Luna
“Nasan si Tristan?” Tanong ng kaibigan kong si Risa nang masalubong nila ako sa gate kasama si Nelly.
“Hindi ko alam” masungit na sagot ko dito at saka dire diretso akong lumakad palabas ng school. Nasa ikaapat na taon kami ng high school ng mga panahong ito. Tapos na ang klase namin ng araw na ito at hinintay kami ni Risa sa gatebupang sabay sabay umuwi. Naglalakad kami papunta sa sakayan nila Risa at Nelly nang biglang dumating ang isang grupo ng mga kalalakihan, kasama doon ang boyfriend ni Risa na si Tonet. Agad itong tumabi kay Risa. Nakita ko rin si Tristan na naglalakad ngunit hindi ako nito pinapansin. Tinignan lamang ako nila Nelly at Risa na tila ba may tanong sa mga mata. Hindi ko sila kinibo at patuloy ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko na lang na may humawak sa kanang kamay ko. Paglingon ko, nakita ko si Tristan na ngayon ay tahimik ding naglalakad kasabay ko habang hawak ang kanang kamay ko. Tahimik din akong lumakad hanggang sa makarating kami sa sakayan. Nagpaalam ito at sumama sa grupo nila Tonet habang ako, naiwang nakatulala. Nasanay na ako na ganun ang eksena namin ni Tristan. Kami pero parang hindi. May monthsarry pero parang ako lang ang nag cecelebrate. Lalapit lang siya kapag gusto niya pero hindi naman ako kakausapin. Sa mga oras na gusto ko nang sukuan ang relasyon namin, bigla bigla naman itong magpaparamdam ng pagkagusto niya sa akin.
“Tulala ka babe?” Nabalik ako sa ulirat nang bigla akong tabihan ni Tristan dito sa inuupuan kong bench. Hinihintay ko kasi siya upang sabay na kaming umuwi.
“Huh? Kanina kapa ba nandyan?” Tanong ko dito.
“Kanina pa kita kinakawayan pero mukhang malalim ang iniisip mo eh. May problema ba?” Tanong nito.
“Ahh wala naman babe, may bigla lang ako naalala” sagot ko naman. Hindi ko na inungkat pa kung ano ang naalala ko dahil para sa akin, tapos na yun. Nakalipas na. Kung ano man ang dahilan niya, hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay ang kasalukuyan at ang hinaharap.
“Ano naman yun?” Tanong nitong muli.
“Si Joan kasi ang kulit, gusto ma meet si Christian” napa ismid naman si Tristan. Hindi niya kasi gusto ang kaibigan kong si Joan dahil bukod sa may pagka maarte ito, spoiled brat pa.
“As if naman kakausapin siya ni Kuya” sagot ni Tristan. Natawa ako sa kabilang banda.
“Huwag mo na nga siya intindihin, tara na mirienda muna tayo bago umuwi” kinuha nito ang mga gamit ko saka ako inalalayang makatayo sa pagkakaupo.
“Eh kukulitin na naman ako nun” sagot ko naman dito.
“May meeting naman si Kuya at ang Daddy niya, dun niya na lang kausapin. Huwag mo na siyang intindihin. Halika na” sumangayon naman ako saka sabay kaming umalis ng school ng magkahawak kamay. Kung dati parang ang hirap para sa kanyang gawin ito, ngayon, siya palagi ang nauuna. Sinisiguro niya pang palagi siyang nakaalalay sa akin isang bagay na talaga namang nakapagpaibig sakin ng sobra kay Tristan. Sobrang alaga nito sa akin kabaliktaran nung nasa highschool pa lamang kami.
Dinala ako nito sa isang fast food chain malapit sa Bayan. Nung una ay tumanggi ako dahil ang pera ko ay naka budget na para sa isang linggo ngunit nagpumilit ito at siya na rin ang nagbayad ng kinain namin.
“Ako naman sa susunod babe” sabi ko dito.
“You don’t have too babe at isa pa, espesyal ang araw na ito sa akin kaya ok lang” nagtataka ko naman itong tinignan.
“Anong meron sa araw na ito?” Tanong ko.
“This is the day that i first saw you” gulat ko naman itong binalingan.
“Weh? Di nga? Bakit ngayon mo lang nasabi?” Tanong ko muli dito.
Ngunit imbis na sumagot ito, kinuha nito ang isang french fries at saka isinubo sa akin.
“The day your eating french fries here at the same spot. Sobrang cute mo nun” napaisip ako bigla, kailan ba yun? Ano ang meron ng mga araw na yun. Ngunit ang isip ko ay tila nasagot naman nito.
“That day, kasama mo sila tita. Celebration ng recognition mo kasi may award ka and kasama ka sa honor roll. May medal kapa nga nun eh” nagulat naman ako dito dahil ang alam ko huling nagawa namin nila nanay yun eh 1st year high school pa lang ako. 1st honor ako nun kaya naman nag celebrate kami dahil nakabenta ng malaki si tatay sa mga huli nitong giant squid. Ako na halos nakalimutan na ang sandaling iyon pero yun pala ang unang araw na nagkita kami.
“Grabe ang tagal na nun tapos anong nangyari? Dine deadma mo naman ako sa school nun eh” sabi ko naman dito.
“Eh hindi ko pa alam pano pakisamahan ang girlfriend nun eh. Your my first babe. Sorry na po” sinabayan pa ng pagkurot nito sa pisngi ko.
“Aray” natatawa nitong binitiwan ang pisngi ko saka hinalikan.
“Hoy, first din naman kita ah. Matagal mo na pala akong nakita bakit hinayaan mong ako pa ang mag first move hmp?” sagot ko dito na nakasimangot pa dahil sa pagkurot nito.
“And last babe. Mabuti na lang nagpa cute ka sa akin noon, kung hindi eh di wala pa tin akong girlfriend hanggang ngayon” sagot nito habang tatawa tawa. Tinignan ko ito saka ito nagpa cute, samahan pa ng pagtaas baba ng mga kilay nito na lalo atang nakapagpa gwapo dito. Nakakainis, nawawala na agad inis ko dito basta ngumiti na ito.
“Hmmp” pakipot ko namang pagtatampo. Lumapit ito saka ako niyakap.
“Sorry na babe. I love you” paglalambing naman nito.
“Oo na, bilisan na natin baka gabihin tayo. Lagot ka kay tatay” ngunit bago ito humiwalay, isang piraso ng french fries ang muling isinubo nito sa akin. Hanggang sa magkatawanan na lang kami.
Sa kabilang banda, tila ba nasagot ang tanong na lumaro sa isip ko kanina. Dahil sa 1st time niyang magka girlfriend pala kaya ganun siya dati. Atleast alam ko na ngayon. Masaya akong naalala niya ako at minahal ng ganito.
Hinatid ako ni Tristan sa bahay. Nadatnan nga namin si Nanay na nagluluto na ng pang hapunan at sa di kalayuan naman ang tatay na hinahanda ang kanyang gamit sa pang huhuli ng pusit. Nang pagalis ni Tristan, makalipas ang ilang minuto, may bigla naman kaming bisitang dumating.
“Tao po” narinig kong katok ng isang lalaki habang nandito ako sa kwarto.
“Anak, tignan mo nga muna kung sino” utos naman ni nanay.
“Sige po” dumiretso ako sa pintuan saka ko pinagbuksan ang kumakatok.
Nagulat ako nang makita kung sino ang tao.
“Christian” sabi ko dito.