Nang makarating si Ali sa hospital ay hindi pa nagigising si Yasmin. Nakahiga pa ito sa emergency room, may galos sa kanyang mukha at benda sa kanyang paa. "Kamusta po siya Doc? Ang anak ko? Nasaan siya?" Tanong niya ng hindi makita ang anak sa loob. "Si Misis ay okay na, nagtamo lang siya ng galos sa mukha at bali sa kanyang paa. Regarding sa inyong anak, nasa operating room siya ngayon. Mas grabe ang natamo niyang mga sugat at bali sa katawan kaya kailangan siyang mag-undergo sa operation. May nakatusok din na salamin sa kanyang tiyan kaya kailangang tanggalin iyun sa lalong madaling panahon." Paliwanag ng doctor na nag-attend sa mag-ina. "My god! Ang anak ko." Nasambit ni Ali sa sobrang pag-aalala at takot. "Huwag ho kayong mag-alala, gagawin namin ang lahat to save your son." Pagbi

