Matapos makapagpaalam ang lahat kina Leyla, Brianna at William ay umalis na sila patungong airport. Ngayon na ang alis nila. Mahirap man ngunit kailangan ulit iwan ni Leyla ang kanyang mga magulang at mga kamag-anak. Nasa Singapore na ang buhay nilang mag-ina ngayon. Atat din siyang bumalik na dahil sa takot na baka isang araw ay bumulaga na lang si Ali sa pintuan ng kanilang bahay. Alas singko pa naman ang flight nila ngunit alas dos pa lang ay umalis na sila sa kanila dahil medyo mahaba haba pa ang biyahe mula Batangas papuntang Maynila. Hindi nila kailangang mahuli sa kanilang flight. Sa kabilang banda, malapit na si Ali sa Batangas. Ilang minuto na lang ay nasa bayan na siya at ilang minuto na lang ay makikita na niya si Leyla at ang anak nito. Ngunit ang hindi niya alam ay ngayon na

