Chapter 1

1424 Words
May 8, 2006 Alexander and Leyla Wedding. White and red roses. Un-fully bloomed red tulips. Red and white motif dresses. Visitors. Family. Friend. Beautiful bride. Handsome groom. 'Yan ang makikita mo sa loob ng simbahan. The wedding that Alexander and Leyla waited for. Red and white ang naisip nilang motif ng kanilang kasal dahil nagrerepresent ito ng kanilang pagmamahalan. Red as a fire that heats up their love, as courage for all the challenges they encountered. White as the purity, honesty and fairness to one another. Pinili nila iyon ng sabay dahil iyon ang nagbibigay ng simbolo sa love nila sa isa't isa. "Alexander, tinatanggap mo ba si Leyla bilang asawa at maging ina ng mga anak mo?" tanong ng pari kay Ali. "I do father, with all my heart," sagot naman ni Alexander o Ali sa mga kaibigan at pamilya, habang mahigpit na nakahawak sa dalawang kamay ng kanyang katipan. Matamis na ngiti ang kanyang ibinigay dito. She's the most beautiful woman for him not only on their wedding but everyday. "Ikaw Leyla, tinatanggap mo ba si Alexander bilang asawa at magiging ama ng mga anak mo?" baling din ng pari kay Leyla na nakatitig din sa kanyang katipan. Buong puso niyang tinignan si Ali sa mata. "I do father," buong pagmamahal na sagot nito. Mas humigpit ang hawak nila sa kamay ng isa't isa. Thi is it! Ito na talaga ang pinakahihintay nila. Ang masabi ng I DO sa isa't isa sa harap ng diyos at sa mga taong nagmamahal sa kanila. "By the power bested in me, i pronounce you, Man and Wife. You may kiss your beautiful bride," panghuling wika ng pari. Umalingawngaw ng palakpakan sa paligid. Nagsitayuan ang lahat para bigyang pugay ang pag-iisang dibdib ng dalawang pusong lubos na nagmamahalan. Dahan dahang itinaas ni Ali ang bello na tumatakip sa mukha ni Leyla. Bago niya ito halikan ay hinawakan muna niya ang kanyang mukha. "I love you,” he said. And he gently kiss her lips. Naghinang ang kanilang mga labi ng ilang segundo saka sila nagbitaw. "I love you too sweetheart," Leyla lovingly answered and they hug each other. Lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan. All are happy for them but the happiness between the two are way more unmeasurable. RECEPTION Ginawa nila ang reception ng kasal sa isa sa pinakamalaking Hotel sa Maynila, ang Pan Pacific Hotel. Ang mga pamilya at mga piling kaibigan at katrabaho lang ang kanilang bisita. A modernize wedding reception na pinalilibutan ng mga bulaklak ang paligid and the flower colors they want. Regalo ng Papa ni Ali ang reception. This day is their happiest day they ever had. Wala na silang inisip kundi ang hindi na magtapos ang kasiyahang kanilang nararamdaman. Halos hindi sila mapaghiwalay. Ali often squeeze her hand to make sure he is not dreaming and sometimes he give her kisses on her head. He is so happy. And Leyla feel the same too. *********** Matapos ang kasal ay nagstay muna sila ng buong gabi sa hotel bago sila luluwas ng Singapore for their honeymoon. Si Ali at Leyla ay nagkakilala thru a mutual friend Daina. Katrabaho ni Leyla si Daina sa banko samantalang family friend ng pamilya ni Ali ang pamilya ni Daina. She introduced Ali to Leyla when they attended a party together at doon nagsimula ang relasyon ang ngayong mag-asawa na. They became a couple after 4 months of courting and lasted as boyfriend and girlfriend for about 3 years when Ali finally decided to tie the knot with Leyla. Nagbigay ang mga magulang ni Leyla ng trip to Singapore as their honeymoon gift. SINGAPORE.... Habang nasa loob sila ng hotel na tinutuluyan nila.... "Gusto kong magkaroon ng baby,” ani Ali. "Eh di gumawa tayo ng baby?" ngising sagot naman ni Leyla na kasalukuyang nakahiga sa kama na naka-unan ang ulo sa mga binti ni Ali. Natawa ito. "Sige gawa na tayo ng baby ngayon na!" Ali said. Para silang nagbunuhan sa kama dahil sa pangingiliti ni Ali kay Leyla. Nang pakapaibabaw kay Leyla ay hinalikan niya ito ng napakatamis. "I love you so much sweetheart," he said sweetly with all his heart. "I love you more sweetheart, and thank you for loving me so dearly,” sagot naman ni Leyla at muling naghinang ang kanilang mga labi. Pinagsaluhan nila ang unang gabi ng kanilang pagiging mag-asawa. Habang nasa Singapore sila ay ine-enjoy nila ang bakasyon nila. Namasyal, kumain, nag-enjoy, 'yan ang ginawa nila. They