Chapter 3

1372 Words
Mula nung araw na nag-walk out si Stan kay Icy sa library ay hindi na ito nakikita ng dalaga. Nagtataka siya kung bakit bigla na lang itong nawala at hindi na nagparamdam. Kahit mga kaklase nila ay nagtataka na rin kung bakit wala siya at hindi siya pumapasok. Dahil sa nag-aalala ang si Icy ay minabuti niyang kausapin na lang ang matalik na kaibigan ni Stan na si Mark. "Mark, alam mo ba kung bakit hindi pumapasok si Stan sa school?" tanong niya dito. "Hindi eh, hindi pa nga siya kumokontak sa akin. Balak ko nga siyang puntahan sa kanilang bahay mamaya para kamustahin. Gusto mong sumama?" “Ah-eh.. Hindi na. Makikibalita na lang ako sa 'yo bukas." "Naku Icy sumama ka na malay mo baka lalong sumaya yong tao kapag makita ka," biro pa ni Mark. "Sa tingin mo?" "Oo naman noh, bakit hindi mo ba alam na gusto ka nun? Naku! Ang kaibigan ko talagang 'yun kahit kailan!" bulalas ni Mark na parang pinapagalitan si Stan na wala naman dun. "Wala naman siyang sinasabi eh." "Huh? Hanggang ngayon wala pa siyang sinasabi? Akala ko nga nagtapat na siya sa 'yo, eh." Namula si Icy sa narinig. So totoo pala ang pinapahaging ni Stan sa kanya kahit na hindi niya diretsong sinabi 'yun. "Pakikamusta na lang siya Mark huh?" "Sige ba." Naghiwalay na silang dalawa. Napaisip tuloy si Icy kung ano ang sasabihin ni Stan nung huling araw na nakita niya ito at pinipilit niyang makipag-usap sa kanya. Hanggang sa umuwi siya ay napapaisip pa rin siya at nag-aalala para sa lalake. Naisip niyang tanungin ang mga kaibigan kung alam nila ang kontak number ni Stan. Maswerte naman na isa sa mga kaibigan niya ay may number ang lalaki. "Oh ayan! Pakipot-kipot ka, tapos ngayon mag-aalala ka din pala!?" untag ng kaibigan sa telepono. "Sermonan ba naman ako?" "Syempre noh! Kung gusto mo go lang kasi kung ayaw mo 'di okay, tell mo na lang, tapos ngayon na ang tao ang lumayo hinahanap mo naman ano yun?" "Grabe toh! Nag-aalala lang naman ako noh. Akin na nga nang matawagan ko naririndi ako sa sermon mo!" "Ewan ko sa 'yo Isabel!" Nang makuha ang number ng telepono ay pinagmasdan niya muna. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan niya ito o hindi. Makalipas ng ilang minutong pag-iisip ay nakapagdesisyon na siya. Tatawagan niya si Stan. Agad niya idinial ang number na binigay ng kaibigan. Matagal din ang pagriring bago may sumagot. "Hello? Sino toh?" tanong ng babae sa kabilang linya. Nagulat siya kung sino ang babaeng 'yun. "Ah-eh.. Pwede po bang makausap si Stanley kung nariyan po siya?" medyo nauutal niyang tanong sa babaeng nasa kabilang linya. "Naku! iha, mama niya ito, nagpapahinga siya ngayon. Hindi daw maganda ang pakiramdam eh. Sino ba itong tumatawag?" tanong ng ina ni Stan. "Ah-eh... Kaibigan po niya. Nag-aalala lang po kami kasi ilang araw na din po siyang hindi pumapasok eh." "Ganun ba. Nagpaalam naman siya sa mga dean niyo iha. Kailangan lang kasi niyang magpahinga sa ngayon." "Sige po. Maraming salamat po ulit. Bye po." paalam niya at binaba na ang telepono. Kinaumagahan ay pumasok na si Stan sa eskwela. Mukha nga itong nagkasakit. Wala siyang imik na pumasok sa may classroom nila. Gusto niyang kamustahin ito ngunit nag-aalangan siya na lumapit.. Natapos na ang klase ngunit hindi pa rin niya alam kung lalapitan niya ito o hindi. Buong araw ay walang imik ang isa sa kanya. Ni tingin ay hindi siya nito pinupukulan kaya napagpasyahan niyang kausapin sa oras ng kanilang uwian. Dumating ang uwian. Mabilis siyang sumunod kay Stan at lumapit siya dito. "Kamusta ka na?" tanong niya. "Okay naman ako, thanks for asking,” maikling sagot ng lalaki. "Aaammm. Tumawag ako sa cell number mo kagabi pero mama mo ang nakasagot." "Oo nasabi nga niya eh, salamat sa concern." walang buhay pa ring sagot niya. "Galit ka ba sa akin?" "Hindi! Bakit naman ako magagalit eh wala ka namang ginagawang masama sa akin." "Tanong ko lang kasi parang iniiwasan mo ako eh." "Hindi. Wala lang ako time na makipag-usap. Saka baka lalo ka lang mabwisit sa akin,” sagot niya, at umalis na. Walang nagawa si Icy kundi ang pagmasdan na lang siya na umalis. "Ano yun? Dati, habol ng habol tapos ngayon wala na lang ako?" wika niya sa kanyang sarili. *** Parang iniiwasan na nga ni Stan si Icy. Lumipas kasi ang mga araw na hindi umiimik ang lalake sa kanya. Ni hindi man lang siya nito kinakausap o binabati man lang. Dahil sa nagtataka si Icy at namiss ang pangungulit niya ay napagpasyahan niyang kausapin na lang ito. Pagkatapos ng kanilang last period ay mabilis niyang hinila si Stann malayo sa mga kaibigan nila. Kailangan na niyang malaman kung ano ba talaga ang problema ng lalaki. "Mag-usap nga tayo!" Diretsahang bulalas niya kay Stan. "For what?" "Anong for what? Dati lagi mo ako kinukulit at kinakausap tapos ngayon wala na lang? As in wala ka na lang imik sa akin? Ni hindi mo pa ako binabati o nginingitian man lang? Pinaglalaruan mo ba ako huh Stanley!!?" kunot noong wika niya. "Hindi. Ramdam ko naman kasi na wala kang gusto sa akin at tinutulak mo ako palayo eh kaya ako na lang ang lalayo para wala ka nang kabu bwisitan." "Ganun na lang 'yon? Matapos mo ako kulit kulitin at mahulog ang loob ko sa 'yo ganoon na lang ang gagawin mo? Iiwan mo na lang ako sa ere? Siguro nga totoo ang hinala ko na manloloko ka talaga at pinaglalaruan mo......" Parang armalight na ang bunganga niya ngunit naputol ito dahil bigla siyang hinalikan ni Stan sa bibig. Napamulagat siya ng dahil sa kanyang gulat. Hawak hawak ni Stan ang likod ng kanyang ulo kaya hindi siya agad nakawala. Imbes na itulak niya ito ay napapikit siya at nagpatiayon sa halik na iyon. First kiss niya si Stan kaya naman ay hindi niya alam ang gagawin kaya naman ay napapikit na lang siya. Unti-unting bumitaw si Stan at inilapat ang noo nito sa kanyang noo. "I love you," punong puno ng pagmamahal na sambit niya. "Talaga?" sagot naman niya to confirm. "Oo mahal kita. Akala ko kasi wala ako pag-asang mahal mo din ako eh kaya lumayo na lang ako pero dahil sa mga narinig ko i am certain na mahal mo rin ako." Tumango tango lang si Icy saka niyakap ng mahigpit si Stan. Mula noon ay naging official na silang magbf/gf. Hindi na sila mapaghiwalay sa school. Si Stan naman ay unti-unti na ding nagbago sa pagiging bolero at astig niya sa school. Malaki ang naitulong ni Icy dito. *** Dumating ang kanilang pagtatapos. Sa wakas ay ganap na silang mga degree holder. Lahat ng mga kaibigan nila ay binati sila. Kahit ang kani-kanilang mga magulang ay present din sa okasyon na iyon. Doon na rin nila ipinakilala ang isa't isa sa bawat pamilya nila. Malugod naman na tinanggap ng mga magulang ni Stan si Icy at ganun din ang mga magulang ni Icy kay Stan. "Ano na ngayon ang balaka mo iha?" tanong ng mama ni Stan kay Icy habang nagdidinner silang lahat, ang pamilya niya at pamilya ni Stan. "Sabi po ni papa doon daw po ako magtatrabaho sa banko," wika niya. Nagmamay-ari kasi sila ng isang banko kaya naman doon na din niya napagpasyahang magtrabaho. "Mabuti 'yan. Tumutulong ka na sa negosyo niyo may trabaho ka pa. Itong si Stan ko naman ay dadalhin ko sana sa Amerika kasama namin pero ayaw niya. Gusto daw niya magpa-iwan dito., Parang may ayaw siyang iwanan eh," biro pa ng ina ni Stan. "Ma, alam mo naman na ayaw ko tumira dun saka walang aasikaso sa negosyo natin dito kapag sumama ako sa inyo," ngiting sagot naman ni Stan. "Kaya nga ginawa namin ang salo-salo sa ito dahil gusto namin na kayo na bahala sa anak namin. I know magiging magbalae tayo in the near future." bulalas ng ama naman ni Stan na nakapagpatawa sa kanilang mga magulang at nakapagpapula ng mukha naman ng dalawa. "Gusto ko yan! Kung kami naman ay willing din naman kami to guide Stan kung kailangan niya and open din naman siya sa bahay namin," sang-ayon ng ama ni Icy. "Kung ganon pag-uwi namin dito ay saka natin pag-usapan na ang kasal?" Ang ama ni Stan "Pa!" "Matagal pa naman yun kaya makakapaghanda pa itong mamanugangin namin. For now focus muna kayo sa mga careers ninyo," bawi niya. Nagkatinginan naman sila Stan at Icy saka nagngitian. Mula noon ay nagpatuloy ang magandang samahan nilang mga pamilya at lalo ding tumatag ang kanilang pagmamahalan. 'Yan ang kwento ng pagmamahalang Stan at Icy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD