Dahil sa narinig ni Mr. Del Mundo na tsismis sa mga empleyado niya ay naging isang malaking katanungan iyun sa kanya na laging gumugulo sa kanyang isip. Kaya, napagpasyahan niyang kausapin ang kanyang anak tungkol dito. "Mag-usap nga tayo." aniya kay Yasmin. "Tungkol saan po?" "Anong ginagawa mo sa isang OB gyne clinic?" diretsahan ang tanong ng matanda. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" "Usap usapan ng mga empleyado sa opina na buntis ka daw. May katotohanan ba ang mga pinagsasabi nila?" tanong pa niya. "Daddy naman..." "Sagutin mo ang tanong ko?!" tumataas na ang boses ng matanda. Biglang nakaramdam si Yasmin ng kaba at takot sa ama. "Hindi po!" mabilis niyang sagot, ngunit isang kasinungalingan naman ang binigkas niya. "Mabuti naman kung ganun, dahil kung buntis ka nga, hindi ko