made memories together. Hindi nila namalayan na natapos ang isang linggo dahil sa kanilang pag-eenjoy. MANILA.. "Kamusta ang bakasyon ninyo?" tanong ni Mrs. Dela Riva, na ina ni Leyla pagdating ng dalawa galing airport. "Okay naman Ma, nag-enjoy kami do'n sobra! Thank you," sagot ni Leyla. Sa bahay ng mga magulang niya muna sila tumuloy dahil hindi pa nai-ayos ng mabuti ang bago nilang bahay na mag-asawa. "You’re welcome! Hala sige, pasok na kayo ng makapagpahinga naman kayo,” pagmamadali nang Ginang. Panganay sa tatlong magkakapatid si Leyla at sa kanilang magkakapatid ay siya ang masasabing pinakapaborito ng mga magulang. Kahit sa napangasawa niya ay sang-ayon sila dahil ramdam nila na mabait si Ali at mahal siyang kanilang anak. They saw all the things a parents can ask for a son-in law to Ali. They saw how he manage to take care of her despite his work. They saw how he love her and how he make her happy. Doon pa lang ay masaya na ang mga ito. "It's good to be home!" bulalas ni Ali pagkalapag ng maleta nila sa kanilang kwarto. Agad naman na ibinagsak ni Leyla ang katawan sa malambot na kama. "Nakakapagod but i'm so happy," wika naman niya. "Hopefully maulit natin iyon sa anniversary natin noh?" ani Ali habang pahiga sa tabi ng asawa. "Sana. Ay, oo nga pala, may natitira pa akong 1 week sa bakasyon ko at may 3 days ka din. May time pa tayo na ayusin ang mga kailangan nating ayusin sa bahay natin,” paalala ni Leyla. "Yup! We will start tomorrow para bago tayo pumasok sa trabaho ay handa na rin ang ating bahay na u-uwian natin,” sagot naman ni Ali. "Excited ako na tumira sa bahay natin sweetheart." "Me too." Kinabukasan ay sabay silang umalis na mag-asawa patungo sa kanilang bahay para mag-ayos. Kaunti na lang din naman ang kanilang aayusin kaya baka matapos nila iyon bago matapos ang bakasyon ni Ali na ibinigay ng Architectural firm na pinagtatrabahuan. Isang magaling, tinitingala at kilalang architect si Ali. Maraming malalaking gusali ang kanyang disenyo samantalang si Leyla ay isang Bank Manager. Maganda at stable ang trabaho nila kaya wala silang magiging problema financially kung magkaanak man sila agad. Inabala nila ang kanilang mga sarili sa pag-aayos ng mga gamit sa kanilang bungalow na bahay. Apat ang kwarto nito, malaki para sa kanilang dalawa pero sinadyang ganoon ang gawing disenyo ni Ali para sa mga anak nila kung saka sakali. Nag-aayos si Leyla sa kanilang kwarto ng magring ang phone niya. Si Mrs. Manansala na biyenan niya. "Hello Ma." "Gusto ko sana kayong imbitahan for dinner mamaya," wika ng biyenan sa kabilang linya. "Sige po Ma, pupunta po kami ni Ali. Nag-aayos kasi kami dito sa bagong bahay kaya hindi na kami nakadalaw diyan,” paliwanag sa biyenan. "Maganda kung ganun para makalipat na kayo agad. So, we'll expect the two if you mamaya, huh?" "Sige po, Ma." "Okay, bye!" "Bye po." Isa pa sa dahilan kung bakit hindi na nakahindi si Leyla na magpakasal kay Ali ay ang naramdaman niyang buong buo na pagtanggap sa kanya ng buong pamilya ng asawa. Ang mga magulang pa niya ang nagmadali sa kanya para mapakasalan na ito. Nag-iisang anak lang si Ali, kaya gustong gustong magkaanak din ng asawa agad sa kadahilanang gusto ng mga magulang niya ng apo na magpapatuloy sa apilyedong dala dala nila. Hindi naman masisi ni Leyla ang mga biyenan sa kagustuhan nila na iyon dahil maging sila ay gusto ring bumuo ng isang pamilya na silang dalawa at ang anak na bubuuin nila. Habang busy si Leyla ay nagulat siya ng bigla siyang hilahin ng asawa sa ibaba ng kama. Pumaibabaw siya dito saka marahang dinampihan ng halik ang mga labi niya. "Ali ano ka ba! Pawis na pawis ako, oh,” saway niya. "Bawal bang maglambing kahit na pawis ang asawa? Magpapawis ka din naman sa gagawin ko sa 'yo," pangisi-ngising sagot ni Ali saka unti unti pinaghahalikan sa mukha at leeg ng asawa. "Pilyo ka talaga!" "Kaya mo nga ako pinakasalan dahil diyan eh," bulong naman ni Ali saka bahagyang hinaplos ang dibdib ni Leyla at hinalikan ang punong tainga nito na nakapagpasinghap sa kanya. Alam na alam kasi ng asawa na doon ang mga kiliti nito. "We will make our baby right here, right now at para na din mabinyagan ang kama natin!” tawang biro pa ni Ali. Ganun nga ang nangyari. Pinagsaluhan nila ang kaligayahan at pagmamahalan nila. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD