Tristan Agad agad kong pinuntahan si Christian sa Barangay upang komprontahin sa nakita sa cctv camera ngunit wala ito sa barangay hall. Ang sabi ay hindi raw ito pumasok at may importanteng inaasikaso. Tina tawagan ko si Mom ngunit hindi ito sumasagot kaya nagdesisyon na akong pumunta sa bahay at magbakasakaling nandun si Christian. Pagdating ko sa bahay, nagkakagulo ang aming mga kasambahay. Tinawag ko si Ate Melly upang tanungin kung anong nangyayari. “Si Sir Christian po kasi sir narinig naming sumisigaw sa kwarto” sabi nito na tila natataranta. “Huh? Bakit siya sumisigaw?” Tanong kong muli. “Sir kasama niya po si Mam Luna. Narinig po naming umiiyak si Mam Luna sir” nang marinig ko ang pangalan ni Luna, agad agad akong tumakbo sa taas at nadatnan kong katok ng katok si Mom sa kwar

