bc

Last Chance

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
BE
powerful
tragedy
bxb
gxg
genius
campus
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Tristan is not so romantic guy, he’s not vocal but most of the time he shows his love to Luna in action. He always surprise her with his sweet gestures. Until one day, all things change in their perfect love story. An unexpected scenario happen. Joan was powerful and she will do everything to get what she wanted. Would their perfect love story last to a happy ending or this is the last chance of their love story?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Luna “Luna, bilisan mo na. Nandito na si Tristan” sigaw ng Nanay ko habang ako ay nasa kwarto at naghahanda sa pagpasok sa eskwela. Tristan Castillo is my Boyfriend since 4th year high school. Naalala ko pa, napakailap niya, palagi na lang siyang nawawala sa kabila ng pagpapa-cute ko, patuloy pa rin niya akong dine deadma. Akala ko talaga wala na akong pagasa sa lalaking nagiisang nagpatigil ng mundo ko. “Opo nay, sandali na lang” sagot ko sa nanay ko. Bumaba ako ng hagdan at habang naglalakad, nadaanan ko sa ding ding ng hagdanan ang mga nakasabit na picture, nandun din ang picture ng graduation namin ni Tristan na magkaakbay. Napangiti ako ng makita ito. Parang kailan lang, nasa high school kami at ngayon nasa huling taon na kami sa kolehiyo. Sabay namin inaabot ang mga pangarap namin. “Babe” napapitlag ako nang bigla na lang sumulpot si Tristan sa baba ng hagdanan. Tinignan ko ito saka ngumiti. Nagmadali akong bumaba na agad naman akong sinalubong nito. “Sorry Babe” sinalubong ako ni Tristan ng isang halik sa pisngi. Kinuha nito ang mga gamit ko saka ako inalalayang tuluyang makababa ng hagdan. Tumingin ako dito saka ngumiti, gayundin ito sa akin. “Bakit nakatitig ka sa picture natin?” Tanong nito. “Wala lang, natutuwa lang ako kasi ang susunod na isasabit kong picture dun sa ding ding ay ang graduation picture na natin ng college” ngumiti din ito saka ako hinawakan sa kamay. “Pagkatapos ng graduation picture, ang isusunod namang isasabit natin sa ding ding ay ang wedding picture natin” saka ito kumindat. Tumango ako kasabay ng isang matamis na ngiti. Bakit hindi, yun naman talaga ang gusto kong mangyari, ang gusto naming mangyari. Ang maikasal at magkapamilya sa tamang panahon. “Pero sa pagkakataong iyon, isasabit natin ang picture sa sarili na nating bahay” umakbay ito sa akin at isang halik sa gilid ng buhok ko. Niyakap ko naman ito ng mahigpit saka tinignan. “Yes, sa sarili na nating bahay babe” nang agawin ni nanay ang lambingan namin. “Bilisan niyo nang dalawa, mahuhuli na kayo sa klase” naghiwalay kami ni Tristan na nagkakatawanan saka kami lumabas ng bahay at nagpaalam. Si Tristan ay kinuha ang kursong Public Administration habang ako naman ay nasa Business Administration. Parehas kaming nasa ikaapat na taon at nalalapit na rin ang pagtatapos. Hinatid ako ni Tristan sa room ko at pagkatapos siya namang dumiretso sa kanyang klase. Nadatnan ko naman sa loob ng klase si Joan at Nelly. Joan San Miguel and Nelly or Ronelio Guzman is my best friend dito sa aming campus. Si Joan ay isang anak ng politiko dito sa aming bayan sa Donsol, municipality of Sorsogon. At si Ronelio aka Nelly naman ay katulad kong isang simpleng mamamayan lamang. Ang aming mga magulang ay nanghuhuli ng mga Giant Squid na pangunahing ikinabubuhay ng aming mga ka baranggay dito sa Brgy Sta.Cruz. Habang si Tristan naman ay anak ng isang kilalang negosyante na si Don Mauricio Castillo at ang may bahay nitong si Donya Cristy Castillo (o mas tinatawag kong Tita Cristy dahil ayaw nitong tinatawag siyang Donya) dito sa aming bayan. Isa sila sa nagma mayari ng malalaking pamilihan dito sa aming bayan. Si Tristan ay may nakatatandang kapatid na lalaki, Si Christian. Limang taon din ang pagitan ng edad nila. Si Christian ay nalinya sa politiko, ito ang kasalukuyang Brgy Captain ng Brgy Santa Cruz at nakalinya sa grupo nila Mayor Bienvenido San Miguel, ang ama naman ni Joan. “Besh, nakausap mo na ba si Christian?” Agaw pansin sa akin ni Joan. Malaki kasi ang pagkagusto nito kay Christian kaya naman pilit niya akong hinihingian ng tulong na ilakad ko siya dito dahil nga kapatid ito ni Tristan. “Hindi pa Besh, busy sa baranggay yun. Tsaka malapit na rin ang susunod na kampanya, busy sa pagtakbo para sa huling termino niya” sagot ko naman dito. Agad naman itong sumimangot. “Ikaw naman Joan parang di kayo busy noh? Intindihin mo na lang. Ka partido naman sya ng Daddy mo, magkakaroon din ng pagkakataong makapagusap kayo” sagot naman ni Nelly. “Ehh, I can’t wait. Gusto ko na siyang makausap, A.S.A.P” nagkatinginan na lang kami ni Nelly. Bratinela kasi itong si Joan, palibhasa nagiisang anak kaya halos lahat ng gusto niya agad na sinusunod ng kanyang mga magulang. Patuloy pa rin ito sa pagmamaktol hanggang sa mairita na rin ang tenga ko sa pagta tantrums nito. “Oo na, gagawan ko ng paraan” isang matining na tili ang pinakawalan nito saka ako niyakap. “Yiiiieeee thank you besh, your the best talaga. I love you” saka ito patalon talon pang yumakap. Pilit na ngiti ko naman itong binalingan. Laking pasalamat ko nang biglang dumating ang professor namin kaya naman natigil si Joan sa pagtili at nagbalikan sa kanya kanyang upuan ang mga estudyante. Sumapit ang lunch time, agad din akong pinuntahan ni Tristan upang yayaing managhalian. Sumabay din sa amin si Joan at Nelly. May baon kami ni Nelly at may pasobrang baon din ako para kay Tristan habang si Joan ay bumili na lang sa cafeteria. Nagdesisyon kaming sa isang bench sa may park ng school na lang kami kumain. Nauna na kami ni Nelly dahil si Joan at Tristan ay bumili sa cafeteria. Dinagdagan ni Tristan ang aking pagkain at bumili rin ito ng maiinom. “Ang swerte mo talaga kay Tristan noh, ang loyal. San kaya ako makakahanap ng ganyang lalaki” agaw pansin ni Nelly sa akin habang inaayos ko ang aming pagkain. Alam ni Nelly ang istorya namin dahil isa si Nelly sa ka schoolmate namin sa Sta Cruz High School. “Kahit ako, hindi rin ako makapaniwala eh. I remember nung mga high school pa tayo, ganyan din ako kay Joan. Pero correction ah, di ako ganyan ka aggressive” nagtawanan kami ni Nelly ng malakas hanggang sa maagaw ang pagtatawanan namin ng atensyon ni Joan. “What so funny?” Tanong nito sa maarteng tono. Nakabalik na pala ito at si Tristan. “Wala naman, may naalala lang kami ni Luna” sagot naman ni Nelly. “Ahh, ang daya niyo, what is it?” Nagkatinginan kami ni Nelly saka biglang napatawa ulit. “Heyy, ako ba pinagtatawanan niyo?” Tanong muli ni Joan. “No besh, not you. Naalala lang namin ang high school days” saka ako napatingin kay Tristan na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. “Let’s eat?” Sabi nito. Tumango ako saka ito tinabihan. “Kainis kayo. Mamaya sabihin niyo sakin yan ah” huling hirit ni Joan bago ito umupo at kumain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
52.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
785.0K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
18.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
554.3K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook