako nandito sa bahay kaya okay lang. Don't worry! Mag-iingat ako dito gaya ng pag-iingat mo doon." sagot ni Leyla saka niyakap ang asawa. Kinabukasan, bitbit ni Ali ang mga kakailanganin sa kanyang pagpunta sa bagyo ay nagsimula ng bumiyahe. Doin na lang sila magkikita ng kanyang Boss at iba pa niyang tao para sa pagbisita sa site at sa pakikipag meeting sa kanilang kliyente. Nang makarating siya doon ay dumiretso siya sa isa sa hotel na malapit lng sa kanilang site. Doon muna siya manunuluyan pansamantala. Masarap.ang hangin sa paligid at dahil sa malapit ang taglamig doon ay ramdam na ramdam niya sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. "Sweetheart, nakarating na ako. Ang ganda dito. Hopefully maipasyal kita dito." wika niya sa asawa sa telepono. "Good. I-enjoy mo nalang muna diya sweetheart while nandiyan ka and of course ang trabaho huwag kaligtaan." "Mas masarap sana kapag nandito ka sweetheart." "Maybe next time. Ano.na gagawin mo ngayon? Hindi ba, bukas pa 'yung punta ninyo sa site and meeting ninyo with the client?" "Oo. Siguro magpapahinga lang saglit then labas ako mamaya para makalanghap ng sariwang hangin." sagot ni Ali. "Sige. Ingat ka diyan sweetheart huh? I love you!" "You too sweetheart, i love you too." Naligo tapos natulog saglit si Ali ngunit hindi niya namalayan na maghahapon na pala nung magising siya. Mag-aalas kwatro na ng hapon. Agad siyang bumangon at dumungaw sa kanyang bintana. Sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin na animo'y nagyayaya sa kanya na lumabas. Tirik pa ang araw ngunit hindi mararamdaman ang sobrang init dahil sa hanging sumasalungat dito. Naglakad lakad siya sa paligid hanggang sa bahagyang nakalayo siya. Ninanamnam ni Ali ang ganda ng paligid, ang sarap ng pakiramdam at ang kabaitan ng mga taong nakakasalubong niya. Minsan ay nakikipagkwentuhan siya sa mga taong pakiramdam niya ay hindi nakakapag-alangang kausapin. May mga naglalakad lakad lang para makalanghap ng sariwang hangin na gaya niya, may mga magkasintahan o mag-asawa din na masayang nagkukwentuhan sa mga gilid at mga pamilyang masayang nagpipiknik. Lalo niya tuloy naalala si Leyla na asawa niya. Naglakad lakad pa siya ng magawi siya sa isang bahagi na wala masyadong katao tao. Tahimik doon ngunit nakuha ng kanyang atensiyon ang isang pigurang nakaupo sa isang bench sa hindi na masyadong kalayuan sa kanya. Nakayuko at natatakpan ng kanyang mahabang buhok ang kilang parte ng kanyang mukha. Pinagmasdan niya ito, nagtataka kung ano ang ginagawa ng babae dito sa parteng ito. Nag-alangan siyang lapitan iyun ngunit napansin niyang umiiyak ang babae. "Aah Miss, may problema ba?" tanong ni Ali. Tumingala ang babae at doon ngsalubong ang kanilang mga mata. "Sorry ha, kung naistorbo kita." biglang bawi ni Ali. "No, it's okay. Thank you for asking anyway." sagot ng babae habang pinapahid niya ng tissue ang luha sa kanyang mata. "Kailangan mo ba ng tulong?" malumanay na tanong ulit ni Ali. "I'm okay. Nagpapalipas lang ako ng oras at lungkot dito." sagot naman ng babae. Umupo si Ali sa tabi niya. Isang babaeng sa tantiya niya ay nasa late 20's ang edad, morena, maganda at may dimple sa kanang bahagi ng kanyang pisngi na.lumilitaw paminsan minsan. "Pwede akong makinig kung gusto mo." alok ni Ali. Tinignan siya ng babae saka tumawa. Ngumiti lang si Ali sa kanya. "Nagpapalipas ako ng sama ng loob dito. Ito na 'yung part dito na parang sumbungan ko at iyakan." wika ng babae. "Bakit?" "Gusto mo talagang makinig?" kunit noong tanong ng babae kay Ali. "Oo naman kung gusto mong magkwento. It's my pleasure." Bumuga ng hangin ang babae saka tumingala. "I'm heartbroken sa boyfriend ko. He cheated on me. That jerk!" umpisa ng babae na halatang nasaktan at galit. "Anong ginawa niya why you said na he cheated on you?" "May babae siya. Buti na lang nahuli ko. Ang walanghiyang iyun! Matagal na pala akong niloloko at pinagmumukhang tanga!" galit na sagot ng dalaga. "Alam mo Miss, parte na ng pag-ibig ang masaktan. Kung magmahal ka, asahan mo din na may kalakip iyun na masasaktan ka. Siguro hindi talaga kayo para sa isa't isa." ani Ali. "Walanghiya siya eh. Ang ikinasasakit lang ng loob ko ay pinagmukha niya akong tanga! Pinaasa niya ako and worst isa pa sa kaibigan ko ang ipingpalit sa aki. Damn him! Damn them!" galit nga ang babae.Animo'y si Ali ang nanakit sa kanya. "Sa ganda mo na 'yan, magkakaganyan ka sa isang walang kwentang lalake? Why don't you prove to him na siya ang nawalan hindi ikaw? Bakit hindi mo ipamukha sa kanya na strong ka para hindi ka na niya masaktan ulit?" "But how? I'm hurt so badly." "Go out , hindi 'yung nagmumukmok ka na ganito." "But...." Hindi natuloy bg babae ang sasabihin ng magring ang phone niya. Agad naman niya iyung sinagot. "Yes Dad? Opo pauwi na po ako. Sorry po." ani ng babae sa kausap. Nang matapos ang pakikipag-usap ng babae sa telepono ay tumayo na ito. "Salamat sa pakikipag-usap huh, but i need to go. May emergency lang sa bahay." paalam niya kay Ali. "Walang anuman. Remember to smile and go out with your friends para hindi mo laging naiisip ang mokong na 'yun." wika pa ni Ali na nakapagpangiti sa babae. "Yes, i will bear that in mind. Sige huh. Bye!" paalam ng babae at umalis na. Napapangiti naman si Ali na sinundan ng tingin ang babae. Napapangiti siya sa pagiging emotional nito dahil lang sa isang lalake. Dahil gumagabi na ay naisupan na din niyang bumalik sa hotel para makakain na at makadalo sa isang night out na inorganisa ng kasamahan nila. Habang naglalakad siya ay naisip niyang hindi man lang niya nakuha ang pangalan ng babaeng iyun. Samantala.. Dahil sa tawag na natanggap ni Yasmin sa ama ay nagmamadali siyang umuwi. Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya ang mga kasama nila sa bahay na abalang abala. "Nasaan si Daddy?" tanong niya sa isang katulong. "Nanduon po sa study room Ma'am.".sagot naman nito. Mabilis niyang pinuntahan ang ama. "Dad! What happened? Bakit kung pagmadaliin ninyo ako paang may sunog?" kunot noong tanong sa ama. "I heared what happened eh nag-alala lang naman ako sa 'yo anak and besides gumagabi na." sagot ng ama na kampanteng nakaupo sa kanyang swivel chair. "Daddy naman eh! Akala ko emergency!" angal niya. Tumayo ang matanda sa kanyang kinauupuan. "Are you alright?" tanong niya kay Yasmin. "No. I mean yes! Okay lang ako daddy." sagot naman niya. "Iyan kasi ang sinasabi ko sa 'yo anak eh hindi ka nakikinig. Sinabi ko na sa 'yo dati na lolokohin ka lang ng lalakeng 'yun o di tama ako?" paninisi ng matanda. "Dad. Huwag niyo na ako sermunan. Okay na ako and thank you sa mamang nakausap ko kanina." aniya. "Mama? Sino naman 'yan?" "I forgot to asked his named but i guess he opened my mind to realize na hindi bga worth it na.iyakan ko ang mokong na 'yun. Magsama silang dalawa ng babae niya!" "That's my princess. Sige na magpahinga ka na sa kwarto mo, mamaya eh kakain na tayo. Tapos bukas we will meet some clients." utos ng ama. "Okay Dad!" sagot naman niya saka humalik dito at tuluyan ng lumabas sa kwarto. Nag-iisang anak si Yasmin del Mundo. Hiwalay ang kanyang mga magulang at tanging ang ama lang ang nakasama niya sa kanyang paglaki. Ang ina niya ay naninirahan na sa ibang bansa kasama ng kanyang bagong pamilya. Ang kwento ng kanyang amang si Javiet del Mundo ay iniwan sila ng kanyang ina matapos itong ipanganak siya. Kahit nag-iisa si Mr. Del Mundo na nagpalaki sa kanya ay binusog niya ito ng pagmamahal. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD