Nanggigigil parin si ali sa galit habang hawak hawak niya ang resulta ng kanilang DNA ni Adrian. Hindi parin siya makapaniwala sa nalaman. Gusto niuang magwala, magsisigaw at basagin lahat ng mga bagay na makita niya, ngunig nasa hospital siya ngayon. Siguradong gagawa iyun ng eksena. Nang makapagpaaalamt siya sa doctor ay dali dali siyang umalis. Hindi na siya bumalik pa sa kwarto na kinaroroonan nina Adrian at Yasmin. Gusto niyang mawala na sa buhay ng dalawa. Ang batang minahal niya, ang batang sa una pa lang ay pinili niya kapalit ng kanyang asawa ay hindi sa kanya. Ang sakit sa kanyang dibdib, parang sasabog ang kanyang puso. Ang akala niyang pag-aari na niya, 'yung taong pwede niyang ipagmalaki sa lahat, 'yung taong tanging nagpapalakas sa kanya at bumubuo sa kanya ay kasinungalingan

