Bago luluwas si Ali papuntang Singapore ay kailangan muna niyang ayusin ang lahat, kailangan muna niyang kausapin si Adrian. Walang kasalanan ang bata sa mga nangyayari ngayon at minahal niya ito bilang anak niya, kaya hindi kakayanin ng kanyang puso na iwan na lang siya na hindi nagpapaalam. Kailangan din kausapin ni Ali ang mga magulang ni Leyla at sabihin ang lahat lahat sa kanila. Kung tutuusin ay noon pa sana niya dapat sinabi ang lahat ngunit ano pa ang magagawa niya? Nagpadala siya sa takot kay Mr. Del Mundo at nagpadala siya sa takot sa maaaring mangyari kay Leyla. Pagkalabas na pagkalabas ni Adrian sa ospital ay kina-usap niya ito sa harapan mismo ni Yasmin. Hindi dahil sa gusto niyang ipagtapat ang lahat sa bata kundi magpaalam lang na aalis. Adrian needs time for all this and A

