Chapter 2

1216 Words
Lumipas ang isang taon na pagsasama nina Ali at Leyla. Lalong naging mainit ang kanilang pagsasama at lalong lumalim ang kanilang pagmamahalan. Maliban sa trabaho nilang dalawa ay hindi nila kinalimutang bigyan ng panahon ang kanilang pagsasama. Kapag sabado at linggo na wala silang trabaho ay inaalagaan ni Leyla ang asawa. Pinagsisilbihan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. She made sure na masaya ito sa piling niya at ganoon din si Ali sa kanya. They have quality time together. "Wala na talaga akong hahanapin pa sa buhay ko. Ang swerte ko na ikaw ang naging asawa ko," wika ni Ali, habang nagpapahinga sila. Nakahiga silang dalawa na magkatabi sa isang malaking upuan sa likod ng kanilang bahay habang nakatingin sa papalubog na araw. Nakaugalian na nila ito. "Mas lalo na ako, Mr. Manansala," ngiting yumakap siya sa asawa. They are so complete and happy pero hindi maitatanggi sa kanilang dalawa na may kulang pa. May kulang dahil hanggang ngayon ay hindi pa sila nakaka buo ng kanilang mini me. "Pero mas masaya pa sana tayo kung may mga chikiting na tayo ano?" biglang paalala ni Ali. Isa sa mga bagay na gustong gusto niya para sa kanilang dalawa. "Hintayin lang natin sweetheart, darating din 'yan ng hindi natin namamalayan," sagot naman ni Leyla. Nagtataka din siya kung bakit sa loob ng isang taon nilang pagsasama ay hindi pa sila binibiyayaan ng anak. Hindi rin naman siya gumagamit ng pills at lalong hindi rin nila itinatapon ang bawat gabing magkasiping sila. "Yup! We will," sagot ni Ali. Hindi naman siya nagmamadali pero sabik lang talaga siya sa bata. Gusto sana niyang sabihin sa asawa na magpacheck up na sila ngunit nag-aalangan naman siya. Maghihintay na lamang siya kung kailan sila biyayaan ng supling. •••••• Kumakain ng tanghalian si Leyla sa canteen malapit sa kanilang opisina ng lapitan siya ng bestfriend at katrabaho niyang si Daina. "So, kamusta naman kayo ng asawa mo?" biglang tanong nito habang inilalapag ang tray ng kanyang pagkain. Napakunot ng noo si Leyla sa tanong ng kaibigan dahil alam naman niyang okay silang mag-asawa. "Okay naman. Bakit bigla bigla mong natanong 'yan, aber?" pagtataka niya. "Wala naman, natanong ko lang. Kasi naman girl, ang tagal na ninyong mag-asawa until now wala pa kayong anak," sagot nito. "Isang taon pa lang naman, noh. Ang iba nga, limang taon na doon lang nabiyayaan ng anak. Makakapaghintay naman kami," sagot din niya. "Siguro, nagpi-pills ka, 'noh? Ayaw mong masira 'yang figure mo kaya ayaw mong magbuntis?" bulalas ni Daina. "Sira!" Tinapunan niya ito ng butil ng kanin. "Sa lagay na ito magpipills pa ako, eh ramdam ko na nga ang gustong gusto na rin ni Ali ng anak. Ewan ko ba. Minsan nahihiya na ako sa asawa ko," dagdag niya. "Kung bakit kasi hindi kayo magpacheck up. Baka isa sa inyo may diperensiya," suggestion ni Daina. "Naisip ko na 'yan pero pa'no ko sasabihin sa asawa ko?" "Pa'no mo sasabihin? Ali, magpadoctor tayo baka may baog sa atin, ganyan mo sabihin," biro ni Daina na tumawa pa. Minsan gustong gusto niyang inaasar ang kaibigan. "Hindi nakakatawa. Imbes na tulungan mo ako, nagawa mo pa akong biruin. Diyan ka na nga!" tampong turan ni Leyla tsaka iniwan na ang kaibigan sa mesang kanilang kinakaina . Habang kunot noong naglalakad siya ay naisip niya. Pa'no nga kung may diperensiya ang isa sa kanila? Pa'no kung siya ang may diperensiya? Baka iwanan siya ni Ali. Pero tinanggal niya iyon sa kanyang isip. Hindi pwedeng isipin niya ang ganoon. Habang nagtatrabaho ay pinag-iisipan niya kung sasabihin sa asawa ang suggestion ng kaibigan. