Dadalo sina Ali at Leyla sa party ng kaibigan ni Ali na si Shaine. Binyag ng panganay nito at ginawa silang ninong at ninang ng bata.
Nang makarating sila doon y marami ng tao. Mga kasama sa trabaho nina Ali at Shaine ang mostly na nandun kasama ang kani-kanilang mga asawa pati na rin ang anak.
"Oh nasaan na ang aming inaanak?" pambungad na tanong no Leyla ng makita si Shaine at ang asawa nito.
"Naku mare, nandun kasama ang yaya. Nagmamaktol kaya linibang muna niya." sagot ng asawa ni Shaine.
"Salamat naman Mare at Pare nakaratinh kayo ngayon. Alam namkn na busy kayo aa trabaho kaya salamat ay binigyan ninyo ng oras ito." ani Shaine.
"Pwede ba naming palampasin ito? Kung alam mo lang kung gaano ka-excited itong si Ali na pumunta." pambubuking ni Leyla sa asawa.
"Sweetheart naman, huwag mo na ako ilaglag ah." bahagyang bulong na biro naman ni Ali.
Napatawa ang mag-asawang Shaine.
"Sige na Shaine, ako na bahala dito kay Leyla, alam kong hihilahin mo na naman iyang si Ali sa mga barkada ninyo." ani Carla naasawa ni Shaine.
"Alam na alam talaga ah." tawang sagot naman ni Shaine.
At 'yun nga. Pumunta ang dalawang lalake sa grupo ng mga barkada nila habang ang dalawang babae naman ay s mga nanay na bisita kasama ang mga anak. Mabuti na lang ay naging magkaibigan si Carla at Leyla noong napangasawa siya ni Shaine. Lagi kasi sila magkakasama kapag may mga party at nagge-get together ang mga asawa nila at kasama na din si Daina na matalik nkaibigan ni Leyla na napangasawa din ang isang katrabaho at kaibigan nina Ali at Shaine. Speaking of Daina...
Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Kasama niya ang iba pang mga nanay habang ngmemeryenda.
"Daina!" tawag sa kanya ni Leyla ng makita ito.
Dahan dahan siyang tumayo sa pagkakaupo. Hirap na kasi siyang maggagagalaw dahil sa kanyang kalagayan. Pitong buwan na itong buntis sa kanyang unang baby.
"Ikaw lang?" salubong na tanong ni Daina.
"Hindi, kasama ko si Ali at ayun hinila na siya." sagot naman ni Leyla. "Oh kamusta ang baby?" haplos ni Leyla ang malaki ng tiyan ng kaibigan.
"Naglilikot na nga eh, parang gusto ng lumabas." sagot ni Daina.
Mas excited pa si Leyla sa kaibigan sa panganganak. Kapag nakikita niya ito ay hindi niya mapigilan ang kanang sarili na haplusin at kausapin ang baby na pinagbubuntis ng isa. Sa nakalipas na taon ay marami nang nangyari.
Nagpakasal at magkakaanak na si Daina samantalang si Shaine na bestfriend naman ni Ali ay may dalawang anak na. Sa totoo lang ay sobra sobra ang inggit niya sa mga ito. Kung bakit kasi hanggang ngayon ay hindi pa sila binibiyayaan ng anak ni Ali. Minsan ay nawawalan na siya ng pag-asa at minsan ay natatakot na din siya baka maghanap sa iba si Ali ng anak. Ang anak na hindi niya kayang ibigay.
Sa grupo naman ng mga kalalakihan.
"Oh ano na Ali? Ang tagal na ninyong nagsasama ni Leyla, hanggang ngayon ay wala pa kayong anak?" tanong ng isa aa mga kasama nila.
"Hindi naman kami nagmamadali eh. Bata pa naman kami saka darating at darating din tayo diyan. Wala naman problema sa amin kaya maghihintay lang kami." sagot naman ni Ali ngunit hindi.niya gusto ang pagsasabi ng mga tao, lalong lalo na mga kaibigang may mga anak na ng ganun.
"Oo nga naman Ali. Baka naman may problena talag kayo kaya ngayon wala pa?" segundanaman ng isa.
Naaasar na si Ali ngunit hindi niya pinapahalata pero kilala siy ni Shaine na nakita ang pag-asim ng mukha ng kaibigan.
"Alam niyo, huwag na lang nating pag-usapan ang tungkol diyan. Uminom na lang tayo at mag-enjoy!" sabat ni Shaine para maalis ang topic kay Ali.
Mukhang nabasa naman ng mga kasama nila ang gustong sabihin ni Shaine dahil malugod naman silang tumahimik.
Nang matapos an party ay hindi pa rin maganda ang mood ni Ali. Habang papauwi sila ni Leyla ay pansin na pansin ng asawa ang hindi pag-imik nito at ang pagkunot ng kanyang kilay.
"Why?" tanong ni Leyla.
"What?" balik-tanong naman niya.
"Kanina ka pa kasi tahimik at parang hindi maganda ang mood mo. May nangyari ba?"
"Wala naman. Bad trip lang ako sa mg kasama ko." sagot niya.
"Bakit?"
"They always make a fuss about us, not having a baby! They always make it as an issue eh hindi ko naman pinapakialaman ang mg buhay nila!" galit na pagtatapat ni Ali sa asawa. Sa kanya na niya inilabas ang inis na kanina pa niya nararamdaman.
"Sweetheart, kung magpapaapekto ka sa kanila, walang mangyayari. Maiinis ka lang ng maiinis." malumanay naman na sagot ni Leyla. Ramdam niya ang kagustuhan ng asawa ngunit anong magagawa niya? Gusto man niyang magkababy na eh wala talaga.
"Sorry sweetheart, nadala lang ako sa emosyon ko." hinging paumanhin ni Ali pagdaka.
Hinaplos ni Leyla ang braso ni Ali..
"Okay lang 'yun sweetheart." aniya.
Ngumisi si Ali sabay halik sa kamay ng asawa.
"Gawa tayo baby pag-uwi." naakalokong sambit niya.
"Baliw ka talag!" nangingiting hinampas ni Leyla ang braso nito. Umuubra na naman ang kapilyuhan ng asawa.
Hindi pa sila nakakapasok sa kanilang kwarto ng biglang buhatin no Ali si Leyla.
"Aaay! Ali! Baka mahulog ako!" sigaw ni Leyla.
"Hindi ba't sabi ko gawa tayo ng baby? Ngayon na 'yun." nging sagot ni Alo. Nang marating ang kama ay dahan dahan niyang inilapag si Leyla.
"I am willing to wait for us to hve a baby sweetheart. Don't bother your self okay?" sambit niya kay Leyla habang nakatungkod ang kamay sa kama.
"Thank you sweetheart. Sana hindi mo maisipang maghanap sa iba kung ano ang hindi ko maibigay sa 'yo." sagot din no Leyla na nakakapit sa leeg niya.
"That will not gonna happen. I will always be yours and you will always be mine. Remember that." buong paglalambing na sambit ni Ali saka hinalikan ng pagkatamis tamis ang asawa. Halik na buong buo ng pagmamahal at respeto sa asawa.
*******
"Hello Sir, pinatawag niyo daw ako?" bati at tanong ni Ali sa kanyang Project Manage sa firm.
"Aaah, yes! Sit down." utos nito sa kanya. " May big project tayo and i choose you to be the leader of it." dagdag nito.
"Wow! Good. Thank you Sir kung ganun. But, saan ba ang project na 'yan?" tanong niya.
"Sa Baguio. May ipapatayong malaking Hotel dun and they want us to design it. Ikaw ang isa s pinakamagaling na architecr dito laya sa 'yo ko ito ibibigay. Big shot ang may-ari so better do your best."
"Thank you Sir. Okay, soo kailan natin pwedeng simulan 'yan?"
"The soonest possible time daw. Maybe next week ay pupuntahan.natin ang site para macheck natin."
"Ganun ba? Sige Sir!"
Hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Ali ng mga oras na 'yun. Isa sa pinakahihintay niya ang mabigyan ng isang malaking proyekto.
Masaya siyang umuwi sa bahay para ibalita kay Leyla. Nadatnan niya ang asawa na naghahanda na ng kanilang hapunan. Palihim siyang lumapit dito habang hinahalo ng isa ang nilulito.
Niyakap si Leyla sa likod saka niya hinalikan ang leeg nakinagulat ng asawa.
"Ano ka ba! Ginugulat mo naman ako." bahagyang napalingon si Leyla.
Patuloy n hinalil halikan niya ang leeg ng asawa.
"Mukhang may magandang balita ka ah?"
"Hulaan mo."
"Ano? Ako ba si Madam Auring?"
"May malaki akong project na.nakiha!" halos maisigaw ni Ali ang balitanh iyun sa sobrang saya niya.
"Talaga? Totoo?"
"Oo sweetheart!"
"Congratulations Sweetheart!" niyakap siya ni Leyla..She's been so supportive to Ali in her craft and he also on hers kaya naman sobrang saya din niya sa nakakamit ngayon ng asawa.
"Pero teka, saan ba ang new project mo?"
"Sa Baguio, malayo pero okay lang sweetheart. Mga ilang araw lang naman kami doon kapag pumunta kami then bisita na lang."
"Ang layo naman pala."
"Sweetheart...."
"Okay. Sinabi ko lang. Okay lang sa 'kin sweetheart ang mahalaga eh nakuha mo ang project. Alam ko naman kasi na isa din 'yan sa pinakaihintay mo eh." sagot ni Leyla.
"Thank you! Thank you talaga Sweetheart!" niyakap ulit ni Ali si Leyla.
To be continued...