Buong gabi na nag-isip si Leyla. Maraming mga tanong sa kanyang isip ngunit paglaon ay winaksi niya lahat. Anong magagawa ng sobrang pag-iisip para sa kanya? And besides hindi siya pwedeng maghinala na lang ng maghinala nang walanh nakukuhang ebidensiya. Pagdating ni Ali kinabukasan ay sinalubong niya na parang okay lang ang lahat. Pinagsilbihan parin niya ito kagaya ng dating ginagawa niya. Habang pinagmamasdan niya ang asawa, wala siyang nakikita o naaalala na nagbago siya dito. Ramdam niya ang pagmamahal niya at ang pag-aalaga din nito sa kanya. "Sweetheart, what if sumama ako sa Baguio sa susunod na punta mo? I-clear ko lahat ng schedule ko for this weekend." Wika ni Leyla habang nag-aalmusal sila isang umaga. "Pwede rin sweetheart pero this weekend, marami akong aasikasuhin doon ba