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan niyang sabihin. Sa kanilang bahay. Napagpasyahan ni Leyla na sabihin nga kay Ali ang tungkol sa pagpapadoktor nila. "Sweetheart, alam kong gustong gusto mo ng baby, kaya may naisip ako," wika niya kay Ali habang nagluluto sila ng kanilang hapunan. "Ano 'yun, sweetheart?" "Naisip ko kasi na tutal medyo matagal na din naman na nagsasama tayo at hindi tayo nagkakaroon pa, pa'no kung magpacheck up tayo sa Doktor para alam natin kung ano ang diperensiya sa atin," aniya. "Sigurado ka ba diyan?" tanong naman nito na hinarap siya para makita ang reaksyon nito. "Oo sweetheart. Kung gusto mo ay magpapa-schedule na ako sa OB ko." "I would love too sweetheart. Gustong gusto ko na talagang magka-baby," masayang sagot ni Ali. Now it came out from his mouth how he wanted a baby. "Sige, sweetheart," ngiting sagot din ni Leyla. ****** Nang nasa clinic na sila ay masaya silang binati ng kanilang doctor. "Good afternoon, Doc," halos sabay nilang bati. "Hi, good to see the two of you here. So what's up?" tanong ng doctor and turns out to be a family friend of Leyla. "Magpapakonsulta sana kami. Isang taon na kaming nagsasama pero until now wala pa kaming baby," sagot ni Leyla. "Okay. We will run some test on the both of you para malaman natin ang problema ninyo." "Sige po, Doc." Nang matapos ang test na ginawa sa kanila ay naghintay muna sila sa labas ng clinic. Pareho silang kinakabahan sa kung ano ang resulta ng kanilang test. "Kinakabahan ako, sweetheart," ani Leyla. "Don't worry. Wala tayong problema for sure," pag-aalo ni Ali sa kanya kahit maging siya ay kinakabahan din. "What if ako ang may problema? What if...." "Ssshhhhh!" pigil ni Ali sa kanya. "No matter what the result is, sabay nating haharapin okay?" "Okay." Sunod sunod na tango ni Leyla. Medyo nawawala ang kaba niya kapag galing mismo kay Ali ang pagpapakalma. Ilang sandali pa ay pinatawag ulit sila sa loob. "Anong resulta, Doc?" tanong agad ni Ali. "Base on our tests, it seems like okay naman kayong dalawa. Leyla's egg cells are good and so do your sperm cells," paliwanag ng doctor. "Maybe you just need to wait for the right time para mabuntis ka Leyla," dagdag pa niya. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang mag-asawa ng marinig ang winika ng kanilang doctor. "So, we will wait for the right time." ulit ni Ali. "Yes!" segunda ng Doctor. "Mukhang excited ka na din magka-baby, ah. No wonder, lahat naman ng mag-asawa eh gusto magkaanak agad. Mas masaya kasi ang bahay kapag may sinasaway at hinahabol habol kang bata," ngiting wika pa niya. Ngumiti lang ang dalawa. They need to try and try hanggang sa makabuo na sila. ******** Makalipas ang isang buwan. Hindi pa rin dinadatnan si Leyla. She is thinking na baka buntis nga ito. "Sweetheart, i'm delayed!" balita niya kay Ali ng makauwi ang huli galing sa trabaho. "What do you mean?" "Mag-iisang buwan na akong hindi dinadatnan!" masayang sagot niya na halos matalon ito. Biglang namutawi ang isang matamis na ngiti sa mukha ni Ali. It gave him fate that it might be the right time is now. "Talaga? Baka buntis ka na, sweetheart?" Hindi pa rin siya makapaniwala. "Hindi ako sigurado, sweetheart." "Nag pregnancy test ka na ba? Mayroon ka ba diyan? Bibili ako kapag wala." Hindi magkandaugaga si Ali sa excitement. "Mayroon akong isa. Gusto mo i-try natin?" nangingiti na sagot ni Leyla. Ramdam na ramdam niya ang saya ngayon ni Ali kahit hindi pa sigurado ang lahat. "Sige." Mabilis na ginawa ni Leyla ang pregnancy test. "Sweetheart,anong resulta?" pangungulit ni Ali sa labas ng banyo. Hindi na makapaghintay na lumabas si Leyla. "Wait lang, sweetheart," sagot ng asawa. Sa sobrang excitement ay pinasok na niya ito sa banyo. "Ano ka ba! Hindi halatang excited ka, ah," tawang sita sa kanya ni Leyla na kasalukuyang naghuhugas ng kamay. Halos hindi matanggal ni Ali ang tingin sa PT kit na nakapatong sa lababo. "Ooooh. Sweetheart " sambit niya ng lumabas ang resulta ilang minuto ang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD